CHAPTER 9

25 3 0
                                    

CHAPTER 9






“HOW many hours did I take a nap?” tanong niya habang nag-aasikaso ako ng mga gamit. Inaayos ko na ang table ko para makauwi na rin since kanina pa nag-uwian ang mga katrabaho namin at kami na naman ang mahuhuling uuwi.

“Nap pa bang matatawag ‘yon? Ang haba naman!” komento ko. Napansin kong napakamot siya sa ulo at nag-umpisa na ring mag-ayos ng gamit.

“Hindi ka ba natutulog sa gabi?” Hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya kaya pinabayaan ko na.

“Sabay na tayo,” mungkahi niya. Napabuntong-hininga ako.

“Mauna ka na. Hindi pa ako uuwi, e,” tanggi ko.

“Saan ka naman pupunta?” usisa niya.

“Jowa? Jowa? Kailangan bang alamin mo pa kung saan ako pupunta?”

“Ewan ko. Tingin ko kasi mula noong nagkasabay tayo sa bus, obligasyon na kita.”  Natigil ako sa ginagawa. Bumilis ang tibok ng puso ko.

“Lampa ka pa naman. Kakailanganin mo talaga ang tulong ko. Naalala mo ba iyong sa bus dati?” dugtong niya. Uminit tuloy ang dugo ko at inirapan siya.

“Epal ka.”

“Puro ka epal. Alam mo ba ang ibig sabihin noon?”

“Shut the fuck up,” mura ko.

“At nagmura pa nga.” Hindi na ako nakapagpigil at binato siya ng bottled water na wala nang laman. Mabilis naman siyang nakailag.

Napangisi siya at umiling.

“May nakapagsabi na ba sa ‘yong kaugali mo si Jhing?”

“Jhing?” Napakunot ang noo ko.

“Jhing of 23:11 ni pilosopotasya. Sungit noon, e.”

“Dami mong alam.” Napailing na lamang ako.

Nasa ganoon kaming sitwasyon nang mapayuko ako at napagtantong natanggal pala sa pagkakatali ang sintas ng rubber shoes ko.

“Malas,” bulong ko sa sarili at akma nang yuyuko para muling ayusin. Ang ayoko kasi sa lahat, lumuluwag ang pagkakatali ng shoe lace ko. Napakaperfectionist ko kasi kaya iniiwan.

Iiling-iling akong napayuko para itali muli nang agad sumugod sa harapan ko si Jayzee at siya  mismo ang nagtali nito. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

“Ako na!” giit ko pero hindi man lang siya natinag. Nang-aasar pa ata ang mokong at binagalan pa ang pagtatali. Potangena talaga nito.

“Teka? Nagbrownout ba?” kunot-noo kong tanong nang biglang dumilim ang paligid. Napaangat rin ng tingin si Jayzee na nakaluhod pa sa sahig matapos itali ang sintas ng rubber shoes ko.

“Mukhang hindi. Kaso nasaraduhan ata tayo ni kuya,” tukoy niya sa janitor na siyang maintenance nitong office namin. Napangiwi ako at sumugod sa tapat ng nakasarado nang pinto.

“Shit, bakit ngayon pa? Alam naman niyang may tao pa dito!” naiinis kong sambit sa sarili at kinalampag ang pintuan. Pinihit ko pa ang nakasarado nang doorknob  mula sa labas. Palagian kasi sa labas nila inila-lock ang pintuan ng mga opisina rito. Wala pa naman akong susi o kahit na ano dahil need muna ng fingerprints para mabuksan ang vault mula sa labas.

Halos masapo ko ang noo ko at hinagilap na lamang ang cellphone para magpasundo kina Irish. Malapit lang naman ang condo niya rito.

Imbes na mag-panic dahil pareho kaming na-lock rito, prente lamang umupo sa swivel chair ang demonyong kasama ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Bakit?” painosente niyang tanong.

“Wala ka man lang gagawin? Haller? Na-lock tayo rito, hindi ka man lang ba nangamba na hindi makakauwi ngayong gabi?!” singhal ko pa pero balewala iyon sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

“Ayos lang sa akin. At least, may dahilan na ako para hindi pumasok bukas,” tila pagod na pagod niyang sagot.

“Hanep ka talaga,” sarkastiko kong komento at napasandal sa pintuan. Idinial ko ang number ni Irish.

“Fuck. Ba’t naman napakamalas ngayong araw? Bwisit talaga,” mura ko pa nang mapagtantong wala na pala akong load kanina pa. Tinapunan ko si Jayzee ng tingin na parang siya ang sinisisi ko sa mga kamalasang nararanasan ko kanina pa.

“May balat ka ba sa puwit? Lagi na lang akong minamalas kapag kasama kita, e.”

Ngumiwi siya.

“Huwag mo akong sisihin sa mga bagay na natural lang na nangyayari. Tulad ng pang-iiwan niya sa ‘yo. It’s a natural phenomena. Kapag hindi ka na mahal, iiwan ka na talaga,” walang emosyon niyang wika at pinaikot-ikot ang upuan.

Halos mapanganga ako sa naging sagot niya. Ano namang kinalaman ng pag-ibig sa tanong ko? At isa pa, bakit ako? Wala naman akong kinukwento sa kanya tungkol sa past ko!

“May load ka ba d’yan? May tatawagan lang ako.”

“Wala. Expired na kahapon pa,” tipid niyang sagot. Marahas na lamang akong napakamot sa ulo at napapadyak dahil sa inis.

“Kasalanan mo ‘to, e!” paninisi ko sa kanya. “Buksan mo nga ang ilaw!” utos ko pa dahil sobrang dilim na . Nag-eecho pa ang boses ko rito sa apat na sulok ng opisina dahil kami na lang ang tanging tao rito. And the worst, hindi pa kami rinig mula sa labas dahil sound proof itong buong lugar.

“Huwag mo akong utusan,” masungit niyang kontra habang hinihilot ang sintido. Mukhang nai-stress siya sa akin. Wala akong choice kundi ako na lang ang kumilos. Ngunit nang pindutin ko ang switch, wala man lang akong nasilayan na liwanag.

“Tangina, pinapatay nga pala nila ang buong electricity power tuwing dismissal.”

Double curse na ito!

“Napakamalas mo talagang kasama. Nagkakanda-letche letche  tuloy ang mga pangyayari ngayon!” Padabog akong napasalampak sa sulok ng opisina, sa mismong sahig at napasandal sa konkretong pader.

Paulit-ulit akong napabuntong-hininga. Nahahighblood talaga ako sa lalaking ito. Sa sobrang pagod, ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil wala naman akong magagawa kundi ang hintayin ang umaga. Mukhang dito na lang ako matutulog.









Sa kalagitnaan ng pag-idlip ko, bigla akong napakislot. Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si Jayzee na nakaupo na rin hindi kalayuan sa akin. Para kaming mga preso rito na pinagkaitan ng karapatang makalaya.

Nakatitig lamang siya sa kadiliman.
Ano na namang katangahan ang naiisip nito?

“Minsan ba naiisip mo rin kung anong meron sa dilim?” bigla niyang sambit kaya kumunot-noo ako.

“Huh?” I really have no idea.

He just smiled and never blinked his eyes for seconds.

“Kalungkutan. Iyon ang meron ngayon rito sa loob,” aniya na may halong lungkot ang boses.

“May problema ka ba?” tanong ko at umayos ng upo.

Mukhang hindi ako makakatulog ngayong gabi. And for Pete’s sake, alas nueve pa lang! Ang bagal ng takbo ng oras! Ilang oras pa akong magtitiis na kasama siya!



***

Magmahal Muli | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon