CHAPTER 7

34 3 0
                                    

CHAPTER 7





“I. Won’t. Write. A. Romance. Genre. That’s period,” I emphasize as my eyebrows furrowed.

“Ano? Patayan na lang, ganoon? Paano ka makakapag-explore niyan?” kontra niya.

Para kaming mga aso’t pusa rito ni Jayzee sa lobby habang pinagtatalunan ang isang bagay na pwede namang pag-usapan nang maayos. Eh sa nakakairita ang tukmol na ito, e!

“Kung hindi lang pala tayo magkakasundo, e ‘di sana hindi na lang natin pwinersa ang sarili natin na pirmahan ang kontrata hindi ba?” sarkastiko kong sambit.

“Sino namang nagsabi na napilitan ako? Baka ikaw lang. Pumirma ako kasi willing ako. Ikaw ba? Pumirma ka lang ata kasi ayaw mong masabihan na mataas ang pride mo.”

“At kasalanan ko pa ngayon? Sana humanap ka na lang ng makakasundo mo sa genre na gusto mo.”

“Ako ba ang namili? Kung may choice lang siguro ako, hindi ikaw ang pinili ko.”

Dahil sa sinabi niya ay natameme ako. Napaiwas ako ng tingin.

Masakit pa rin palang masabihan ng hindi ikaw ang pinili kahit matagal ko nang narinig iyon sa iba. Napansin ata niya ang pananahimik ko kaya nag-iba rin ang timpla niya. Tiningnan niya ako na parang nagsisisi.

“Ganito na lang, kailangan natin magbrainstorm kapag malamig na ang lahat. Palamig ka muna,” pagsuko niya at napabuntong-hininga.

“Oh, may LQ na bang nagaganap rito?” bungad sa amin ni Irish na kalalabas lamang ng opisina. Kasama niya sina Arian, Rhem at Haide na pare-pareho ring nakangising-aso. Mas na-badtrip ako.

Lagi na lang kaming tampulan ng asaran rito. Hindi na lang ako nagsalita pa.

“Good luck sa upcoming collaboration n’yo, guys! Nakaka-excite naman pala. Siguradong trending kayo niyan sa wattpad!” tila naeexcite na bulalas ni Haide at nakipag-apir kay Irish.

“Salamat.” Si Jayzee ang sumagot. Pasimple akong napairap.

Kung gusto niyang maging trending, sana hindi na lang niya ako dinamay. Nananahimik ako, e. Kaya ko naman gawing trending ang sarili ko sa paraang marerecognize talaga ako ng mga mambabasa ko. Hindi iyong ganito.

“Nagugutom na ako. Mamaya na kayo makipagdaldalan,” reklamo ni Arian na himas na ang kanyang tiyan.

“Kain na muna us? Kayo bang dalawa, sasabay ba kayo sa amin? O may sarili kayong date?” Tinaasan ko ng kilay si Irish kaya nagpeace-sign siya.

“Sasama ako,” ani Jayzee at tumayo na. Nanatili akong walang-kibo habang pinagmamasdan ang blangkong MS word ng laptop ko.

“Ikaw ba, Eury?” tanong sa akin ni Rhem.

“Busog pa ako. Enjoy,” tipid kong sagot.

Naramdaman ko ang mga yabag nila papalayo kasama ang asungot sa buhay ko kaya nakahinga ako nang maluwag. Napapikit ako at paulit-ulit napabuga ng hangin.

Naha-highblood talaga ako kapag kasama ang lalaking iyon. Feeling ko pa-famous lang siya sa mga ginagawa niya sa buhay. Nakakairita!

Since stable naman ang internet connection rito sa lobby na nakakonekta sa loob ng opisina, nagbukas ako ng wattpad para tingnan ang notifications ko.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa mga nababasa kong magagandang feedbacks mula sa mga nagbabasa. Nasa ganoong sitwasyon ako nang may mag-abot sa akin ng isang paper  bag. Mula pa ito sa Mcdo.

Naningkit ang mga mata ko at iniangat ang paningin. There I saw his cold eyes staring blankly at me.

“Walang meaning ‘yan. Please lang huwag kang assuming,” aniya at inilapag na lamang ang paper bag na may mcdo meal sa ibabaw ng table. Umupo na siya sa tapat ko habang sumisipsip sa binili naman niyang McFloat.

Napangiwi ako.

“Sino namang may sabi na bibigyan ko ng meaning ‘yan? Your efforts are not even counted in my dictionary,” I sarcastically answered.

“Kumain ka na lang. Masyado kang highblood. Nagme-menopause ka na ba?”

“What?” I glared at him.

“Nothing.”

“Anyway, thanks.” Makapal na ang mukha kung matatawag pero binuksan ko na ang paperbag para kumain dahil paborito ko naman talaga ang Mcdo meal. Kahit pa ata mula ito sa mortal kong kaaway, tatanggapin at kakainin ko ito.

“You’re a Mcdo lover, huh.”

Napatingin ako sa kanya kahit abala sa pagkain.

“Halata naman. Don’t state the obvious,” prangka kong giit.

“So, who made you love Mcdo that much?” nakangisi niyang tanong. Halos magsalubong ang kilay ko sa tanong niya.

“Ano bang sinasabi mo? Dami mong arte sa buhay,” angal ko at nagpatuloy sa pagkain. Halos sabawan ko na ng  gravy itong chicken fillet.

“I saw it in your wallet. An old photo of you and a guy.”

Nanlaki ang mga mata ko at halos mabilaukan dahil sa aking mga naririnig.

“What?” I almost choked.

“Or he just made you even bitter?” He grinned from ear to ear.

“But somehow, if he made you bitter like that, why would you still keep an old memory in your wallet. Are you still hoping?”

Nanginginig na ang mga kamay ko dahil sa mga sinasabi niya. Parang hinahalukay ang puso ko. Ano bang nalalaman niya? Pinakialaman talaga niya ang buong laman ng wallet ko kung ganoon.

“Bakit mo sinasabi iyan lahat sa akin?” walang tingin-tingin kong tanong. Narinig ko ang mahina niyang tawa.

“That’s because I want you to burst out. Ilabas mo ‘yan, Eury. Alam kong ang bigat ng tinatago mo. Hindi ako expert pero ramdam kita,” seryoso ang boses na  sagot niya. Nanghihina ang mga tuhod ko at napaiwas ng tingin.

“You know nothing.” Parang may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko na malunok ang kinakain ko kaya napainom na lamang ako ng tubig.

“In order for you to write a good shot, you must let out your emotions. Paano mo naitatago ‘yan all these years at nakakasulat ng magagandang kwento?” sambit pa niya.

Gusto ko nang maiyak. Wala pang nag-confront sa akin nang ganito sa buong buhay ko. Nanatili akong walang imik.

Nang ma-compose ko ang sarili ko, tinitigan ko siya sa mga mata para sabihing matatag ako.

“Because some stories aren’t worth to tell to the public. I chose to keep it private. Now, would you please stop invading someone else's privacy? You’re getting too much. Know your limitation,” I refuted and stood up. Sinara ko na rin ang laptop ko nang maramdaman kong paparating na ang mga katrabaho namin.

“Pwede naman siguro tayong mag-brainstorm sa ibang araw kapag hindi oras ng trabaho. By the way, thanks for the lunch.”

Naglakad na ako palayo habang dinaramdam ang bilis ng tibok ng puso. Parang gusto ko nang sumabog.





***

Magmahal Muli | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon