Chapter 6

38 16 0
                                    

Room

Tulala ako habang hawak sa kamay ko ang ticket. Bukas ng gabi na mangyayari ang concert. Kinakabahan ako na ewan.

I'm doing good the past days. Bumalik nga lang ako ng hospital nang may pumasok na alala sa isip ko about doon sa nangyaring aksidente. Patawid na ako nun ng biglang may humarurot na sasakyan papunta mismo sa'kin. Hanggang doon lang ang naaalala ko dahil kumirot ang ulo ko at nahimatay pa. Buti nga at nandoon kami sa sala lahat, nanunuod ng movie na may accident scene kaya siguro na-trigger yung memorya ko. Maayos naman na ako pagkatapos nun. Bukod doon ay wala na so I'm good.

Napatalon ako nang tumawag si daddy.

“Hello there, daddy.”

Ako lang ang narito ngayon kasi umuwi si Kaye. Nandyan naman si Manang Marj na nagbabantay sa'kin sakaling kumirot na naman ang ulo ko.

“Bless, wala ka bang ginagawa riyan?”

“Wala naman po. Bakit?”

Nandito lang naman ako sa sala, kumakain ng pizza.

“Nasa isang hotel kasi ang tita mo at si Zach, pwede mo ba silang sunduin? Magpasama ka na lang kay Kaye.”

Nanlaki ang mata ko sa narinig. They are here? Oh my God! I'm excited to see them!

“Really, dad?” bakas sa boses ko ang tuwa.

Narinig ko pa ang tawa ng dad ko sa kabilang linya nang marinig ang excited na boses ko.

“Really. I'll text you the address and the hotel name and number. Pahatid ka na lang kay Manong. Take care, baby.”

“Yes, dad. I love you.”

“Love you too. Hang up na ako, may meeting ako. Ingat.”

Tinapos ko na ang tawag at kaagad na tumalima. Umakyat ako sa room ko, naligo at nag-ayos. Sinuot ko iyong sling bag at bumaba sa sala bago tinawagan si Kaye.

Pinsan!” bungad ko kaagad nang sagutin nya ang tawag ko.

“Oh! Ba't parang ang saya mo?” aniya sa kabilang linya

Sinabi na ba ni tito sayo? O ng mommy mo?”

“Na what?”

Tita Sherie and Zach are here!!” excited kong sabi

Tumahimik saglit sa kabilang linya. “Oh My God! Hindi nga? Ay teka wait, kaka-text lang ni daddy,” tumahimik ulit, “at confirm!”

Natawa ako sa reaksyon nyang halata masyado sa boses nya.

“Yep, Kaye. Nasa isang hotel raw sila ngayon at tayo raw ang susundo!”

“Really? Oh my God talaga! Babatukan ko mamaya iyang si Zach kapag nakita na natin sya. Lokong iyon hindi man lang nag-DM!”

Once A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon