Chapter 10

45 15 0
                                    

Last chapter

(◔‿◔)

I Purple You

Nakangiti ko silang tinignan habang kumakaway sa fans. I'm home. Just listening to them and looking at them feel like home. Yea, I really am home.

Natapos ang concert na puro hiyawan, fanchants, may halong iyak. Lahat. Halo-halo ang naramdaman. Tinext ko si kuya pagkalabas ng venue.

“How's the concert?” tanong ni kuya habang bumabyahe na kami pauwi.

“Super fine, kuya!”

Tapos kinwento ko sa kanya ang nangyari sa concert. Nakikinig lang sya at hinahayaan akong mag-kwento.

Bumagal ang takbo ng kotse at nakita ko ring kumunot ang noo ni kuya habang nakatingin sa harap. Bumaling ako paharap at kita ng dalawang mata ko kung paanong nasagaan ang matandang lalaki ng isang humarurot na van. Nanlaki ang mata ko.

Aray..” reklamo ko sabay hawak sa ulo kong kumirot.

“Hey, anong nangyayari?”

Kuya, ang sakit..” iyon na lang nasabi ko habang iniinda ang kirot ng aking ulo.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid dahil biglang may scene na nag-play sa isipan ko. Nakapikit na ako sa sakit.

I was in Kuya Jai's office when I decided to buy us food outside the building. I was about to cross the road when a car suddenly beeped and there, it hit me.

Blurred na ang tingin ko sa paligid. Hindi ko alam kung ano na ang naging ekspresyon ko. Sasandal pa sana ako nang bigla na lang umikot ang paningin ko.

I don't know what happened because when I opened my eyes, nasa hospital bed na ako. Maingay ang paligid ko. Naalala ko ang nangyari pauwi galing concert. Naalala ko na!

Luminga ako sa paligid nang marinig ang pagbukas ng pinto. Pumasok ang doctor na sya ring tumingin sa'kin noong nakaraan. Ngayon ko lang napansing nandito si Kuya Jai, Kaye at Zach.

Bumaling ako sa doctor nang lumapit sya sa'kin. Ngumiti ako, “Doc, I remember everything now.”

“Good, then. Let me check you.” aniya ng nakangiti rin.

Binalingan ko si kuya at ang dalawang pinsan at nginitian rin sila. Masaya lang ako. Kasi sa wakas, naalala ko na rin ang nawalang parte ng memorya ko. I'm really glad! Heck I can even run around the hospital's premises! Lalo na't naalala ko na rin kung paano akong naging fangirl ng BTS! Yes!

May mga tinanong ang doctor sa akin at masaya ko iyong sinagot lahat.

Pahinga ka muna.” iyon ang huling narinig ko kay Doc bago sya lumabas ng room.

“Where's mom and dad?” tanong ko kay Kuya Jai nang lumapit sa'kin.

Pinauwi ko muna para makapagpahinga sila. Sila ang nagbantay sayo rito magdamag.” tugon ni kuya atsaka umupo sa kama ko.

Ilang araw ako rito?”

“Wala pang isang araw. Kagabi ka sinugod ni Kuya Jai rito.” sagot ni Kaye at kumagat sa mansanas na kinuha sa basket na nasa lamesa.

Once A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon