CHAPTER 5

36 6 0
                                    

CHAPTER 5








AWKWARD kaming naglalakad patungo sa bus terminal kaya napakunot ang noo ko at nagsalita. Kanina ko pa kasi siya gustong tanungin ng tungkol rito. Saglit akong tumigil. Napansin naman ata niya ito kaya tumigil rin siya’t humarap sa akin.

“What?” kunot-noo niyang tanong.

“Why did you wait for me?”

Sa halip na sagutin ang tanong ko, dahan-dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa itapat niya sa pagmumukha ko ang screen ng kanyang cellphone. Nabasa ko mula roon ang isang text message mula kay Irish na nagsasabing hintayin na ako.

“Irish, you silly creature,” I murmured as I take a step back. Napangiwi na lamang ako at nauna nang maglakad palayo sa kanya. Malapit na kami sa terminal ng bus at mag-aalas-otso na rin ng gabi. Hindi  pa ito ang last trip kaya binagalan ko pa ang paglalakad.

Nagulat na lamang ako nang hatakin niya ako sa braso.

“Teka, ano ba?” iritado kong sigaw sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Parang ang lumalabas pa rito, pilit niya akong pinabibilis sa paglalakad dahil maiiwanan kami ng biyahe samantalang napakarami pang bus na nakaparada.

“Gabing-gabi na tapos ganyan ka pa kung maglakad. Saan ba ang bahay mo, ha?” aniya kaya napangiwi ako.

“Bruh, commuter lang ako kaya malamang napakalayo ng bahay ko rito. Ikaw ba? Bakit kanina mo pa ako tinatambangan? Hindi ba pwedeng umuwi ka na sa inyo at pabayaan ako?” naiirita ko nang sagot at sinamaan siya ng tingin.

“Taga-Laguna ako,” tipid niyang sambit at umakyat na ng bus na may Laguna sa signboard.

Hindi na ako nagulat sa nalaman dahil nabanggit naman ito ng mga kaibigan ko kanina. Ang hindi ko lang matanggap, makakasama ko siya sa isang bus buong biyahe. Napipikon ako sa hindi malamang dahilan. Ngunit kahit ganoon, kinompose ko ang sarili ko at umakyat na rin ng bus bago pa magsara ang pintuan.

Marami pa ring pasahero ng ganitong oras kaya ang ending, naghanap pa rin ako ng mauupuan.  Hinagilap ko na rin siya ng tingin. At nagtama ang paningin namin nang matanaw ko siya bandang hulihan.

Umandar na muli ang bus at halos masubsob na naman ako. This time, sa tabi pa ng magjowang magkayakap. Napayuko na lamang ako.

“S-Sorry po,”

“Boss, may nakaupo ba rito?” narinig kong tanong ng isang lalaki sa kanya. Humalukipkip si Jayzee at walang emosyong tumitig lamang sa labas ng bintana.

“Meron.”

“Sino?”

“Iyong babaeng tatanga-tanga sa unahan,” sagot niya dahilan para manlaki ang mga mata ko. Napatingin tuloy ako sa bandang likuran ngunit wala na namang babae maliban sa akin.

“Thanks?” sarkastiko kong wika nang makaupo sa tabi niya. Hindi ko kasi alam kung maiinis ako o magpapasalamat sa pagre-reserve niya ng upuan para sa akin. Para siyang walang modo na gentleman.

Hindi na siya sumagot at humilig na lamang sa bintana ng bus. Nagmo-moist ito dahil sa lamig ng aircon. Napayakap na rin ako sa sarili ko dahil lumalamig na nga masyado.

“When did you start working in their company?” he asked out of the blue. Napalingon ako sa kanya.

“Sa publishing? Since I graduated,” sagot ko. Mukhang wala naman kasi akong choice kundi sagutin ang tanong niya para may mapag-usapan kami dahil medyo malayo pa ang biyahe. “Ikaw? Exclusive ka na rin hindi ba?”

Magmahal Muli | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon