Went Black
Natutulog ako nang may maramdaman akong kiliti sa tainga ko. Binalewala ko iyon at natulog pa, pero mas lalo ata iyong kiliti kaya dinilat ko na ang mga mata ko.
“Watda!”
Napabalikwas ako ng bangon at nahulog pa sa kama! Argh! Eh naman kasi! Pagkadilat ko ay mukha ni kuya at insan kaagad ang bumungad sa akin. Parehong nakangisi pa!
“Aray ko po..”
Ang sakit ng pwet ko ah! Walanghiya itong dalawang ito! Masama na ang tingin ko sa kanilang dalawa nang ibaling ko ang tingin ko sa kanila.
Si insan tumawa na talaga samantalang si kuya nakangisi. -.- Ang aga nilang mambulabog ah. -,- May hawak pang ballpen na may feather sa dulo. Ballpen ko pa talaga ginamit nilang pangkiliti sa'kin. -_-
“Mag-ayos ka na, Shaye. Isasama kita sa opisina. May kukunin ako roon.” ani kuya habang tinutulungan akong tumayo
“Bakit isasama pa ako, kuya! Pwede namang ikaw na lang, e.”
“Nope. Sasama ka. Dali na!”
Aba't walaghiya tinulak pa ako papasok ng banyo. Bigwasan ko 'to, e! Wala na akong nagawa since nasa loob naman na ako ng banyo. Buti na lang at may tuwalya ako rito. Naligo ako atsaka lumabas ng naka-tuwalya lang. Haleer! Tinapon lang ako ni kuya sa cr!
Pagkalabas ko ay kaagad kong nakita si Kaye na nakahiga sa kama ko at hawak ang kanyang cellphone. Nag-ayos na rin siguro si kuya. Nagbihis na ako at sinuklay ang mejo basa ko pang buhok. Ni-blowdry ko na.
“Sasama ka, insan?” tanong ko na kase naka-pambahay lang sya
“Nope. Dito lang ako sa kwarto mo, ah.”
Ginawang tambayan pa itong room ko. -.-
“Peram na rin ng laptop mo, hehe. Madami kang Kdramas doon, diba?”
Tumango lang ako at nagpatuloy sa pag-aayos. Pagkatapos ay kinuha na ang maliit na bag ko para paglagyan ng cellphone ko.
“Labas na ako, ah. Dito ka lang talaga?” tanong ko pa ng isang beses
“Uh-huh. Mas gusto kong manuod, e.”
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na. Nadatnan ko si kuya sa sala na naghihintay sa'kin.
“Let's go, kuya.” aya ko kay Kuya na tumayo na
Sasakyan nya ang gagamitin namin. Sumakay na ako at ganoon din sya.

BINABASA MO ANG
Once A Fangirl
FanfictionA story of a fangirl who ʟᴏsᴛ a special part of her memory-her being a fangirl to her idols, yet still ғᴏᴜɴᴅ them in her heart. Because Once A Fangirl.. will always be a Fangirl.