Author's Note: Some part of these outing scenes were already published on I FOUND HER Chapter 30 to 34. If you're curious about its some scenes and for those who haven't read RM's FF, you may check it out. In addition, I also forgot to mention some important details in the beginning of DD that this story is intended for year 2025, after the DISBANDMENT of BTS. I know that as of the moment they do have an existing contract until 2027 but for you to further understand the whole plot, you may read IFH. Here's the link: https://my.w.tt/lXTDSpCt5ab
Other than that, IFH story plot won't affect Dream Dance's important scenes.
Please don't be confused. THIS IS A FAN FICTIONAL STORY ONLY. Their real existing contract which is for 7 years is still on full force and in effect. Thank you!
--
Yeon Chung-hee's POV
Nakakapikon talaga. Una, nagsinungaling sa akin si Jimin na Team outing itong pupuntahan. Pangalawa, naiwanan niya ang isa pang bag na dala namin. At pangatlo, magkasama kami sa kwarto!
Nakatitig lang ako sa kama pagkapasok ko dito sa kwarto namin. King sized bed naman pero seryoso bang magkatabi kaming matutulog dito??
Narinig ko na lang na pumasok na si Jimin dito sa kwarto na hila-hila ang maleta niya at itinabi yun sa gilid ng kama. Hinila niya rin ang sa akin at pinagtabi ang maleta namin saka siya umupo sa kama sa tapat ko.
"Chee, okay ka lang? Namomroblema ka ba sa higaan?"
Huminga ako ng malalim. "Bukod doon, madami ka nang kasalanang nakalista sa akin. Sa tingin mo ba, magiging okay ako?"
Bahagya siyang tumango. "I understand. If you want, sa lapag na lang ako matutulog o kaya doon sa couch." turo niya sa couch na nasa tabi ng bintana.
Mukha na naman siyang kawawa. Yung mata niya mukhang kawawa na akala mo naman talaga, pinabayaan. Kainis!
Hindi ako sumagot. Humiga na lang ako sa kabilang side ng kama at nagtalukbong ng kumot.
Naiinis ako na hindi ko maintindihan!
"Chee, sorry na. Tumawag na ako doon sa airline. In 2 hours daw, dadating na yung gamit dito." narinig kong sabi niya.
Hindi pa rin ako umiimik.
Naramdaman ko na lang na humiga rin si Jimin sa kama at niyakap ako habang nakatalukbong ako ng kumot.
"I'm sorry if I cause you too much trouble. I know how messed up I am but please, let me make it up to you." humigpit ang yakap niya sa akin samantalang para na akong cocoon dito sa loob ng kumot.
Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama."Jimin, sinabi ko na sa'yo di'ba. Itigil na natin itong pagpapanggap? Bakit ganito ka pa rin? Bakit ganito ka pa rin sa akin?"
For real, I am really confused right now. Sa dami ng nagawa ni Jimin sa akin ngayong araw na'to parang hindi na kakayanin ng puso ko na makasama pa siya nang ganito. Nang ganito kalapit..
Bumangon rin siya at hinarap ako."Hindi na ako nagpapanggap. Gusto kita, Chee. Hindi mo ba naiintindihan yun?"
"Kung gusto mo ako, sana hindi mo hinalikan ang ex mo!" ang sakit na ng lalamunan ko dahil pinipigilan kong umiyak. "Sana umiwas ka na lang sa kanya, sana hindi mo na lang siya pinansin, sana.. s-sana..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil yung kanina ko pa pinipigilan na luha, pumatak na.
YOU ARE READING
Dream Dance
Fanfiction"E, ano naman ngayon kung gusto kita? Gusto nga kita, manyak ka naman! Huwag na lang!" -- Yeon Chung-hee