Chapter 21

27 1 0
                                    

Yeon Chung-hee's POV

"..... and what if I do?"



Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jimin.


Magsasalita na sana ako para tumanggi pero naabutan kami ng isang babaeng producer na magsi-CR dapat.



Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming tatlo saka siya nag-cross arms.



"Anong ginagawa niyo ditong tatlo? Nagtatalo ba kayo?"



Kumamot si Jimin at hindi naman ako sumagot. Si Sahyun ang biglang ngumiti at ikinawit pa ang braso nito sa braso ng producer.



"PDnim naman, bakit kami mag-aaway?" maarte siyang tumawa. "Jimin and I just gave Chung-hee a WARM welcome." saka ito tumingin sa akin at nilakihan ako ng mata.



Tumingin rin sa akin si PDnim kaya bigla akong napangiti at tumango-tango. "That's true. I believe, mag-eenjoy ako sa work kasama kayong lahat." pilit akong ngumiti. "Uhm, mauuna na akong bumalik sa loob ha? See you around." paalam ko saka ako umalis sa harap nila.



Napabuntong-hininga ako pagkaalis ko sa harap nila.



Grabe. Napaka-plastik ng Sahyun na yun! Paano ba nagkagusto si Jimin doon dati?! Pinapasakit niya lalo ang ulo ko. Alam kong nag-uumpisa pa lang si Sahyun. At anuman ang mga balak niyang gawin sa akin, kailangan ko yun paghandaan.



Hinding-hindi ko siya aatrasan.



--

Same day, pinapirma ako ng contract for Dream Dance as a second female lead. Ang role ko, ex-girlfriend ni Jimin na maghahabol sa kanya at magiging hadlang sa love story nila ni Sahyun.




Ang weird di'ba? Parang sa totoong buhay naman, si Sahyun ang  ex-gf na naghahabol at hindi ako.












Nag-meeting na rin kami ni Bang PD with Manager Park regarding sa schedules and agreements. Medyo marami kaming napag-usapan pero overall, okay naman lahat sa akin.












Thinking about it, I never imagined myself being an artist. Hindi ko naman talaga 'to gusto. Pero siguro, mas naging eager lang ako dahil Jimin is involved.












Oo na. Lahat na, tungkol kay Jimin. Hayy.












"Chee?" napalingon ako sa tumawag sa akin sa likuran. Naglalakad na kasi ako dito sa parking lot at magkikita kami ni Jimin sa condo niya. "Are you going home now?" si Producer Shin nakangiting papalapit sa akin.














Ang gwapo niya ngumiti!















Kaso hindi ko siya type. Jimin pa rin sa susunod na eleksyon!














Okay, corny.















Nginitian ko rin siya. "Yeah, PDnim. Ikaw?"















"Me too. If you want, I can drop you home?"















O_O















"A-Ah.. Eh..." hindi ko alam kung paano ko siya hihindian sa polite na paraan.















Dream DanceWhere stories live. Discover now