Park Jimin's POV
Nagising ako nang maaga dahil tumawag sa akin si Hobi-hyung kanina. Well, yung tawag niya ang nagpagising sa akin. Tss.
Nagyayaya siya ng 3 days outing sa Jeju kasama ang buong Bangtan. Sagot niya raw lahat pati airfare. Ganun kayaman si hyung! Haha!
Sa Big Shot ako ngayon dahil bumalik na daw sila Hobi-hyung from concert. Isa pa, ako ang binilinan niya na magbalita kila RM-hyung personally.
Teka, ite-text ko nga muna ang girlfriend ko. I mean, fake girlfriend. Kailangan maging mabuti akong boyfriend sa kanya kahit fake lang. Baka kasi takasan ako nang wala pang 5 months.
Para sa akin, this would be fun. These last few months kasi, dumadalas na lapitan ako ng mga babae everytime na nagba-bar kami. Hindi ko naman matanggihan na i-entertain dahil.... sino ba naman ako para humindi? Saka, I'm Park Jimin. Paano ako makakatanggi?
Which is kailangan ko nang tigilan. Lalo na ngayon na may upcoming movie ako. Gaya ng alam niyong lahat kung nagbasa kayo ng I Found Her na FF ni RM-hyung, aware kayo na ang maknaes, nasa showbusiness pa rin kahit disband na ng BTS.
(A/N: Tamang plug lang! Baka nauna kayong mapadpad dito sa Dream Dance! Una ko po talagang naisulat ang I FOUND HER / RM'S FF STORY! You can check on my profile ^_^)
At ako, kakapirma ko lang ng kontrata para sa movie na yun. Naging interesado ako sa movie dahil yung gaganapan ko, dancer rin. So, that role really fits me.
Kaya nga, kailangan kong alagaan ang image ko. That's why Chee is there for me. Sa tingin ko talaga, siya ang pwede kong gawing fake girlfriend eh. Kasi ayoko rin naman syempre na mag-end up na maiinlove sa akin ang magiging fake gf ko. Sa tantiya ko naman kay Chee, mukhang hindi siya maiinlove sa akin kahit pa ilang beses na niyang sinabi na gusto niya ako.
Hindi ko talaga alam kung saan niya napulot na gusto niya ako e. Kasi tuwing kasama ko siya, parang wala naman akong epekto sa kanya. Hahaha! Pero ayos lang, advantage ko yun. Ayoko rin makasakit, eh.
To: Chichi
Good morning, baby girl! Sa Big Shot ako ngayon ha. I'll pick you up later. May pupuntahan tayo. Take care!
Sent!
Hindi naman ako masyadong sweet 'nun noh? Sakto lang.
Nandito na ako sa Big Shot at dideretso na ako sa office ni RM-hyung.
Sa hallway pa lang, nakita ko nang papasok na sila ni Joonri sa opisina niya kaya mabilis ko silang hinabol.
"Guuuuys!" napalingon sila sa akin pagsigaw ko. Haha! Napalakas yata ang boses ko.
"Nag-yayaya si Hobi-hyung mag-outing! For 3 days daw yun para sent-off na rin sa kanya kasi ikakasal na siya di'ba?" humihingal na paliwanag ko sa kanila.
"Libre niya?" tanong ni RM-hyung na parang akala mo, hindi siya CEO ng isang kumpanya.
Tinanguan ko siya. "Oo, hyung. Tapos, isang BTS member, isang companion."
YOU ARE READING
Dream Dance
Fanfiction"E, ano naman ngayon kung gusto kita? Gusto nga kita, manyak ka naman! Huwag na lang!" -- Yeon Chung-hee