CHAPTER 17

23 2 0
                                    

CHAPTER 17




“MALAKAS ang ulan noon, pero nagpasya pa rin akong sumipot sa eksaktong oras at lugar kung saan kami dapat magkita. Maulan, oo. Basang-basa pa akong pumasok sa resto. As usual, maaga pa rin siya at ako iyong laging late. Walang ngiti na sumalubong sa akin pagdating ko pa lamang. Alam mo ‘yong, ngiti niyang nakasanayan mong makita tuwing late kang darating? Inaasahan kong makita iyon, pero wala.” Napangiti ako nang mapakla habang nakatitig lamang sa kadiliman.

Ramdam kong nakatitig na si Jayzee sa akin habang nagkukwento ako. Paulit-ulit  akong napalunok kasi ang sakit pa rin talaga sa lalamunan ang magpigil ng iyak.

“That’s when I know, parang may iba. Parang may kutob na ako pero binalewala ko. Parang nararamdaman kong may sasabihin siyang ikakawasak talaga ng mundo ko. Pati pala puso.” Pumiyok na ako at pinahid ang luhang agad rumagasa mula sa aking mga mata. Suminghot ako. Naramdaman kong inabutan niya ako ng tissue kaya agad ko rin iyong kinuha at siyang ginamit.

“Sabi ko diretsuhin na niya ako. Kasi ayokong pinapaligoy-ligoy pa ako tapos doon rin pala ang punta” sambit ko pa. Inihilig ko ang  aking ulo sa lumang pader nitong lumang bahay. Inabot na kami ng gabi sa pagkukwentuhan pero ngayon ko lang nailabas ang ganitong emosyon. Parang ayoko pang umuwi hangga’t hindi ko pa ito nailalabas lahat. Sobrang sama pa rin talaga ng loob ko sa tuwing naaalala ko kung gaano ako nasaktan dati, hanggang ngayon.

“Sa hiwalayan,” pagpapatuloy niya sa sinasabi ko kanina. Ngumiti ako nang tipid at tumango.

“Sino ba naman ako para humadlang? Pangarap niya ‘yon, e. Hindi naman pwedeng maging kontrabida ako sa mga gusto niya sa buhay. Ginusto niya ‘yon kaya pumayag ako. Para sa pangarap niya, para raw sa pangarap namin. Pero putangina, hanggang ngayon naghihintay pa rin ako sa alam kong wala na naman talaga!” Agad kong ibinato ang isang lumang alarm clock na napulot ko sa sulok. Lumikha iyon ng ingay at napaiyak ulit ako.

Wala siyang imik. Pinapakinggan lang niya ang mga sama ng loob ko.

“Ilang taon na rin ang nakararaan. Ilang taon na rin ‘yong sakit. Hindi ko tuloy alam kung paano pa ba ‘to maaalis. Kaya ata ang bitter ko sa buhay, sa lahat ng bagay. Ayoko sa happy ending na lagi nilang gustong mangyari.”

Pagak akong natawa sa mga sinasabi ko.

“Ayokong magsusulat patungkol sa happy ending. Sa happily ever after. Ayoko talaga. Paano ako makakasulat ng ganoon kung ako mismo hindi ko pa naranasan sa buong buhay ko?”

Hindi na ako muling nagsalita pagkatapos. Pilit ko nang kinakalma ang sarili ko. Pinahiran ko na rin ang aking mga luha. Sa unang pagkakataon, I’ve had someone who willingly listened to my rants and sentiments.

“’Yon lang. Ang panget mo pa rin,” ani ko at umayos nang upo.

“Mas panget kang umiyak,” ganti niya at inabutan pa ako ng tissue.

“Will you cry for someone you love?” tanong ko kaya natahimik siya bigla at napaiwas ng tingin. Hindi agad siya nakasagot.

“I don’t know. Hindi ko pa naman naranasan magmahal,” sambit niya kaya napakunot ang noo ko.

“You’re kidding,” I insisted.

“I’m not,” sagot pa niya at humalukipkip.

“So what’s up with the girl you’re sightseeing two weeks ago?” paniniguro ko at ang tinutukoy ay ang babaeng nakita namin sa loob ng coffee shop na may kasamang lalaki. Medyo naka-move on na ako sa pag-iyak ko kanina kaya siya naman ang tinatanong ko ngayon.

Napailing siya na parang defensive.

“I don’t know her,” he defended. But I don’t believe him.

“Yeah, you do know. Who’s her?” I asked.

I heard him sigh multiple times.

“A former friend,” pag-amin niya. Napakamot ako sa kilay, umayos ng Indian-sit at hinarap siya.

“A former girlfriend?”

“No!”

“Ba’t ka galit?”

“I said she’s just a friend.”

Ako naman ang napabuntong-hininga.

“Do you like her?”

“I don’t.”

“You, sure?”

Napabuga siya ng hangin.

“I liked. With letter D. A past tense, it’s not love.”

Nagngising-tagumpay ako.

“So, you know what love is.”

“Infatuation is different from love. I-google mo pa kung gusto mo.”

“I can differentiate it on my own. Ibig sabihin nagkakagusto ka rin.”

“Pero hindi  pa ang magmahal,” aniya kaya nagkibit-balikat ako.

“Tell the whole story,” suhestiyon ko at inihilig muli ang lupaypay kong ulo sa pader habang inaantay siyang magsalita.

“Seriously? Wala ka bang balak umuwi? Anong oras na, o.”

“Wala naman akong uuwian,” pagak kong sagot saka ngumiti. Araw-araw na ginawa ng Diyos, uuwi ako sa apartment na sobrang lungkot. It seems that my room is empty all along, so thus me, the boarder who do nothing but to cry and overthink at night mula nang mangyari ‘yon. This is much better kesa umuwi ako ngayong gabi. Medyo natitiis ko pa naman ang pagmumukha ng asungot na kasama ko.

“Same,” pag-amin niya. Pareho lang naman pala kaming mag-isa. Nakakalungkot.

“So, ibig sabihin ba noon, ang isa’t isa na lang ang uwian natin?” banat niya at hindi pinansin ang pagpupumilit kong ikwento niya ang lovestory niya.

Napangiwi ako sa sobrang corny.

“Kung ikaw lang naman ang tahanan, maglalayas na lang ako at hindi na babalik,” kontra ko.

“By This Band?” gatong niya.

“Siraulo,” mura ko dahil napakadami niyang baon na banat. Nakakainis.

“Huwag mo ‘kong mabanat-banatan ng ganyan. Tatamaan ka sa ‘kin,” naiinis kong bwelta kaya humagalpak siya ng tawa.

“Paano kung natamaan na?”

Halos masamid ako ng sarili kong laway dahil sa sinabi niya.

“Charot,” pagbawi niya kaya peke akong ngumiti. Tangina talaga neto. Abnormal.

“Kwento na sabi,” pamimilit ko pa.

“Heto na nga. At hindi na nga tayo nagsulat ano?” pasaring niya. Napasulyap ako sa nakatiwangwang naming laptop na blangko ang MS word. Walang word count. Walang character. Kung sana nga ay iyong mga inaaksaya naming laway rito, ginawa na lang naming word count, e’ di sana nakasulat na kami ng chapters.

“Ano ba, magkwento ka na kasi!”

“Heto na nga!”

Nakangiti lang ako habang nakikinig sa mga pasegway niya bago siya magsimulang magkwento.

“Do you know that I haven’t try to date any girl before?” My eyebrows furrowed with his words.

I really got curious to the point I wanna know him more this time.





***

Magmahal Muli | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon