Chapter 7

37 14 0
                                    

BTS

“I called your numbers but you weren't answering.”

Ngumiwi kami ni Kaye sa reklamo ni Zach nang makapasok. Sa sobrang excited namin kanina, hindi na namin ni-check ang phones namin.

Palipat-lipat ang tingin ni Zach sa aming dalawa ni Kaye, naghihintay ng aming sasabihin. Kaye tsked while I just shrugged.

“Kaye? Bless? Oh my!”

Lumagpas ang tingin ko kay Zach.

Tita!” sabay ulit kami ni Kaye

Niyakap namin sya at nagmano. Akala mo sampung taong hindi nagkita e, samantalang doon kami noong Christmas sa kanila.

“How are you, tita?” tanong ni Kaye nang makaupo na kami.

“Fine. Zach's dad will be here next week. So, how are you both? Bless?”

“We're fine po. And I think I'm doing fine, may kaonting detalye lang pong hindi ko maalala. Pero ayos na po ako.” ngiti ko.

“And how come you didn't tell us, Zach?” nakataas ang kilay ni Kaye na tinanong si Zach

“Surprise?” ani Zach, mejo sarcastic.

“Oh, hindi nya sinabi sa inyo?” si tita na tinignan kami bago ang anak.

Nandito na tayo, mom.” he groaned

Ngumiwi ako sa pinsan ko. Silly.

Napatitig ako kay Zach. Ang laki ng pinagbago nya. Mas lalo syang tumangkad. Mas lalong nadepina ang katawan nya at lalo ang kakisigan nya. He matured. A lot.

Sa school na pinapasukan namin ni Kaye nag-aral ng High School si Zach. Ang sabi nya dati, dito sa Pinas pa rin naman daw sya mag-aaral ng College. Pero ewan ko ba sa abnoy na yan kung bakit nagbago ang isip at doon nag-enrol for College sa LA, California. Ayos naman kay Tita Sherie at Tito Jack kung saan nya gustong mag-aral. Suportado naman. Palibhasa nag-iisang anak kaya pinagbibigyan. Spoiled ang gago.

May isa akong naiisip na dahilan kung bakit nagbago ang isip nito e. Minsan na syang may ipinakilalang babae sa magulang nya. Timing yun at nandoon ako sa kanila nun. Nerd na babae yung dinala nya sa bahay nila. Sa unang tingin masasabi mo talagang medyo alam nyo na.. typical nerd na jologs. Pero ang isang yun kung tititigan mo ng mabuti, masasabi mo talagang maganda. Kulang lang sa ayos at konting makeover. Pero kahit hindi mo ayusan ng bongga yun, tanggalin lang ang salamin at konting haircut lang, litaw ang kagandahan nun. Nasabi ko ngang sa pagiging gago nitong pinsan ko, may pumatol rito at nerd pa ha. Sa pagiging gago nito, doon pa sya sa nerd at mahinhin nagkagusto. I knew that was not just a simple like. That was more than that. With the way he looked at that girl, alam ko.

I wonder kung kamusta na kaya sila ngayon? Siguro hindi sila nag-work. Kasi kung sila man ay hindi aalis itong si Zach ng bansa. Knowing him, for sure he'd stay.

Nag-angat sya ng tingin sa'kin nang maramdaman ang titig ko. Inirapan nya 'ko. Halos irapan ko rin sya.

I grinned, What happened, cousin?

Tumayo ako at tumabi sa kanya, “So what's the tea, Zach?”  bulong ko sa kanya habang busy si tita at Kaye na nag-uusap.

Tinaasan nya ako ng kilay, “What?”

“What happened to you and that girl?”

“We are not going to talk about her.” inis na aniya

I haven't mentioned a name, but he knows who's 'her'. That's the tea right there. Hindi ko na inusisa. Kusang lumalapit yan kapag gusto nyang pag-usapan o hihingi ng advice.

“Hey, I ordered pizza. Kayo na ang bahala. Ligo lang ako.” aniya at pumasok na sa isang kwarto.

NAG-UUSAP kaming tatlo sa sala habang inaayos ni tita ang gamit sa bagahe nya nang may nag-doorbell.

“Ako na po, tita.” nag-volunteer na ako. Inabot sa'kin ni tita ang pera atsaka ko binuksan ang pinto.

Binayaran ko na at inabot ang isang box ng pizza. Papasok na sana ako nang bumukas ang kabilang pinto. Nabaling roon ang tingin ko.

Two guys went outside of the room and they were talking korean. Napatitig ako doon sa dalawa. I know them. I became a fan since I got curious about them. It's RM and Jin right in front of my eyes!

Naramdaman siguro nilang nakatingin ako kaya nag-angat sila ng tingin sa'kin. I gulped.

“Hi.” RM smiled, damn his dimples are showing!

“Hello.” ngiting bati rin ni Jin.

God! Are they for real? They're more handsome in person!

“Uh-uhm.. H-hi. Sorry. D-did I disturb you?”

May hawak kasi silang maliit na cardboard. May nakasulat doon at siguro'y iyon ang pinag-usapan nila kanina bago ako nakita.

“Oh, no no. We're just discussing and practicing some tagalog words for tomorrow night's concert.” ani RM sabay pakita nung maliit na cardboard na hawak nya. Tagalog na mga salita ang nakasulat roon.

“I'm Bless. Nice to see you in person.”  I blushed.

“Hi Bless. Nice name and nice to meet you.” ani Jin

“You're staying in that room?” tanong ni RM at tinuro ang kwartong nasa likod ko.

“No, I'm just fetching my cousin.”

Hinigpitan ko ang kapit sa box ng pizza. Kinakabahan ako kaya parang bitin lahat ng sinasabi ko. Ewan parang nanlalamig ako habang nakikipag-usap sa kanila. It felt so surreal.

“I'm sorry. I have a concert ticket here but.. I don't know much about the upcoming concert. Or what to do. If only I haven't lost some of my memories.”

Geez. Parang gusto kong tumakbo nang ma-realize ang sinabi ko. Did I talk too much?!

“You, what?”

Nakagat ko ang sariling labi. Nagpaalam na lang dapat ako.

“Bless, ang tagal mo nam— oh shxx

Sabay naming nilingon si Kaye na kakalabas lang ng pinto.

“Sorry. Hihi.” aniya bago lumapit sa akin, “Ako na nito, Bless. Tuloy nyo na lang convo nyo.” at kinuha ang box ng pizza sa kamay ko at diretsong pumasok sa loob.

“Sorry. It's my cousin.”

“It's fine. So back to what you were saying.. you lost your memories?”

Sasagot na sana ako nang may nakita kaming naglalakad sa hallway.

“How about we talk inside? We wanna know your story. Is it fine though?”

Bahagya kong nakagat ang ibabang labi ko bago ako tumango. Binuksan ni Jin ang pinto at iminuwestra ang kamay, pinapapasok ako. Pumasok ako roon kasunod sila bago pa makalapit sa banda namin yung mga naglalakad na mga teenagers.

I froze. Pagkapasok ko ng pinto, bumungad sa'kin ang mga natigilan ring mga lalaki nang makita ako. Even some of the staffs are here. Also, their managers. I blinked.

Kinausap sila ni RM sa salitang korean. Pangalan ko lang ang naintindihan ko. Nakita kung tumango ang iba sa sinabi nya bago ako binalingan.

God! You blessed them too much with their beauty! And you blessed me too much with this kind of view!

Oh God! It's BTS in front of me!

Once A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon