Chapter 16

17 1 0
                                    

Yeon Chung-hee's POV

"Hindi kita matiis, e. Hindi ko matiis na matatapos ang araw nang hindi mo ako kinakausap."








Napatingin ako sa oras, it's almost 4:00PM.








"Chung-hee, ano pa bang ginagawa mo diyan? Bumangon ka na nga!" napatingin ako sa pumasok sa kwarto ko. Sino pa ba? Edi Mommy ko. "Pinaghihintay mo yang bisita mo. Bumangon ka na, hindi ka pa nagla-lunch."








Hindi ako sumagot at ibinalik ang tingin kay Jimin. "Talagang pinapasok ka ni Eomma sa kwarto ko huh?"








Tumawa siya. "Mukhang nagulat si Auntie pero mabilis rin niya akong pinapasok. Baka daw may makakita sa akin sa labas e."








Inismiran ko lang siya at bumangon na sa kama.








Nasa living room kami at naghanda si Eomma ng merienda. Psh. Parang handang-handa si Eomma ha? Naka-make up pa!








Nilapag ni Mommy ang cookies at juice sa center table. "Chee, hindi mo naman sinabi sa akin na boyfriend mo si Jimin-ssi?"








"Ma, sinabi ko sa'yo. Hindi ka naniwala, remember?"








"Paano naman kasi ako maniniwala? Isang dekada mo na yatang sinasabi na boyfriend mo yan!"








-_-










"Psh."







"Aigoo, Jimin-ssi!" tumabi si Eomma kay Jimin. "Fan na fan mo ako! Pwede bang pa-autograph mamaya??"








-_-










"Ma, huwag ka ngang magpanggap diyan. Nilalait mo nga dati si Jimin, eh!"








Sinamaan ako ng tingin ni Mommy at hinampas ako sa binti. "Tumahimik ka nga diyan! Fan ako ni Jimin noh?"








Tumatawa lang si Jimin at tumango-tango. "Sige, Auntie. No problem."








"Ano ka ba naman, Jimin-ssi. Huwag mo na ako tawaging Auntie. Eomma na lang--"










"Eomma!!"








Sinamaan lang ako ng tingin ni Mommy habang tumatawa naman si Jimin.








"Hay, maiwan ko na nga kayong dalawa diyan. Huwag ka munang umuwi, Jimin-ssi ah? Hintayin mo ang Daddy ni Chee."








Ngumiti lang si Jimin at tumango. Sinundan namin si Mommy ng tingin na papasok ng kwarto nila Daddy.








Nang masiguro ni Jimin na nakapasok na ng kwarto si Mommy, dumikit siya sa akin dito sa couch. Nasa magkabilang dulo kasi kami ng couch.








Pinisil niya ang ilong ko. "Gustong-gusto ako ng Mommy mo noh?"








Inismiran ko lang siya. "Anong naisipan mo at napasugod ka yata dito?"








Inabot niya sa akin ang isang paperbag. "For you."








Tinanggap ko ang paperbag. "Ano 'to?"








Dream DanceWhere stories live. Discover now