CHAPTER 24

28 1 0
                                    

CHAPTER 24



MABILIS akong gumayak at nagmamadaling bumaba ng apartment ko. Nagulat pa ako sa hindi inaasahang tao na nakaabang na sa gate kung saan ako daraan.

“Irish,” bungad ko. Kalmado lang siyang nakatingin sa akin.

“Hey,” tipid niyang bati.

“I’m sorry. I can’t go to work today. Alam kong ang layo ng biniyahe mo papunta rito pero buo na ang desisyon kong huwag muna ulit pumasok ngayon.”

“I know. I just came to give you this. Someone told me to give you this letter. Aalis na rin naman ako kasi tumakas lang ako kay boss ano ka ba,” aniya at inabot sa akin ang isang sobre.

“Kanino galing?” kunot-noo kong tanong pero nagkibit-balikat lamang siya.

“Ilang araw na rin siyang hindi pumapasok sa trabaho gaya mo. Our boss think there’s something wrong going on between you and Jayzee. But we said, tinatapos n’yo ang collaboration story n’yo. She felt delighted not knowing na nagdecide ka nang mag-quit,” paliwanag niya. Napaiwas ako ng tingin.

“Basahin mo raw mabuti ‘yan. I don’t know what’s going on between you and Jayzee. Pero, sige na. Bye na. Maiipit pa ako sa traffic,” sambit pa niya at naglakad na palayo. Kumaway pa ito bilang pagpapaalam. Napahigpit ang kapit ko sa sobre.

“And one more thing, Eurydice!” Napalingon ako nang tumaway siyang muli.

“I hope you do your wise decision today. Everything will get better if you decide well. Good luck!”

What the fuck? Is she my guardian angel? How did she know?

Nasa bus ako at malalim ang iniisip. Medyo malayo pa ang biyahe at nakakatagos puso ang mga tugtugin rito sa bus. Mga awitin ni Adele. Parang pinipiga na naman ang puso ko. Ang sakit sakit.

Napabuntong-hininga ako at binuksan ang sobreng naglalaman ng sulat. Parang pinunit ang puso ko pagkabasa pa lamang ng mga letra ng kanyang pangalan sa taas ng papel. Kusang naglandas ang mga luha ko. Bawat salita, ramdama kong mula sa puso niya. Nasasaktan ako. Sumabay pa sa awitin ni Adele. Sumabay sa mabagal na tibok ng puso ko. Pakiramdam ko halos lahat ng nasa paligid ko nakikiayon sa nararamdaman ng puso ko ngayon.

Nasasaktan.

Tumigil ang bus sa mismong destinasyon ko. Otomatiko kong pinahid ang luha sa aking pisngi kasabay ng pagtupi ng papel na basang-basa na rin ng luha. Dali-dali akong bumaba ng bus. Pinangtitinginan ng ibang pasahero dahil parang tangang umiiyak. Pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makita siya ngayon.

Nakita ko siya sa hindi kalayuan. Tulad ng dati, napakagwapo pa rin niya lalo na sa malapitan. Akalain mo ba namang sa simple niyang suot, hindi mo malalaman na engineer na pala ang nasa harapan mo. Napatda ako sa kinatatayuan nang sumilay sa labi niya ang malawak na ngiti. Masaya siyang makita ako dahil ibig sabihin noon, siya ang pinili ko.

“You came,”

Napatango ako at ngumiti. Pero hindi ko siya tinitigan sa mga mata. Instead, I took out the bracelet he gave to me last week and handed it back to him. I saw his shock expression. Ako na ang kusang naglagay sa palad niya nang hindi niya tanggapin. Ngumiti ako nang tipid at tinitigan na siya mata sa mata.

“I’m sorry.”

May luha sa mga mata niya. Ayoko nang makitang umiiyak siya pero wala akong magagawa. Tumingala siya bilang pagpigil rito. Narinig ko ang mahina niyang halakhak.

“I know this would happen.” Tumango siya at mahigpit na hinawakan ang ibinalik kong bracelet.

“I’m sorry,” naluluha kong sambit pero umiling lamang siya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

“Ako ang dapat mag-sorry dahil ginulo ko pa ang isip mo. Nagpumilit pa akong pumasok sa puso mo kahit alam kong alanganin na. May nakapasok na palang iba.”

Napahikbi ako.

“Vince, alam mong mahalaga ka sa ‘kin hanggang ngayon,” giit ko.

“Alam ko. Pero alam ko ring iba na ang mahal mo. Alam kong sa una pa lang, talo na ako. I’m glad that you already decided whom to choose now. I’ll go for your happiness too. Whatever your decision is.”

Mas napaiyak ako kaya binigyan niya ako ng panyo. Alinlangan ko itong tinanggap.

“Go, Eury. It’s not too late to make things right. Write your happiness. I will be happy for you.”

“How about you?”

“Masaya na akong makitang magiging masaya ka. Kahit hindi na sa akin, kahit sa iba.”

Napaatras ako at napahigpit ang kapit sa gusot nang papel na naglalaman ng sulat.

“Thank you.” I smiled and wiped my tears. Ang paunti-unting pag-atras ay napalitan ng pagtalikod at pagbilis ng hakbang. Napapikit ako at hinayaang maglandas ang luha.

“Go now. Alam kong hinihintay ka rin niya.”

Masakit na talikuran siya, oo. Pero alam kong tama ang desisyon kong makipagkita sa kanya para sabihin ang totoo. Mahal ko pa rin siya pero hindi na gaya ng dati. Sa mismong pagtalikod ko, wala na kong nararamdamang panghihinayang kundi isang kaba.

Pag-aalinlangan kung tama ba ang desisyon kong talikuran siya at hanapin ang taong mas nagpapagulo na ng damdamin ko ngayon. Ang manunulat na walang ibang ginawa kundi buuuin ang storyang tinamad na akong ipagpatuloy pa.

Busina ng sasakyan ang sumalubong sa akin pagdating sa terminal. Halos mapatid pa ako sa bilis ng paglalakad. Malayo na ako kay Vincent. At hindi na ako muling lilingon pa. Diretso lang ang lakad ko. Panay na ang pagvibrate ng cellphone ko sa bag pero hindi na ako nag-abala pang kunin ito. Ang tanging nasa isip ko lang ay bumiyahe pabalik upang puntahan siya.

Mabilis pa sa alas-kwatro akong sumampa sa papaalis nang bus pabalik ng Laguna. Standing ovation dahil punuan na. Wala na akong pakialam. Pinahid ko ang luha ko at hinigpitan ang hawak sa papel na naglalaman ng sulat.

Kailangan ko siyang makita kahit hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Ang tanging pag-aalinlangan ko lamang ay, may daratnan pa ba akong espasyo at pagkakataon oras na sabihin kong bumabalik ako sa kanya?

Tumugtog ang Malay Mo, Tayo ni TJ Monterde. Mas nabuhayan ako ng pag-asa kahit nasasaktan ako. Bumabalik ang isip ko sa ano nang gagawin ni Vince ngayong naging ganito ang desisyon ko?

Ano nang mangyayari? Pvtangina, nasasaktan ako.




***

Magmahal Muli | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon