Yeon Chung-hee's POV
Jimin dragged me to the hospital's parking lot. Wala na akong lakas para pumalag pa. Isa pa, gusto ko rin marinig ang explanation niya. Sobrang sikip ng dibdib ko kakaiyak.
Nandito kami sa loob ng kotse niya at pahid ako nang pahid ng luha ko dahil kusa rin itong tumutulo. Nakakainis! Wala na rin akong lakas para pagsalitaan pa siya ng kung anu-ano.
Naglihim siya. Period.
T_T
"Chee, please.."
"S-Sa'yo ko gustong manggaling ang totoo, Jimin." nakayuko kong sabi habang pinapahid ang luha ko.
I heard him heaved a deep sigh. "I-I'm sorry.."
T_T
Ang sakit. Kasi yung sorry niya, ibig sabihin inaamin niya na mali siya.
I looked away while wiping my tears away.
"Kailan mo balak sabihin sa akin? Kapag premier night na?" I faced him.
Napayuko siya saglit saka tumingin sa akin ulit. "S-Sasabihin ko naman talaga e. Hindi ko lang alam kung paano...."
Kumunot ang noo ko. "Huh? Hindi mo alam kung paano? Pero alam mo kung paano maglihim?"
"Chee.." he tried pulling me closer but I keep on pushing him.
"Ang unfair mo, Jimin. You should have told me the moment you have known about it."
"Natakot akong baka magalit ka.."
"Natakot ka? Jimin, ganoon na ba ako kababaw para magalit dahil ka-trabaho mo ang ex-girlfriend mo?" I looked away and wiped my tears away. I looked at him again. "Kasi ngayon, hindi ako galit na magkatrabaho kayo. Naiinis ako dahil naglihim ka."
"Ayokong magselos ka.."
"Oo, magseselos ako! Pero maiintindihan ko dahil mahal kita!" I bursted out crying. "Sana lahat ng kailangan kong malaman, sabihin mo sa akin. Sana lagi mong sabihin sa akin ang totoo kahit na alam mong magagalit ako, magseselos o masasaktan. Kasi mas gusto ko lahat yun maramdaman nang sa'yo nanggaling. Kaysa ako pa ang kusang makakaalam.... mas masakit."
He is pulling me closer pero inaagaw ko ang braso ko.
"Chee, please.. I know, I was wrong. Tatandaan ko ang lahat ng sinabi mo. Just please, don't get mad at me." mahinahong sabi ni Jimin habang pinipilit pa rin akong kabigin para yakapin.
Hinawi ko ang kamay niya. "Hindi ako galit sa'yo, galit ako sa ginawa mo." madiin na sabi ko saka ako bumaba ng sasakyan.
Mabilis na bumaba rin si Jimin ng kotse at hinabol ako. He immediately pulled me back and hugged me from my back.
T_T
"Sorry na.. Hindi na mauulit, I promise."
Pinahid ko ang mga luha ko saka ko tinanggal ang lagkakayakap niya at humarap sa kanya.
"Sorry Jimin, pero gusto ko munang mag-isip. Hayaan mo muna akong mag-isa."
Yumuko siya sandali saka tumingin ulit sa akin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Mahal kita, Chee. Hahayaan kitang mag-isip. Pero wag na wag mong iisipin na hiwalayan ako. At wag na wag mong isipin na siya pa rin ang mahal ko. Dahil kahit ilang beses pa akong ipanganak dito sa mundo, ikaw pa rin ang pipiliin ko." sinserong sabi ni Jimin saka ako hinalikan sandali sa labi.
YOU ARE READING
Dream Dance
Fanfiction"E, ano naman ngayon kung gusto kita? Gusto nga kita, manyak ka naman! Huwag na lang!" -- Yeon Chung-hee