CHAPTER 12

26 5 4
                                    

CHAPTER 12









DAHIL curious talaga ako sa lalaking ito, hindi muna ako umalis kahit na naibigay na sa akin ang order ko. Sa pwesto ko na mismo ininom ang milk tea habang pasimpleng sumusulyap kay Jayzee na abala pa rin sa pagte-take ng order ng iba. Hindi nakaligtas sa aking matalas na paningin na napasulyap rin siya sa upuang malapit sa bintana kung saan ako nakapwesto. Sinalubong ko ang titig niya. Napaiwas naman siya ng tingin.

Napangisi ako. Confirmed. Kahit pa ata ibahin niya ang estilo ng kanyang pagkilos, mahahalata ko pa rin na siya iyon. Bakit ba siya nagtatago? Well, feeling ko lang pinagtataguan niya ako sa lagay na ito.

Napagdesisyunan kong huwag na lang magdinner dahil busog na naman ako nitong inorder kong milktea. Hindi ko lang sigurado kung anong oras nagsasarado itong shop o kung hanggang anong oras ang shift niya.

Basta ang mission ko ngayon, ang tambangan siya. Anyway, alas syete pa lang naman ng gabi kaya pwedeng mayamaya pa ako umuwi tutal, wala naman palang pasok sa trabaho bukas.

Humigop ako sa iniinom kong milktea.

“Bhe, remember your ex a year ago?” Nagpantig ang tenga ko nang mapakinggan ang dalawang babaeng nag-uusap sa table na hindi kalayuan sa akin. Malakas ang boses nila kaya rinig na rinig ko.

“Ah, ‘yung manloloko? Anong meron?” usisa noong isa. Pasimple lang naman akong nakikinig.

“Ano kasi... nanliligaw sa akin,” she confessed. The other girl chuckled like it’s the funniest joke she ever heard.

“Anong nakakatawa? Beb, seryoso ako,” giit noong isa.

“Tatanggapin mo ba?”

Napatitig ako doon sa babae at napansin ang pagiging malikot ng kanyang mga mata. Hindi siya makatingin nang diretso sa kausap. Based on her uncomfortable actions, alam ko na ang sagot sa tanong ng kaibigan niya.

“He’s a trash, remember?” diretsahang sambit noong babae. “Bakit mo tatanggapin ang isang taong alam mong may record na ng panloloko?”

“Pero...”

“Hindi sa ayaw kong maging kayo. Ayaw lang kitang masaktan. Hindi malabong gawin rin niya sa ‘yo ang ginawa niya sa akin. ikaw, tatanungin kita. Kapag ba ang basura, ni-recycled, anong tawag mo roon?”

Hindi nakasagot ang kausap. Nagpangalumbaba ako dahil nasisiyahan akong panoorin sila rito sa bandang bintana. Mahilig talaga ako sa mga ganitong scene. I’m gonna insert this in my story later.

“Basura pa rin. Pinaganda lang para mapakinabangan ulit. Still a crap, right?”

“Tulad niya. No matter how many girls pick him up, bring back every pieces of him together and recycle him, he will still be a trash. And a jerk like him belongs to a trash bin. Hindi ka naman siguro basurera, no? Huwag mo nang pulutin ang wala nang kwenta. Kung hindi ko siya deserve, mas hindi mo siya deserve. We don’t deserve him. We deserve someone better,” litanya noong babaeng nakatalikod sa akin. Sobrang lalim niya magpaliwanag.

I like how she explains everything to her friend. It reminds me of someone. Wait? Hindi naman siguro si ano ‘to.

“Haide?” biglaan kong tanong at napatayo na rin nang saktong tumayo rin ang babae. Napalingon ito sa akin habang nanlalaki ang mga mata. Hindi nga ako nagkakamali.

“Eurydice?” she exclaimed. Pati iyong kasama niyang babae, napatayo rin sa gulat.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. Ang pagkakaalam ko kasi, taga-Manila rin ang isang ito. Ang layo naman talaga ng binyahe niya para lang makatikim ng milktea rito sa Laguna.

“I’m with my friend, Krizelle. Ikaw? Ba’t hindi ka pala pumasok kanina sa office? Ay oo nga pala. Magdamag kang nakulong sa opisina kagabi with ooops!” Tinakpan niya ang bibig niya na parang ayaw niyang may masabi pang masama. Napangiwi ako.

“My fault. By the way, dito pala nagpa-part time itong si Jayzee, e? Hindi mo man lang nakwento sa akin e sabay naman kayo lagging umuuwi!” sambit pa niya sabay turo kay Jayzee na hindi na nakasuot ng mask. Tinanggal na rin nito ang apron sabay kaway sa amin. Hindi siya makatingin sa akin nang diretso. Bakit kaya? Nahihiya ba siya?

“H-Hindi ko rin alam,” sagot ko na lamang.

“Ano ba naman ‘yan. Parehong sa Laguna nauwi pero walang alam sa isa’t isa.” Malay ko ba dito sa mokong na ‘to. This year ko lang naman nakilala ‘yan.

“Uy, kumusta?” bungad ni Jayzee nang makalapit sa amin. Nakangiti na ulit ito tulad ng dati pero bakas ang pagod sa mukha niya.

“Jayzee! Hindi mo naman pala nababanggit kay Eury na nagpa-part time ka rito sa Tiffitea!” Napakamot na lamang sa kilay si Jayzee na hindi pa rin makatingin sa akin.

Magsasalita pa sana siya nang tumunog naman ang cellphone ni Haide.

“Uwemji, we need to go, Kriz. And besides, may pag-uusapan pa tayo,” makahulugang sambit nito sa kaibigan at parang alam ko na kung ano iyon. Agad niyang hinatak ang kasama palabas ng shop matapos magpaalam sa aming dalawa. Sinundan ko na lamang sila ng tingin papalayo bago ibinalik ang tingin kay Jayzee na nasa harapan ko pa rin.

“Can we talk?”

Malamig na hangin ang sumalubong sa mismong paglabas pa lamang namin ng milktea shop kung saan siya nagtatrabaho. Mabagal ang ginawa naming paglalakad tutal kaunti na lang ang mga sasakyan at palalim na rin naman ang gabi.

Hindi siya umiimik kaya ako na ang nagtanong.

“Kailan ka pa nagtatrabaho roon?”

“Nitong isang linggo lang,” tipid niyang sagot habang nakapamulsa.

“Kaya ka ba laging puyat at sabaw ang updates?” nakangiwi ko pang dugtong.

“Siguro?”

Namayani muli ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi na ako muling nagsalita pa.

“Kumain ka na ba?” Siya naman ang nagtanong.

“Busog na ako sa milktea.” Tumawa siya.

“Anong nakakatawa?”

“Akala ko kasi sasabihan mo akong pa-fall.”

“Hindi ko gets.”

“Epal. Ang slow mo. Taong Tabon ka ba? Late ka na sa mga memes. Tsk!” dismayado niyang wika kaya napangiwi ako.

“Uuwi na ako. Bye!” Binilisan ko ang paglalakad.

“Hoy, baliw ka ba? Ba’t ba ang bitter mo sa buhay? Iniwan ka ba? Sinaktan?” paulit-ulit niyang tanong mula sa likuran ko kaya halos takpan ko na ang aking dalawang tenga.

“Shut up!”

Hindi ko namalayang naglalakad na pala ako sa pinakamadilim na parte ng kalsada at nagulat na lang ako nang may biglaang humablot sa aking dalawang braso.

Napasigaw ako sa takot.




***

Magmahal Muli | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon