Yeon Chung-hee's POV
Kahapon, ilang oras lang kami doon sa Love Land at nagpasya na rin kaming bumalik sa resort. Around 5PM na rin nang makabalik kami doon.
Then dinner time, nagpasya si Sir Jin at Suga na mag-ihaw ihaw. Sila mismo ang naghanda ng mga gamit at ng iluluto. Nanghiram lang sila ng gamit sa resort.
Gumawa ulit ang boys ng bonfire kagabi pero nagkanya-kanya na kami ng moment.
Medyo maaga akong bumangon ngayon kasi baka kailanganin nila Joonri ang tulong ko para doon nga sa surprise namin mamayang gabi kina Sir Hobi at Jang.
Napatingin ako sa katabi ko. He's sleeping safe and sound. I kissed him on his cheek. "Sleepwell, baby ko." bulong ko saka ako mabilis na naligo at nag-prepare na for breakfast.
Naabutan ko naman na kumakain na sila Joonri, RM, Cha, JK at V sa pantry. Mukhang tulog pa ang iba.
Kumuha ako ng light breakfast saka ako tumabi kay Cha.
"Si Jimin?"
"As usual, tulog pa." simpleng sagot ko saka ako nagsimulang kumain.
Nagtanguan lang sila at nabanggit na rin ni Joonri na samahan namin siya na bumili ng decorations na gagamitin mamayang gabi sa surprise. Hindi na daw siya kay RM magpapasama dahil may hang-over. Haha.
"Baby koooooooooooo!"
-_-
Napalingon kaming lahat sa sumigaw mula dun sa pinto ng pantry. Malamang, yung boyfriend ko.
Niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan sa pisngi. "Akala ko........."
Kumunot ang noo ko. "Ano na namang akala mo?"
"Hahahahaha! Akala niya iniwan mo na siya!" asar ni RM kay Jimin. Nag-pout naman si Jimin nang hindi pa rin ako binibitawan.
"Hindi kita iiwan. Sige na, kain na."
"Woooooh!"
"Nakakawalang gana kumain."
"Sana all hindi iiwan."Kanya-kanyang side comments ng mga kasama namin. Haha.
Tumawa lang ako saka kumalas ng yakap si Jimin at kumuha ng food niya.
Pagkatapos namin mag-breakfast, nagpunta na kami sa malapit na convenience store. Mabilis lang kaming nakabili ng materyales. Pagbalik na pagbalik namin sa resort, humahangos si Jimin at V nang salubungin kami.
"Si Jang, babalik na ng Seoul!"
O_O
"Ano? Bakit daw?!"
Napalingon kami sa ingay ng maleta na pinipilit ibaba sa may hagdan palabas ng resort. Si Jang ang may bitbit ng maleta at hinahabol naman siya ni Sir Hoseok habang umiiyak.
Anong nangyayari?
"Ayoko na, J-Hope! Bitawan mo ako!" sigaw ni Jang habang pinipilit na alisin ang pagkakahawak sa kanya ni Sir Hobi.
YOU ARE READING
Dream Dance
Fanfiction"E, ano naman ngayon kung gusto kita? Gusto nga kita, manyak ka naman! Huwag na lang!" -- Yeon Chung-hee