CHAPTER 5

1.6K 40 2
                                    

BEATRIX' POV

Nabalik ako sa realidad nang biglang gumalaw si Xander sa tabi ko. Mahimbing parin itong natutulog at parang may maganda itong panaginip dahil napakapayapa ng pag hinga nito.

Dahan-dahan akong umalis sa kama at agad na naglakad patungo sa banyo ngunit agad ding napatigil at napangiwi ng makaramdam ng hapdi sa aking pagkababae.

“A-aray.” I uttered in pain as i walk towards the bathroom.

Oh god!

Marahas akong bumuga ng hangin at maingat na naglakad papasok sa loob ng banyo at agad na nagshower. Pahirapan pa akong nagtoothbrush dahil sa hapdi sa pumutok kong labi, lalo na kapag ito ay nalalagyan ng toothpaste o kaya nasasagi ng brush.

Pagkatapos maligo at mag-damit, ay agad na akong lumabas sa walk-in closet na nakakonekta sa bathroom habang pinupunasan ang basa ko pang buhok gamit ang tuwalya.

Bahagya pa akong napatalon sa pagkabigla ng makita itong nakaupo sa gilid ng kama paharap sa aking kinaroroonan at mataman itong nakatingin sa‘kin.

Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin at agad na nagtungo sa aking vanity mirror at walang-imik na tinuyo ang aking buhok.

Tahimik lamang ang aking bawat galaw at binalewala ang tinging pinupukol nito sakin habang palabas ako ng aming kwarto. 

I have to ignore him and better to be in silence than to have a conversation with him. I don't  think i can still talk like nothing happened last night.  Atsaka alam ko namang ayaw niya akong kausapin kaya di na lang ako magsasalita.

Marahas akong napabuntong hininga habang naglalakad patungo sa kusina upang magluto ng aking almusal.

Yes,  My breakfast!

Ayoko ng magsayang ulit ng pagkain, sayang lang kung magluluto ulit ako ng madami tapos ako lang naman pala ulit ang kakaing mag-isa.

Kasalukuyan akong naghahain ng mga niluto ko sa table nang magsalita ito mula sa hamba ng pintuan sa kusina na bahagya ko pang ikinagulat.

“Are you done cooking?”  tanong nito.

Sandali ko siyang binalingan ng tingin at tumango bago muling ibinalik ang aking atensiyon sa ginagawa.

Ayokong magsalita. Maliban sa ayaw ko siyang kausapin ay ramdam ko din ang sakit sa aking labi na pumutok gawa ng pagkakasampal nito sa'kin kagabi.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko siyang naglakad palapit sa aking direksiyon subalit ipinagsawalang bahala ko lamang ito at naupo na lamang upang kumain.

“I want to eat.” aniya tsaka umupo sa harap ko, natigil naman ako sa pagsubo sa pagkain at nagtataka itong tiningnan.

talaga ba? siya? kakain? Nakakapanibago naman. Ano kaya ang sumapi dito ngayon at parang nag-iba ata?'

"ha?" nakatangang usal ko.

"I want to eat. "  seryosong ulit nito.

Seryoso siya? Anong naisip niya at bakit gusto na niyang kumain ngayon?

A-ah g-ganun ba, s-sige ipagluto na lang kita.”  nauutal at natatarantang  saad ko naman, at akmang tatayo na upang ipagluluto siya ng pagkain nang agad niya akong pinigilan.

“No need, hati na lang tayo diyan.” aniya, sabay turo sa mga pagkaing niluto ko.

Napatigil ako sa aking kinatatayuan at napapantastikuhang tinitigan ito, tinatantya kung seryoso ba ito o hindi subalit kitang-kita ko sa kislap ng mga mata nito ang kaseryosohan.

I Am Secretly Married To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon