Chapter 6

34 1 2
                                    

Yeon Chung-hee's POV

"Sa susunod, sabihan mo ako agad kung saan tayo pupunta. Hindi yung basta-basta kang magyayaya. Tingnan mo nga ang itsura ko." As usual, nagsuot lang kasi ako ng loose shirt at leggings. Naka-rubber shoes pa ako at backpack kaya ganun na lang kung makalait sa akin yung lintang yun! Nakakagigil talaga.







VIP pala itong itaas na parte ng bar. Dalawang grupo ang pwede dito at walang nago-occupy sa kabilang couch. Bale, kaming dalawa lang ang nandito.







"Kahit ano namang suotin mo, maganda ka pa rin." simpleng sagot ni Jimin.







Mabuti na lang at nagbabago ang kulay ng mga ilaw sa paligid dahil for sure, pulang-pula na ako sa compliment niya. Kainis! Bakit ba ang vocal niya masyado??








Dumating na ang order namin. Isang bucket ng beer at tacos. May short orders rin na mga pang-pulutan, sizzlings mga ganun at side dishes na rin.







"Mabubusog ka na ba dito?" tanong ni Jimin sa akin.







Tumango lang ako. "I told you, hindi ako masyadong kumakain sa gabi."







Binuksan niya ang isang bote ng beer at inabot sa akin. "Malakas ka bang uminom?"






Tumawa ako. "Isama mo pa ang Daddy mo. Haha!"







Tumawa rin siya. "Wag kang masyadong magsaya. Apat na bote sa akin, dalawa lang sa'yo." sabi niya saka niya tinungga ang isang shot ng beer.







"Bakit ka ba laging nasa bar?"







Nilingon niya ako na parang nagtataka ang mga mata.










"Wae (why)?" tanong ko. Medyo naco-conscious kasi ako sa titig niya sa akin.









Saka lang siya kumurap at umiling-iling. "Wala lang. Ngayon ko lang na-realize na ngayon lang may nagtanong sa akin kung bakit ako laging nasa bar." he chuckled.








"Hindi ko ba yun dapat tinanong? Mianhae (sorry)."









Umiling siya ulit. "No, it's okay." huminga siya ng malalim. "Ngayon ko lang naramdaman na meron rin palang magkakaroon ng pakialam sa akin." tumawa ulit siya.









Hindi ako sumagot.









Seryoso ba siya? Sa dami ng mga nakakasama niyang babae, talaga bang lust lang ang meron sila para sa kanya?









Somehow, I felt sorry for him. Hindi mo nga naman pwede ma-judge ang tao.









Maya-maya, nagsimula na kaming kumain at uminom. Gaya nga ng sabi ni Jimin, yung dalawang bote ng beer lang ang sa akin. Nakipagtalo pa ako sa kanya pero pinitik lang niya ako sa noo. Mahina lang naman, pero atleast tumigil ako dahil doon. Haha!









Nakakatuwa lang. Napapakwento kasi siya ng childhood niya at highschool days nila ni V together. Mas lalo ko siyang nakikilala.









"Sure ka, ayaw mong bumaba?" tanong niya sa akin pagkainom niya ng beer.









Umiling ako. "Mas gusto kitang kausap."











Dream DanceWhere stories live. Discover now