Yeon Chung-hee's POV
2 days na rin kaming nagpa-practice ni Jimin together para sa guesting niya this weekend. Contemporary dance na lang ang na-push through na sasayawin dahil special request ng American TV show na nag-invite sa kanya. So pre-taped ang gagawin sa performance na ite-televise.
Sa isang maliit na studio lang kami nagpa-pratice dito lang rin sa Big Hit building at si Min-young-ssi ang nagcho-choreo sa amin. Exempted na rin ako sa practice sa Enhypen. Tutal, tapos na rin naman ang shoot ng MV at dance practice nila. Practice for award shows na lang naman ang ginagawa ng Enhypen Team.
Nakakatuwa lang. Dahil sa pagsasayaw, parang mas lalo kaming nagkaroon ni Jimin ng koneksyon sa isa't isa. At mas nagkakasama kami sa trabaho ng walang kume-kwestiyon sa amin.
"I am so glad na ikaw ang partner ko." sabi ni Jimin out of the blue. Kumakain kami ng merienda dito sa loob ng studio. "Mas komportable ako kung ikaw ang ka-sayaw ko."
Ngumiti ako sa kanya. "Ako rin. Dahil baka buong buhay kong pagsisihan kung hindi ko ginawa ang best ko." I brushed his hair using my fingers. "I really dreamt of dancing with you. Finally, matutupad rin."
Hinuli niya ang kamay ko at hinawakan yun. "Sana mas marami pang shows na makasayaw kita." kinabig niya ako at hinalikan sa noo.
"The sweetest couple in Big Hit! Ehem!" napalayo kami nang bahagya nang pumasok si Min-young-ssi sa studio. Tumawa lang kami parehas ni Jimin sa kanya. Bukod sa Bangtan, siya pa lang rin kasi ang nakakaalam na mag-ON na kami ni Jimin. He's keeping it confidential naman dahil close friend rin niya ang Bangtan.
"Anyways, after niyan balik practice na tayo ha? Then, last practice tomorrow sa venue tapos mag-shoot na tayo afterwards for pre-taped. Okay?" dugtong ni Sir Min-young.
Nag-thumbs up kami ni Jimin at ngumiti naman si Sir Min-young saka lumabas ulit ng studio.
"Kinakabahan ako." sabi ko kay Jimin.
Hinawakan naman niya ang kamay ko at pinisil yun. "You're doing great and I trust you." sabi niya saka ako nginitian.
"What if I messed up the choreography?"
"It's pre-taped though. No need to worry about it. Okay, baby ko?"
Tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya.
I will freakin' do my best para hindi mapahiya si Jimin. Fighting!
--
It's my OFF at ngayon rin ang araw ng guesting ni Jimin. Bale ang set-up kasi, magiging live ang zoom interview pero yung performance na ipapalabas, pre-taped which is yun ang shinoot namin kahapon. Everything went well naman according to the choreo and director, but I haven't watched the final video yet dahil in-edit pa raw the whole night since today nga gagamitin.
Umamin naman sa akin na pressured si Jimin at buong team dahil sa biglaan nga ang invitation but in the end, they grabbed this opportunity to sell-out Jimin again since first American show niya ito since lumabas siya from military and this guesting will help him gain his popularity again.
YOU ARE READING
Dream Dance
Fanfiction"E, ano naman ngayon kung gusto kita? Gusto nga kita, manyak ka naman! Huwag na lang!" -- Yeon Chung-hee