FANGIRL

149 17 2
                                    

"Kaye! Bilisan mo naman! Ang kupad mo!"

"Woahh easy ka lang babae! Wag kang atat ah!"

"E naman kasi! Comeback na halerrr!!" reklamo ko ulit sa kanya

"Pakealam ko naman sa comeback ek-ek mo na yan!"

Umirap ako sa sinabi nya. Here we go again! Dealing with my non-kpop fan cousin, tch. Napapairap talaga ako ng wala sa oras.

4:00 ng hapon ang labasan namin ng school. Klasmet kami nitong pinsan ko since magka-edad lang naman kami, months lang ang agwat.

Atat na akong makauwi ng bahay dahil comeback ng Bangtan ngayon! OMO! Buti na lang 6pm KST ang comeback nila ngayon!

Halos kaladkarin ko na si Kaye papuntang parking lot nitong school. Panay ang reklamo nya pero walang magawa sa panghihilang ginagawa ko. Nang makarating roon ay kaagad na kaming pumasok sa SUV na naghihintay sa amin nang mamataan namin ito at nilapitan.

"Dahan-dahan insan. Alam kong baliw ka pero wag ganitong halos itapon mo ako rito papasok ng sasakyan." aniya habang inaayos ang sarili sa loob ng sasakyan

Hindi ko na sya pinansin at sinabihan na lang si Manong Roy, ang driver namin, na umalis na.

"Pakibilisan na rin po ng kaunti, Manong." sabi ko habang ino-open ang cellphone

Pa-lowbat na ako e, 30%! Kahit ganoon, nag-online pa rin ako at kaagad binuksan ang YouTube app sa cellphone ko. Videos kaagad ng BTS ang bumungad sa akin. Kaagad kong ni-search, I mean pinindot iyong recently searched na naroon. Big Hit Labels. Napabuntong-hininga ako. Parang kelan lang ibighit ka pa ah?

Alas kuatro y media nang makarating kami sa bahay. Iisang village lang kami ni insan at madalas sya rito muna bago umuwing tuluyan sa kanila.

Dali-dali akong umakyat pagkatapos humalik kina mommy at daddy na nadatnan ko sa sala pagkarating namin. Nang makapasok sa room kong puno halos ng litrato ng Bangtan, nagbihis na ako ng pambahay at kaagad binuksan ang laptop na nasa study table ko. Pati na rin ang flat screen tv ko rito ay ni-connect ko sa wifi namin at isang extra ko pang cellphone. Hiningi ko nga rin iyong lumang cellphone ni mommy para lang magamit ko ngayon. Binuksan ko na rin ang computer sa harap ko. Bali isang tv, isang laptop, computer, at tatlong cellphone ang gamit ko ngayon. -,- Ni-connect ko na rin ang cellphone kong malapit ng ma-lowbat sa power bank. This is it pancit!! Borahae is in the air! Can y'all feel me? Orayt! Prepare your wigs, armeries!! We're gonna crash YouTube today! Huwag lang mang-delete ng views kasi ah nakakagago e! -_-

4:50pm

Argh! Antagal. Nakaka-kaba naman! Anong pasabog na naman kaya ngayon ni Manong Big Hit? Naku naku!

4:52

Ba't ang bagal naman yata ng oras kapag nagmamadali o excited ka? Sus! Kung pwede ko lang paikutin iyang kamay ng orasan at tinapat sa tamang oras, ginawa ko na.

Once A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon