000

39 5 1
                                    

Flora Series #1: Mary's Song

Prologue


"Thank you so much Araneta! See you next time!"



This life is a dream.



It didn't feel real at all but I'm living in it. Dumadagungdong ang hiyaw ng mga tao kahit wala na ako sa stage. Halatang nag enjoy sa concert.



Naamaze parin ako hanggang ngayon. Pangatlong major concert ko na at hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako, sa harap ng maraming tao at alam na alam nila ang mga salita sa mga kantang isinulat ko. Parang kahapon lang na sinusubukan kong mag audition sa kung ano-anong singing contest na pwedeng salihan. Wala pa akong napapatunayan sa lahat at wala pang nakakakilala sa akin noon.



It was a hard road to take but it was all worth it.



Niyakap ko lahat ng taong nadadaanan ko, pinapasalamatan sila sa effort nila para maging sucessful ang concert ngayong gabi. It's not all me; without them, the show wouldn't be possible.



Kakakalas ko lamang ng yakap ko sa producer namin nang natanaw ko na ang tumatakbo pa tungo sa amin. Bago ko napansin ay naramdaman ko na ang yakap niyang muntik akong mawalan ng balanse.



"Congrats Miss Sophie!" tumalon talon si Fina, aking assistant habang yakap ako. Hyper talaga itong si Fina kaya kung malungkot ako ay kayang kaya akong pasiyahin at libangin ni Fina. Tumawa ako at niyakap siya pabalik.



"Thank you baby!" I replied with the same enthusiasm she gave me. I let go of the hug and we both smiled at each other.



Maingay ang backstage ngayon na punong puno ng staff at production team. It was indeed a great event and we were informed before the show that na sold out namin yung venue.



"A job well done to us guys! Thank you so much for the hard work and the effort na binigay n'yo sa show na ito. This show is nothing without you guys kaya malaki ang pasasalamat ko each and every single person in this room. Kaya thank you!" I was given a time to speak when the noise died down earlier. Nakahuddle kami lahat; si ate Kelly, ang manager ko sa kaliwa at si Peter and nasa kanan. Isa sa mga dancer.



"Balato! Balato!" Sigaw ng mga dancer na sinabayan ng lahat. Sumabay din ako sa kanila na ikinatawa naming lahat.



"Okay lang bar tayo ngayong gabi?"



Lalong humiyaw ang lahat nang sinabi ko 'yun.


Mary's Song (Flora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon