CHAPTER 4

48 5 3
                                    

CHAPTER 4







“ANONG gagawin n’yo after this?” tanong ni Irish sa amin nang mapagtanto naming mag-a-alas kwatro na nang hapon.

“Syempre, uwian na. Mag-a-update pa ako mamayang gabi, e,” sagot ni Arian at naglinis na rin ng table niya. Halos lahat sila’y nag-aayos na ng mga gamit maliban sa akin na nakatutok pa rin sa PC.

Saglit natigil si Haide sa pag-aayos ng sarili at tinapunan ako ng tingin.

“Ikaw, Eury? Hindi ka ba sasabay sa amin?” tanong niya. Ngumiti ako nang tipid at umiling.

“Overthink na naman ‘yan, bhie?” nakangusong komento ni Irish being the most kengkay in the group.

“Bobo mo talaga, baka overtime!” pasaring ni Pranz kaya kinaltukan siya ng huli.

“Alam ko ‘yon, ungas! Eh syempre kaya mag-o-overtime si Eury kasi nga ayaw niya mag-overthink kapag walang ginagawa. That’s why she makes herself busy. Gets mo ba?!”

Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Partially true, maybe?

“So, hindi ka talaga sasabay sa amin? Magtext ka na lang kapag nakauwi ka na rin kasi malayo kaya ang Laguna,” tila may pag-aalala sa boses nila kaya hindi ko maiwasang ma-touch. Grabe, ang swerte ko naman sa mga kaibigan kong ito. They really are for real.

“Kung magbago ang isip mo, sa condo ka na lang dumiretso, ha?” pahabol naman ni Irish kaya tumango ako.

“Teka, Laguna rin si Jayzee ‘di ba? Baka magsabay na lang sila,” singit ni Arian.

“Oo nga pala. Speaking of Jayzee, nasaan na siya?” Pare-pareho kaming napatingin sa bakante niyang cubicle at nagkatinginan.

“Lumabas kami kanina para bumili ng kape. Heto na nga at naabutan kami ng mga babybra warriors na fans rin pala niya. Ayun, hindi kami tinigilan hangga’t hindi sila nakakapagpapicture sa idol nila,” sagot ni Pranz na iiling-iling at waring natatawa.

Wow. Famous naman pala.

“And then?”

“Pinauna na niya ako. Siya na raw bahala roon. Eh hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik. Hinala kong nagahasa na iyon ng mga chixx niya,” sagot pa nito dahilan para masamid ako. Nagtawanan sila dahil sa sinabi ni Pranz.

“Grabe naman, Pranz. Dapat dinamayan mo. Alam mo namang para kay Eury lang si Jayzee hindi ba?”

“Ay oo nga  pala! Pasensya na!”

“What the fudge, guys,” mura ko kaya mas lalo silang nagtawanan.

“O siya, tama na nga! Maaabutan na naman tayo ng rush hour nito,” ani Haide sabay sulyap sa wristwatch niya. Sabay-sabay silang tumayo at nagpaalam sa akin.

“Text ka kapag nakauwi ka na, Eury. Ingat!”

“Kayo rin,” paalam ko at pinagmasdan silang lumabas ng opisina.

Napabuntong-hininga ako at nagpangalumbaba. Iginala ko ang paningin sa loob ng tahimik na opisina saka napangiti nang tipid.

Sa wakas, katahimikan at peace of mind.

Ilang minuto lang akong nakapikit at nagninilay-nilay nang mapamulat ang aking mga mata. Nakarinig kasi ako ng mga yabag na nagmamadali. Napanganga ako nang pumasok sa opisina si Jayzee na gulong-gulo ang buhok at gusot na ang suot na polo shirt. Namumula rin ang pisngi nito at may bahid pa ng lipstick.

Gusto kong matawa nang magtama ang mga titig namin pero pinigilan ko ito. Nagsimula muli akong magtipa sa keyboard ko habang nakakagat-labi para pigilan ang tawa.

Napansin ko siyang dumako sa cubicle niya.

Pansin ko ang pagsulyap niya sa akin.

“Na-gang rape ka ba?”

Dahil sa naging tanong ko ay napatigil siya sa pag-aayos ng mesa. Alam ko namang ang hitsura niya ay kagagawan ng mga fans niya pero hindi ko maiwasang asarin siya sa paraang alam ko.

“Kidding,” sambit ko pa.

“You’re not funny,” sagot niya sa baritonong boses.

Kapwa kami abala sa kanya-kanyang ginagawa at halos hindi na magtinginan pero nag-uusap pa rin. Saglit na katahimikan ang namayani.

Nag-inat-inat siya at inayos ang sarili mula sa gusot na polo shirt, buhok, iritadong naglagay ng sanitizing gel sa kamay at nagpabango. Halos pagpagan na niya ang kanyang buong pagkatao.

Iba talaga kapag celebrity.

“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya sa akin sa kalmadong tinig. Kanina lamang ay parang pinagsakluban siya ng langit at lupa kung magsalita. Ngayon naman, hindi ko na mawari.

I looked at him blankly freezing my fingers on the keyboard.

“Mamaya pa. Over time,” tipid kong sagot dahilan para matawa siya habang nag-aayos ng gamit.

“Kaya walang jowa, e.” Dahil sa sinabi niya, sinamaan ko siya ng tingin. Ayoko na lang pahabain ‘to. He’s not worth the attention.

“Una na ako,” aniya matapos isukbit ang bagpack.

“Ingat,” sambit ko na lamang nang hindi siya tinitingnan.

“Ikaw rin. Baka ingatan kita.”

Halos manlaki ang mga mata ko sa narinig at napanganga. Hindi naman ako bingi. Magsasalita pa sana ako kaso nakalabas na siya nang tuluyan rito sa opisina. Naiwan na akong mag-isa.

Ipinilig ko ang ulo ko para pawiin ang pagkabigla na sinabayan pa ng antok. Tatapusin ko lang itong manuscript at uuwi na rin ako. Mahaba pa ang biyahe pero para sa akin ayos lang kung laging late na ako umuuwi.

Minsan kasi sa gabi, kaunti na lang ang mga pasahero kaya hindi ko na kailangan pang makipagsiksikan.

“Finally!” I exclaimed and stretched my arms up in the air. I turned off the PC and stood up to fix my things.

Uuwi na ako.

“Ma’am, late na naman kayong uuwi,” komento ni kuya Toper na siyang maintenance nitong buong building namin. Kilala na niya ako bilang ako naman lagi ang over-time rito sa opisina. Nginitian ko na lang siya.

“Oo nga po, e. Kuya, hindi ka na nasanay,” ganti ko. Narinig ko siyang tumawa habang nagma-mop ng sahig at pinupunasan ang ibang table.

Tutal ako naman lagi ang nahuhuling umalis rito sa opisina, tinulungan ko na rin siya sa pag-aayos ng mga upuan.

“Ma’am, kaya ko na ‘to. Umuwi ka na. Baka mainip iyong naghihintay sa ‘yo sa lobby,” wika niya kaya napakunot ang noo ko.

“Naghihintay? Sa akin?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Oo, Ma’am. Kanina pa ata iyon sulyap nang sulyap sa wristwatch niya. Puntahan mo na. Mukhang inip na inip na, e.”

“Sino raw?” tanong ko pa pero dahil may pagkabingi itong si kuya janitor, hindi na niya ako nasagot pa. Tumalikod na siya para linisan ang iba pang sulok nitong opisina.

Sa hindi malamang dahilan, nagmamadali akong nag-ayos ng sarili at lumabas ng opisina. Medyo mabilis rin ang tibok ng puso ko.

Pakiramdam ko may inaasahan akong tao na babalik o hahanapin ako kahit hindi ko  sigurado.

Napatigil ako sa paglakad nang matanaw kung sino ang naghihintay sa akin sa lobby. Napawi ang ngiti ko. Iyong expectation ko biglang nag-lay low. Hindi siya ang inaasahan kong makita, to be honest.

Nakita ko si Jayzee na de-kwatrong nakaupo sa sofa ng lobby at bagot nang nakatitig sa phone screen niya. Nang makita ako, tumayo na siya at nagsalita.

“Akala ko sa office ka na matutulog. Buti naisipan mong uuwi ka pa,” naiinip niyang bungad.

Bakit narito pa siya? Akala ko ba kanina pa siya nakauwi?








***

Magmahal Muli | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon