Chapter 12

1.5K 33 2
                                    

BEATRIX‘S POV

————

Pagkatapos kong kumain at naglinis sa kabuuan ng bahay, napagpasyahan ko munang tumambay sa likuran ng bahay upang makapagpahinga ng konti.

may ginawa akong maliit na garden dito at tinaniman ko ng mga sari-saring bulaklak upang dito ako magpapalipas ng oras kapag gusto kong mapag-isa o makapag isip-isip, tulad na lang ngayon.

Naupo ako sa nag-iisang bench doon at tahimik na pinagmamasdan ang mga bulaklak at mga paru-parung malayang nagliliparan at dumadapo sa mga bulaklak.

napakagandang tanawin ang aking napagmamasdan at kahit papaano, naibsan nito ang mga negatibong bagay na aking naiisip.

Napangiti ako ng malaya kong nasasaksihan at napagmamasdan ang haring araw na ngayon ay papalubog na, na siyang sumisimbolo na patapos na ang araw at paparating na ang madilim na gabi.

Naaalala ko pa noon..

Noong simula pa lamang ng pagiging mag-asawa namin ni Xander, ayaw na ayaw ko no'n kapag paparating na ang gabi dahil paniguradong sasaktan at pagsasamantalahan na naman niya ako.

at gustong-gusto ko naman noon kapag umaga, dahil wala siya dito sa bahay at nasa kompaniya lamang siya,

hindi niya ako masasaktan.

pero ngayon, gustong-gusto ko na ang gabi, dahil sa napatahimik at napakapayapa ang buong kapaligiran, at dahil din sa gabi, malaya kong naitatago ang sakit na aking nararamdaman at malaya kong napagmamasdan 'siya' sa pamamagitan ng mga bituin.

Napabuntong hininga na lamang ako ng may nakatakas na isang butil ng luha sa aking mata ng maalala ko na naman siya..

'I'm always like this everytime i remember of her.'

I feel emotional.

Napailing ako ng biglang umihip ang malakas na hangin at tumatama ito sa mukha ko. Napakasarap sa pakiramdam, para nitong inaalis ang mga lungkot na nararamdaman ko ngayon.

Bahagya akong napatawa ng may isang paru-paru na siyang dumapo sa hita ko, na para bang hindi ito natatakot sakin.

"Hmm.. are you not scared of me huh, little butterfly?" saad ko dito
"I might catch you." pananakot ko pa, pero hindi pa din ito umaalis.

Napabuntong hininga na lang ako ng marealize kong para na akong baliw dito kakausap sa paru-paru na 'to.

'pero wala naman sigurong masama kapag kakausapin ko 'tong paru-paru  no? wala namang nakakakita at nakakarinig sakin eh.'

Itinapat ko ang isang daliri ko sa harap niya para sana matakot sakin at umalis na, subalit lumipat lamang ito sa daliri ko at doon na ito dumapo.

Napatawa na lang ako sa kaamohan nito.

"Alam mo, wag ka masyadong maging mabait o kaya magtiwala sa hindi mo kakilala, kasi maaaring pagsamantalahan lang nila ang kabaitan mo." saad ko dito, pagak akong napatawa sa mga sinasabi ko dito.

"ang galing no?"

"ikaw...napapayuhan kita ng ng dapat mong gawin pero sarili ko mismo di ko mapayuhan..."

"you know what? naiinggit ako sayo.."

"alam mo kung bakit?... k-kasi ikaw malaya ka, nagagawa mo lahat ng gusto mo, nakakarating ka kung saan mo gusto... kasi walang pumipigil sayo... p-pero a-ako?..."
napatigil ako sa pagsasalita at napakagat sa pang ibabang labi nang mag-crack ang boses ko at parang naiiyak.

Huminga muna ako ng malalim upang ipagpatuloy ang sinasabi ko.

"p-pero ako? eto, para akong isang ibon na siyang dapat na malayang namumuhay at malayang lumilipad... p-pero, ipinagkait at kinuha iyon ng kung sino at i-ikinulong sa isang napakagandang hawla na kung saan, n-nagdurusa, nasasaktan at nangungulila sa kalayaang kinuha mula sa kanya." naiiyak na paghahalintulad ko sa aking sarili sa isang ibon. Pinipigilan ko ang mapahikbi at mapahagulgol, subalit hindi ko parin ito mapigilan kaya naman hinayaan ko na lang ang sarili ko sa pag-iyak at ipinagpatuloy ang pagkausap sa paru-parong tila nakikinig sa akin.

I Am Secretly Married To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon