CHAPTER 21

23 2 0
                                    

CHAPTER 21




“GOOD NIGHT,  Eury.”

Ipinarada niya ang kotse sa tapat mismo ng tinutuluyan kong apartment. Napaiwas ako ng tingin at agad inalis ang seatbelt. Siya pa sana ang mag-aalis ng seatbelt ko pero inunahan ko na ang balak niyang gawin.

“Thanks,” tipid kong sagot.

“Wait,” pigil niya at hinawakan ang braso ko bago pa ako makababa. Nilingon ko siya.

“W-Will I see you again?” nahihiya niyang tanong. Napangiti lamang ako.

“Let’s see.” Pero hindi na ako umaasa. Nagkataon lang ata talagang magkita kami ngayong araw para ma-settle ang dapat i-settle. Ayusin ang pagkakalabuan dati para matahimik na kami pareho sa sari-sarili naming buhay.

Akma na akong bababa nang magsalita muli siya.

“I’m sorry.” Malungkot ang tinig niya.

“You don’t have to. Nakailang sorry ka na kanina pa,” sagot ko kaya natawa siya.

“Pasensya na,” aniya pa kaya pareho na kaming natawa. Vincent will always be the Vincent I knew.

“Good bye, Vince.” Bumaba na ako at sinarado na ang pintuan ng kotse. Agad kong kinuha ang susi sa bag ko para buksan ang nakasaradong gate nang mapatda ako sa aking kinatatayuan. Nakita ko si Jayzee sa hindi kalayuan. Panay ang sulyap sa kanyang wristwatch habang bitbit ang laptop niya. Napanganga na lamang ako at halos masapo ang noo. Nalimutan kong mag-oovernight nga pala kami ngayon para tapusin na ang collaboration story namin. Pakshet. Natigil rin siya nang makita ako. Sumilay ang isang malapad na ngiti sa labi niya kaya halos kumabog naman ang puso ko sa hindi malamang dahilan.

“Eury, wait!” Ngunit napawi ang ngiti naming dalawa nang tawagin ako ni Vince mula sa likuran. Bumaba pala ito ng sasakyan at sinundan ako.

Halos hindi na talaga ako makagalaw rito sa pwesto ko lalo na nang mapawi ang ngiti ni Jayzee. Napalunok-laway ako. Hindi ko namalayang nakalapit na sa akin si Vince at may inabot ito.

“Nalimutan mo,” sambit niya at inabot sa akin ang librong binili ko kanina sa NBS. Aligaga akong nagpasalamat.

“Welcome,” sagot nito at napasulyap kay Jayzee na nakatitig lamang sa amin. Nagkatinginan sila. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa ngayong gabi.

Naramdaman kong umatras na si Vince at maglalakad na pabalik ng kotse niya. Ngunit bago iyon, ginulo pa niya ang buhok ko na nakasanayan niyang gawin noong ayos kami.

Halos manikip ang dibdib ko dahil sa tagpong iyon kaya hindi muna ako gumalaw sa kinatatayuan. Hinatid ko pa ng tingin ang kotse ni Vince na papalayo na bago ko tuluyang lapitan si Jayzee.

Wala siyang imik. Ako na ang nagbasag ng katahimikan.

“I’m sorry. Nalimutan ko,” paghingi ko ng depensa dahil sobrang nagiguilty ako. Hindi ko alam kung ilang oras na siyang naghihintay rito.

“Ayos lang.” Napangiti na lamang ako sa naging sagot niya kahit ramdam kong hindi iyon ayos para sa kanya.

“Kanina ka pa ba?”

“Kadarating ko lang.”

Hindi ako naniniwala.

“Nag-comeback na pala kayo?” Dahil sa naging tanong niya, natigil ako sa pagbubukas ng gate. Natulala ako bigla.

Hinarap ko siya at tinitigan sa mga mata. Bakas roon na gusto talaga niyang malaman kung bakit kasama ko ang ex ko ngayong gabi.

“We just settled everything para makapagsimula muli kami ng kanya-kanyang buhay. But it doesn’t mean a comeback for us,” diretsahan kong sabi.

“Pwede naman kayo magsimula ulit, together?” suhestiyon niya. Napataas ang kilay ko.

“Batas ka, dre?” sarkastiko kong banat kaya kapwa kami nagtawanan.

“Epal,” sabay naming sabi sa isa’t isa bago tuluyang pumasok ng apartment at simulan na ang trabaho.

We have to finish this story this week. This writer’s block is already too much. Kailangan na talaga naming magsipag.

“So the end is near. What’s your plan with the female protagonist?” tanong ko at inilapag sa laptop table niya ang isang tasa ng mainit na kape. Humigop muna siya rito bago sumagot kaso ngumiwi sa lasa.

“Ang pait naman, Eury. Ganyan ba kapait ang buhay pag-ibig mo?”

“Gago.”

“Ang plano ko, magkikita sila ng ex nila in an unexpected place. Tapos doon nila mare-realize pareho na mahal pa rin pala nila ang isa’t isa after all these years.”

“Tapos?”

“Tapos ang twist, darating sa puntong maguguluhan iyong babae dahil nagugustuhan na niya iyong writer na lalaki.”

“What?” Nakangiwi kong bulalas. Teka, ang cringe naman ng potek.

“Bakit? Ang cute kaya. Tapos ang pinili pa rin ng bida, iyong ex niya sa ending. Astig ‘di ba?”

Natahimik ako. Ako ba ang pinatatamaan niya? Ay, Napaka-assuming ko naman kung ganoon.

“Bakit hindi niya pipiliin ‘yong lalaking writer kung sinasabi niyang nagugustuhan na niya ito?”

Siya naman ang hindi makasagot.

“Dahil naguguluhan rin siya. Wala naman kasing pinapakitang motibo iyong writer na gusto rin niya iyong babae. So walang dapat umasa.”

Napaiwas ako ng tingin. Parang kumirot bigla ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit.

Napakislot ako dahil sa biglaang pagtunog ng phone ko. Nagpop out ang isang unregistered number.

Good thing hindi ka nagbago ng number. Nagbakasakali lang akong mako-contact kita muli rito.

Napasulyap ako kay Jayzee na patuloy pa rin ang pagsalita at pagpaplano kung paano namin tatapusin ang istorya. Napakagat-labi ako.

Eury, tungkol doon sa sinabi ko  sa ‘yo. Maghihintay ako. Exact time and place.

“Eury?” Nabalik ako sa reyalidad. Hindi ko namalayang may tumutulo na palang luha sa mga mata ko.

“Nakikinig ka ba?”

Napakurap-kurap ako.

“O-Oo,” sagot ko.

Anong mangyayari kapag pinigilan ko ‘tong kakaibang feeling para sa taong nasa harap ko ngayon? At ano ring mangyayari kapag binalikan ko ang taong mahal ko pa?

Ano nang mangyayari sa kwento ko?

“Balikan mo na.”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Jayzee?”

Ngumiti siya nang tipid.

“Sabi ko balikan mo na ‘yong plot natin dati. Nasa draft mo iyon ‘di ba?”

Naipilig ko ang ulo. Hayup, kung ano ano nang pumapasok sa utak ko.
Halos masapo ko ang sarili kong ulo. Potek, ngayon lang ako naguluhan nang ganito. Ibinaba ko ang phone sa sulok at pinagmasdan na lamang si Jayzee na ipaliwanag ang magiging takbo ng ending na isusulat namin.

May mga bagay talagang mahirap ipaliwanag. Tulad na lamang nito. Medyo nakikita ko ang sarili ko minsan na masaya kapag kasama ang tukmol na ito. Nakakainis na masaya.

No, this can’t be. Huwag naman sana.




***

Magmahal Muli | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon