Chapter 9

38 15 0
                                    

Concert

I don't know but I'm kinda nervous. Mamayang gabi na mangyayari ang concert. Hawak ko sa kanang kamay ko ang ticket.

“Nervous, huh?”

Nilingon ko si Kaye na kumakain ng cake sa sofa. Nasa sala kaming dalawa. May trabaho ang parents ko pati si Kuya Jai.

Speaking of Kuya Jai. I don't know why he's working his ass off lately. I mean, that much? It's like he's making his self busy just not to think much. I really don't know. He's a bit off too. May problema, panigurado. Hindi ko naman masasabing problema sa babae yun kasi wala naman talaga syang babae? Ewan. Wala rin namang problem rito sa bahay. Hmmm.

“Kind of.” bumaba ang tingin ko sa ticket. Nagbuntong hininga ako bago ko iyon binalik sa sling bag ko. Namamawis ang kamay ko kahit aircon naman.

Lumapit ako kay Kaye at kumain na rin sa cake nya.

“Hey! Kumuha ka ng sayo!”

Damot nito.

“What's up?”

Sabay kaming napalingon sa kakapasok lang na Zach. Fresh from bath ang gago. Bihis na bihis pa. Tumaas ang kilay ko.

“Saan ang lakad natin, pinsan?”

“Mall. Let's go. Samahan nyo 'ko. May inutos lang si mommy.”

Kelangan bihis na bihis? Lumingon ako kay Kaye nang humalikipkip sya. Taas ang kilay na nakatingin kay Zach sa harap namin.

“May inutos? Talaga? Bihis na bihis, ah?” she then smirked.

Ngumiwi si Zach. May date kaya 'to?

“May ka-date ka siguro, ano?”

“Seriously, Bless? Wala. Bilis na nga.”

Sabay kaming tumayo ni Kaye. “Tara!”

Tinignan ko ang oras sa relo na suot ko. It's 2 o'clock in the afternoon.

“Ng ganyan ang suot nyo? How disappointing. Tsk tsk.”

“OA ka. Nagpapasama ka na nga lang, ang dami pang reklamo. Tara!”

Maayos naman ang suot namin ah. -.-

Hinigit ni Kaye kaming dalawa ni Zach palabas ng bahay. Aangal pa ba ako?

“Okay pa yang sasakyan mo?” tanong ko kay Zach nang makalapit. Iyong lumang sasakyan nya ang gagamitin namin.

“Yup. Pinaalagan ko sa kuya mo.” ngisi nya.

Hindi naman masyadong traffic kaya nakarating din kami kaagad sa mall. Medyo malapit lang din sa village.

Ano bang pinapabili ni tita?” tanong ni Kaye nang makapasok kami sa supermarket section.

Once A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon