Chapter 1

65 18 0
                                    

Ticket Selling

Nagising ako isang araw dahil sa malakas na sigaw. Darn! Ano yun?!

“Sabing gising na! Tanghali na uy!!”

“Insan naman! Ang aga pa e!” sabay talukbong ko ng kumot

Agang-aga e, nambubulabog!

“Anong maaga pa? It's 10am na hoy!” aniya at hinila ang kumot na nakatalukbong sakin

“It's still A.M! Haisssttt..” unan naman this time ang kinuha ko at tinakip sa mukha

“Your freaking BTS is waiting for you sa sala!”

Argh! What kind of a frigging joke is that? Argh!

“Shut it! I won't buy it!”

Mas lalo ko pang binaon ang sarili sa comfortable kong higaan. Bahala sya riyan.

“Naku naman! Akala ko madadala ka na sa sinabi kong iyon, e! You're damn crazy fangirling over them!”

Umismid ako at bumangon na lang. Paano pa akong makakatulog ulit nito? -,- And cyst! Sino namang maniniwala dun? Haleeerrr! That's hella hell impossible! Sa lahat ng imposible, iyon ang pinaka-imposible.

Kumuha ako ng damit sa closet at pumasok na ng banyo para maligo.

“Finally!” ani Kaye ng nakahalukipkip at nakatingin sa'kin

Napailing na lang ako bago sinirado ng tuluyan ang pintuan ng banyo. Hindi pa ako nasanay diba? Apat sa isang linggo yan kung istorbohin ang tulog ko. Natutuwa sya kapag naiinis ako. Baliw lang amputek!

Tumambay lang kami buong umaga sa bahay. Nang mag-alas dos ay naisipan naming gumala ni insan. Nagpaalam ako kina mommy at ganoon rin si insan kina tita. Nagpahatid kami sa Luneta Park. Doon namin naisipang tumambay.

Nang makarating, umupo muna kami sa isa sa mga upuan roon para magpahinga saglit. May nakita kaming nagtitinda ng mangga kaya bumili kami. Ang sarap kaya nun.

“Summer ngayon. Anong plano nyo?” tanong ni Kaye habang kumakain nung mangga

“Hindi ko pa alam. Ang alam ko sa May pupunta kami ng Siargao, e. Kayo ba?”

Second half of March pa lang ngayon pero wala na kaming halos pasok sa school. Puro practice na lang ang ginagawa. Weekend rin ngayon kaya nakagala kami ng pinsan ko.

“Ang sabi ni daddy baka sabay na raw tayo doon. Pag-uusapan pa raw ng parents natin iyon.”

Magpinsan kami ni Kaye sa father's side. Tatlo silang magkakapatid, si daddy ko, daddy ni Kaye, at mommy ni Zach. Nasa abroad nga lang sina Zach, not sure pa kung makakauwi ngayong summer.

Once A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon