CHAPTER 10

33 1 3
                                    

CHAPTER 10









“ARE you afraid of the dark?” I asked him.

“No, I’m not. I’m just afraid of what’s in the dark,” he insisted. I heard him sigh.

“Ikaw, takot ka?”

“Hindi rin, mula noong bata pa ako.” Napangiti ako at inalala ang mga karanasan ko noon. Palibhasa, bata pa at lahat na lang ay kinatatakutan maliban sa dilim.

“Kwento mo sa akin,” alok niya.

“Sure ka?” paninigurado ko habang nakangiwi. Hindi talaga ako mahilig magkwento sa iba lalo na kapag personal na buhay ko. Sa mga kwento ko iyon ibinubuhos dahil alam ko namang walang willing na makinig sa akin.

“Yeah. Gusto kong mapakinggan,” aniya at inihilig ang ulo bago ipinikit ang mga mata na parang handa nang makinig sa kwento ko. Napatitig ako sa kadiliman bago magsalita.

“Noong bata ako, syempre laking probinsya. Alam mo ba ang mga laro namin noon? Tumbang-preso, luksong-tinik at marami pang iba. Pero ang hindi ko makakalimutan, ang pagtakas ko sa bahay tuwing gabi para lang makapaglaro ng tagu-taguan,” natatawa kong panimula. Hindi ako nakarinig ng response mula sa kanya kaya nagpatuloy ako.

“Sinasabi ng mga kalaro ko na ang daya ko raw dahil hindi man lang ako natataya ni isang beses. Kaya noong isang beses, pinagkaisahan nila akong maging taya.”

“Ang nangyari, ako nga ang naghanap sa kanila. Hanggang alas otso ng gabi akong naghahanap kung saan sila nagtatago. Walang flashlight, wala ni katiting na ilaw pero hindi ako nakaramdam ng takot,” litanya ko. Narinig ko siyang tumawa.

“Ang tapang naman po,” komento niya. Napangisi lamang ako.

“Oo, e. Pati nga maling tao, ipinaglaban.”

Naramdaman kong tumikhim siya at humalukipkip.

“Tuloy mo na.”

“So ayun, ang ending para akong tangang naghahanap sa kanila tapos malalaman ko, umuwi na pala sa kani-kanilang bahay ang mga hinayupak.” I sounded bitter and until now, I can’t help but to feel mad at them. Nagmukha kasi talaga akong uto-uto noon.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Jayzee sa tabi ko kaya napaismid ako.

“Masaya ka na?”

“Gagi! Ibang klase ‘yon!” sambit niya at pinahiran ang mga matang namumuo na ang luha sabay tawa ulit nang malakas.

“Kabagin ka sana,” naiinis kong wika. Bigla ko ring naalala na si mama na mismo ang sumundo sa akin noon at sinalubong ako ng malutong na palo ng walis tingting namin. Gabi na raw at kung saan-saan pa ako umuuwi.

“Hindi ba ang saya noon? Ang maghanap ng nawawala?”

Hindi ako sumagot.

“Parag pag-ibig,” dugtong pa niya. Mas lalo lang akong napangiwi. Ang corny talaga ng isang ‘to. Writer nga naman ng romance, nagiging hopeless romantic.

“Ikaw naman ang magkwento ng katangahan mo,” sabi ko pagkuwa’y napasulyap sa wall clock. Medyo mahaba pa ang gabi na pagsasamahan namin rito sa loob. Might as well, huwag na lang akong matulog.

“Grabe, katangahan talaga?”

“Oo, alam ko namang tanga ka na pero baka may mas itatanga ka pa.”

“Ouch naman, Eury,” reklamo niya at napahawak sa dibdib na animo’y nasasaktan.

“Go on.”

Magmahal Muli | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon