Chapter 4

41 17 0
                                    

Who

Saturday came. At gaya ng sinabi ng doctor ay pwede na raw akong lumabas. Isang linggo rin akong nanatili sa hospital. Si mommy at daddy ang nag-asikaso sa hospital bill at kung ano pang pipirmahan roon, samantalang kaming tatlo ay dumiretso na sa sasakyan.

Bumisita rin ang mga magulang ni Kaye sa hospital. Kinumusta ako. Hindi rin naman nagtagal kasi may mga trabaho pa.

Nang makasakay na ang parents ko sa sasakyan ay diretso na kaagad kami papuntang bahay. May pinag-uusapan silang topic na hindi ako relate kaya nanahimik na lang ako. Nang makarating ay kaagad akong inalalayan ni mommy at Kaye pababa ng sasakyan. Inayos naman ni daddy ang pag-park ng sasakyan sa garahe nang makababa kami. Si kuya naman ang nagdala ng mga gamit ko.

“Slowly, insan.” ani Kaye habang nakaalalay sa akin.

Ngumiwi ako. I lost some of my memories alright, pero hindi naman ako baldado. I can walk, you know. Hindi na lang ako umangal at tumuloy na sa loob ng bahay.

Hinatid nila ako sa kwarto ko. Napatitig pa ako sa pinto ng room ko. May nakalagay kasing “Once you JimIN, you can't JimOUT”. Nang buksan ni Kaye ang kwarto ko ay natigilan ako at tumunganga ako sa nakita. What happened to my room? Sa huling naaalala ko ay paintings at picture frames lang ang mayroon sa pader ng kwarto ko. Ngayon, puno na ng mukha ng mga lalaking hindi ko kilala.

Dahan-dahan akong pumasok habang inililibot ang tingin sa buong kwarto. Nakita ko rin ang cabinet kong puno ng albums ba yun?

“Magpahinga ka na, Bless. Gigisingin ka na lang namin mamaya.”

Lumingon ako kay mommy na nilalapag ang isang bag na puro gamit ko.

“Okay po. Magbibihis lang po ako.”

Nang makaalis na sila ay nagbihis na ako. Pagkabukas ko naman sa closet ko ay may mga t-shirts roong hindi ko matandaan kung binili ko ba o bigay sa'kin. Kadalasan ay may mga tatak ng tingin ko ay logo. Iisang logo lang ang mga iyon, iba-iba lang ang kulay ng t-shirt. Mayroon ding printed shirts ng mga characters. Hindi ko alam kong sikat na cartoons ba iyon sa Disney o ano.

Matapos magbihis ay kaagad na akong humiga sa kama kong may mga stuff toys. Kinuha ko ang isang kulay pula at blue. Heart shape ang ulo nito na kulay pula at yellow naman ang kulay ng labi tapos ang katawan ay blue na may dots na yellow. Anong tawag ba dito? Nilingon ko yung isang kulay pink. Para syang rabbit na nakataas ang isang kilay. Nagbuntong hininga ako nang makitang mayroon pang anim na katabi noong pink na rabbit. Mayroong cookie, tuta, alpaca, robot, koala at pony? Am I right, though? Ito rin yung nasa t-shirts ko sa closet. Bagong characters? Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Kisame ko na isang Milky Way Galaxy. Sa tingin ko pa'y glow in the dark ang mga nakadikit doon na mga bituin o kung ano-ano pang nasa galaxy.

“Baby, wake up. Let's eat.”

Nagising ako sa isang haplos sa buhok ko. Nang magdilat ako ng mga mata ay naaninaw ko si mommy. Dahan-dahan akong bumangon habang kinukusot ang mata. Nakita ko ang nakangiting mukha ng mommy ko.

“Bumaba na tayo, kakain na.” aniya at inalalayan akong tumayo.

Sabay kaming bumaba ni mommy at pumasok sa dining area. Nandoon na si daddy at kuya. Wala ang pinsan ko.

“Si Kaye po?”

“Umuwi na muna. May lakad ang magulang nya kaya sya na muna ang maiiwan sa bahay nila.” tugon ni kuya.

Nagsimula na kaming apat kumain.

“Kamusta? Kumikirot pa rin ba ang ulo mo?” tanong ni daddy

“Kanina po pagpasok ko ng kwarto. Yun lang naman po at hindi na naulit.”

“Sabihin mo sa'min kapag may nararamdaman ka ha.”

Tumango ako kay daddy at uminom ng tubig. May mga tanong lang sila tungkol sa kalagayan ko at sinagot ko naman silang tatlo.

Nang matapos kumain ay binigay sa akin ni mommy ang gamot na iinumin ko, reseta ng doctor sa'kin. Ininom ko iyon at nagpaalam ng umakyat sa kwarto ko.

Naninibago talaga ako sa ayos ng room ko. Kahit saang sulok ako lumingon ay may nakikita akong hindi ko naman matandaang nilagay ko dati dito.

Lumapit ako sa cabinet ko at tinignan ang mga naroon. Personalized itong cabinet ko na sa pagkakaalala ko ay walang halos nakalagay rito. Ngayon ay puno na ito at walang halos bakante.

Kinuha ko ang isang ah ano ba 'to? Curious kong tinignan ang kinuhang bagay. Hindi ko alam kung ano. Nang may nakita akong karton katabi ng pinagkuhaan ko nun ay kinuha ko rin at binasa. So it's a lightstick, huh. Army Bomb. Hindi ko alam kung paano pailawin kaya binalik ko na lang sa pinaglagyan. Sunod kong kinuha ay isang photo book. Every page of it is full of I think Koreans. May mga pangalang nakasulat. Kim Namjoon, Kim Seokjin, Min Yoongi, Jung Hoseok, Park Jimin, Kim Taehyung, Jeon Jungkook. The next page is a group photo and below it is their group name BTS. So BTS is a kpop group consists of seven members. Parang pare-pareho lang naman ng mukha ang mga 'to.

Binalik ko yun at kumuha ng isang tingin ko ay album. LY. Yun ang label na nakadikit sa kabinet. Anong meaning ng LY? Dahan-dahan kong binuksan ang isa at doon nakita ko ang pangalan ng album. Love Yourself. So LY is Love Yourself. Hmm.. May mga nakaipit pang photo cards.

Kinuha ko ang bala at nilagay sa isang cd player na naroon sa ibaba lang ng tv ko. Basta na lang akong nag-click doon. Nang tignan ko ang title ng nag-play na kanta ay Answer: Love Myself. Intro pa lang nung kanta ay tumayo na ang balahibo ko sa braso. Bakit kaya?

Hindi ko sya maintindihan kase Korean pero pinakinggan ko pa rin ng mabuti. Napaka-familiar sa'kin ng kantang ito. Para bang ilang beses ko na itong narinig. Naramdaman kong kumirot ang ulo ko kaya winala ko ang pag-iisip ko doon.

Nilapitan ko naman ang isang coffee table kung saan nakita ko iyong nakasabit na mga litrato. Nakaipit isa-isa sa isang christmas light.

“You've shown me
   I have reasons
  I should love myself
(I'm learning how to love myself)”

Tinitigan ko ang pictures na naroon. Napangiti ako. Ang kulit nila sa mga litratong ito. Tinitignan ko isa-isa ang mga yun habang nagpi-play pa rin yung kanta. I tilted my head. Who is who?

Once A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon