CHAPTER 22

23 1 0
                                    

CHAPTER 22


“DON'T tell me, nagugustuhan mo na?”

“Sino?”

“The guy you’re always talking about in your twitter account,” ani Irish at iniharap sa akin ang private account ko sa twitter na matagal ko nang hindi ginagamit pero hindi ko alam kung bakit ngayon, ibinalik ko ulit para lang makapaglabas ng bottled feelings. Nakalimutan kong mutual nga pala kami roon ni Irish noon pa kaya kabisado na niya ako at ang mga galaw ko sa buhay.

Napaiwas ako ng tingin.

“Silence means yes. So you’re starting to like him na,” sambit pa niya kaya napabuntong-hininga ako.

“No, it’s not that.”

“Kilala kita, Eury. Kapag interesado ka sa isang tao, tinut-tweet mo siya. Huwag mo akong paandaran.”

“Nakikipagbalikan siya,” pag-amin ko. Kumunot ang noo niya.

“Sino?”

“Someone who left years ago. He wanted us to be together again.” Napatungo ako habang nilalaro-laro sa kamay ko ang kapirasong papel.

“Alam na ba ito ni Jayzee?”

Napailing ako. “Bakit kailangan pa niya malaman? Wala naman kaming connection,” pambabara ko. We’re not even best friends to tell each other’s secret. Hindi naman kasi ako pumayag na maging girl bestfriend niya noong araw na iyon.

“Of course you need to! Baka umasa iyong tao.”

“Baka kako ako ang pinapaasa niya.”

“What?!”

Ngumiti ako nang tipid. Ayoko talaga ng confrontation. Nadudulas na lang bigla ang bibig ko at may nasasabing hindi dapat sabihin.

“So, gusto mo nga siya. Pero bakit ka makikipagbalikan sa ex mo?”

“Irish, huwag mo na muna akong kausapin ngayon.” Tumayo na ako at niligpit ang aking mga gamit. Aalis na ako dahil kanina pa naman ang out namin. Sadyang lutang lang ako mag-isip ngayon.

“C’mon Eury. Don’t be so numb. Jayzee likes you a lot!” pahabol pa niya dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at harapin siya.

“It’s a just a pure collaboration story. Walang feelings na involve roon.”

“Then tell me paano kayo makakasulat ng ganoong kwento na halos pakiligin ang milyong readers kung hindi totoo ang nararamdaman n’yo para sa isa’t isa?”

“Irish, walang nangyayaring ganyan. Kahit tanungin mo pa si Jayzee.”

“I already talk to him. Kaya nga ikaw naman ang kinakausap ko ngayon.”

“Why do you need to do this to us? Excuse me but a work is a work.”

“Talaga? Kahit ang alam ng mga fans n’yo, may something na sa inyo?”

Natahimik ako. Pero bumawi ako at nginitian na lamang siya.

“Irish, sana naiintindihan mo ako. Ayoko nang palalain pa ‘to. Walang loveteam, less issue. Kapag natapos na ang collaboration na ‘to, lubog na ang barko n’yo. Bye.” Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko at lumabas na. Iniwan ko siyang nakanganga. Naiinis na ako. Naguguluhan na nga ako, mas pinapagulo pa nila ang lahat. Nasa parking lot na ako ng building at diretso na sana exit para lakarin na ang papuntang terminal nang makatanggap ako ng text messages. Sunod-sunod ang mga iyon.

Hindi ko pa naoopen ang isa, nakarinig naman ako ng busina ng sasakyan. Peste talaga ang kalbaryong ito. Rinding-rindi na ako.

“Eury!” Ngunit napawi ang pagkainis ko dahil narinig ko ang isang pamilyar na boses. Sa isang iglap, naging isang musika sa pandinig ko ang tinig niya. Napangiti ako.

“Vince? Anong ginagawa mo rito?” gulat kong tanong nang lumabas siya sa kotse at lumapit sa akin.

“Sinusundo ka?” Nakapamulsa niyang sagot.

Isipin mong may isang engineer na sumusundo sa ‘yo ngayon mula sa trabaho. Bakit parang nakakakilig?

“H-ha? Wala ka namang sinabi na darating ka.”

“Nag-text ako sa ‘yo, ah.”

Saka ko lamang napagtanto na sa kanya galing ang sunod-sunod na text messages kanina na hanggang ngayon, hindi ko pa nabubuksan. Di bale na. Andito na naman siya ngayon.

“Let’s go?” Ngumiti siya at tumango na lamang ako.

Muli akong napatingin sa cellphone ko nang umilaw at magbeep ioto. Text messages mula kay Jayzee na nagtatanong kung tuloy ba ang overnight muli namin mamaya para sa story. Napakagat-labi ako.

“Eury? May problema ba?”

Nabalik ako sa reyalidad at itinago ang phone sa bag. Umiling-iling ako bago tuluyang pumasok sa kotse niya.

“W-wala. Let’s go,” sambit ko na lamang.

Sa buong biyahe mula Manila hanggang Laguna, tahimik lamang ako at napakalalim ng iniisip habang hawak nang mahigpit ang cellphone ko. Pinapakiramdaman ko kung muling magtetext si Jayzee dahil kinukulit ako.

Tumigil na ang sasakyan sa tapat muli ng apartment ko.

“We’re here.”

Saktong pag-alis ko ng seatbelt ay ang pagring naman ng aking cellphone. Nagflash sa screen nito ang pangalan ni Jayzee. Napatunganga na lamang ako. Alam kong nakatingin na rin roon si Vince kaya napaiwas ako ng tingin.

“Bakit di mo sagutin?” Aligaga kong pinatay ang tawag at sinubukang buksan ang pintuan ng kotse pero naka-lock pa pala ito. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

“Do you like him?” he asked.

Napaayos muli ako ng upo. “The who?”

“The author,” nakangiti niyang sagot habang diretso lang ang tingin niya sa unahan. Natahimik ako bigla.

“Alam ko namang napakarami nang nangyari at nagbago mula noong iniwan kita kaya naiintindihan kita. Naiintindihan ko, Eury.”

Halos manikip ang dibdib ko.

“Vince.” Nasapo ko ang noo ko.

“I’m sorry that I need to hurt you that time.”

“Vince, stop!” I yelled. Naluha na ako dahil pilit pa rin niyang pinapaalala ang nangyari.

“Hanggang kailan mo pa ba balak ipaalala lahat ng nakaraan? Sa araw araw na lang lagi kang nags-sorry, sa personal, sa text, mula nang magkita tayo. Para saan pa? Wala namang magagawa iyang sorry mo kasi nangyari na! Ang tagal na noon! Ang tagal mo na akong sinaktan!”

“Kaya nga nagso-sorry ako dahil hindi ako pinatatahimik ng konsensya ko. Sa gabi-gabi kong pagtulog, lagi akong binabalikan ng nakaraan at mga katanungan na bakit kita iniwan? Mahal na mahal naman kita pero bakit mas pinili kitang pakawalan?!”

“Stop it!”

“Eury, sobrang nagsisisi ako!”

“Then why do you have to repeat your apologies over and over again?!”

“Because I’m fucking guilty for leaving and hurting you!” Para kaming mga tanga rito sa loob ng sasakyan na nagsisigawan. Hindi ko na mapigilang maglandas ang luha.

Parang nagsi-sink in tuloy sa akin ang ibig niyang sabihin.

“So kaya mo lang ba naisipang makipagbalikan sa akin dahil naaawa ka? Dahil guilty ka na iniwan mo ako dati? Na nakokonsensya ka sa pananakit sa akin? Kusa kang nakikipagbalikan dahil alam mong mahal pa kita!”

“Eury, hindi ‘yon. Gusto ko lang makabawi!”

“Shut up, Vince! Nakikipagbalikan ka kasi alam mong tanga pa rin ako sa ‘yo. That thing would never change!” sigaw ko.

“No, Eury!”

Wala na akong panahon para makipagtalo pa sa kanya. Pinahiran ko ang luha ko at hinablot sa kanya ang remote ng kotse para mabuksan ang pintuan. Dire-diretso akong lumabas at hindi na siya nilingon kahit tinatawag pa niya ako. Napahikbi na lamang ako habang naglalakad palayo.

Ayoko nang makarinig ng sorry ngayon. Mas bumibigat lang ang sakit sa dibdib ko.




***

Magmahal Muli | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon