Chapter 3

37 16 0
                                    

Amnesia

Nagising ako ng ingay sa paligid. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, sumalubong kaagad sa akin ang liwanag. Napapikit akong muli, nasilaw sa liwanag ng buong kwarto.

“Oh God! She's awake!”

“Jai, tumawag ka ng doctor!”

“Oh my! Hija!”

Naramdaman kong may humawak sa aking kamay. Nakarinig rin ako ng iyak. Okay? What's happening? Muli akong nagmulat at sinanay ang mga mata sa liwanag.

Nang masanay ay nakita ko ang aking mga magulang at ang aking pinsan.

“Thank God, you're awake!”

Ramdam ko ang nanghihina kong katawan. Meron ring mga nakasabit sa akin.

Bumukas ang pintuan at pumasok si kuya kasama ang isang doctor at nurse. Tumabi sina mommy at hinayaan ang doctor na tignan ako. Habang busy ang doctor at nurse sa akin, inilibot kong muli ang aking paningin sa buong kwarto.

May sinasabi ang doctor pero wala akong narinig. Mas inabala ko pang tignan ang mga nakasabit sa akin. Pinakiramdaman ko ring mabuti ang aking katawan. Ni-hindi ko halos maigalaw ang aking mga kamay dahil sa panghihina.

What happened? Bumaling ako kay kuya Jai ng may nagtatanong na tingin. Ang huling naaalala ko ay kami ang magkasama. Napatingin sa'kin si kuya nang siguro'y napansin ang tingin ko sa kanya.

Kuya, ano pong nangyari?” mahina ang boses kong iyon kaya hindi ko alam kung rinig ba ni kuya iyon.

“I'm going to ask some questions hija.”

Napatingin ako sa doctor. Sa lahat ng sinabi nya, iyon lang talaga ang narinig ko.

“Anong pangalan mo?” nakangiting tanong sa akin ng doktor

Kumunot ang noo ko. Anong tanong ba naman 'yan?

“Bless Tara Shaye, po,” still, I answered. Mahina pa rin ang boses.

“Hmmm.. you know them?” tanong ulit ng doktor na ang tinutukoy ay sina mommy.

Ngumiwi ako pero sinagot ko pa rin ang tanong.

“Mom, dad, kuya Jai at ang pinsan ko pong si Kaye.” parang barado pa ang boses ko habang nagsasalita.

Ano ang huling natatandaan mo?”

Sinama po ako ni kuya. Nandoon po kami sa opisina nya.”

Iyon ang huling naalala ko.

“Nothing more?”

Nag-isip ako kung meron pa ba, pero wala na talaga e.

Iyon lang po tapos nagising na ako rito.” bakit, meron pa bang nangyari bago ako napunta dito?

Once A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon