Chapter 7

23 0 0
                                    

Park Jimin's POV

The next day..

"Bro, bakit kanina ka pa tingin nang tingin sa phone mo?" siniko ako ni V.





Nandito kami ngayon sa Big Shot dahil may meeting ang stockholders dito. Annual board meeting daw.







Si Hobi-hyung at Jin-hyung lang ang wala dito ngayon. Nasa Big Hit kasi si Hobi-hyung at nasa kumpanya ng Daddy niya si Jin-hyung. Sila lang ang pinayagan na hindi um-attend dito dahil sila lang ang may valid reason.





Umiling ako. "Wag mo na akong pansinin. Makinig ka kay RM-hyung."













Hindi mawala sa isip ko si Chee.






Alas dos na kasi ng hapon at wala pa rin akong natatanggap na update galing sa kanya.






Hindi niya ako nire-replyan at hindi niya rin sinasagot ang tawag ko.





Okay naman kami kagabi e. Hinatid ko pa nga siya sa kanila. Hindi na nga lang ako bumaba para ihatid siya hanggang pintuan.





O baka ako lang nag-iisip na ayos kami?






"Jimin-ssi."






Baka akala ko lang ayos kami pero ang totoo, para sa kanya hindi totoo ang sinasabi ko?





"Jimin-ssi."






Baka yung higpit ng yakap niya sa akin kagabi, yun na yung huling yakap niya sakin?





"JIMIN-SSI, ARE YOU LISTENING?!"






Nagulat ako nang pabagsak na pinatong ni RM-hyung ang hawak niyang folder sa mesa.







"Jeosonghabnida, Daepyonim.(I'm sorry, chief.)" sabi ko. "Ano nga ulit yun?"






"Are you with us?" tanong ni hyung sa akin.





Bahagya akong tumango. "Ne (yes) , nakikinig ako."





"What are we talking about?"






"About the stocks. You're asking if we are planning to increase ours or we'll remain the same." mabilis kong sagot.





Pre-occupied nga siguro ako. Pero multi-tasking ako. Tss.






Tumango si hyung sa akin. "So, what's your plan? They all agreed to increase theirs to increase profit as well. How about you?"






Tumango ako. "If increasing the stocks means increasing the profit, why not?" sagot ko saka ako nagpaalam para lumabas saglit at pumayag naman si hyung.






I dialled Chee's number.






Hindi ko siya matiis. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko siya nakakausap.






Palakad-lakad ako sa hallway habang nagri-ring ang phone niya.






"Chingu (friend)?" napalingon ako sa nagsalita.





Si Joonri pala. Pinsan ni Chung-hee at girlfriend ni RM-hyung.






Sakto! "Chingu! Napaka-timing mo talaga!" I exclaimed. Nagtataka naman ang mukha niya. "E-Eh, itatanong ko lang sana kung may balita ka kay Chee?" napakamot ako.





Dream DanceWhere stories live. Discover now