CHAPTER FIFTEEN:

43 2 0
                                    

(Kindly watch the multimedia)

Natatawa talaga ako noong sinabi ni Cyril na: "I think I like you." Sino ba naman kasing hindi matatawa n'on? Kahit kailan, baliw talaga si Cyril. Tingin ko, halos limang minuto ako kakatawa sa sinabi niya. Napahawak pa 'ko sa tiyan ko habang iling nang iling habang tumatawa. Gano'n lang ang ginawa ko. Nang mahimasmasan na ako, nakatitig lang siya sa 'kin nang seryoso. Hindi ko kasi alam ang ire-react ko sa sinabi niya.

"Grabe, Cy" sabi ko sakaniya habang nagpipigil ng tawa. Pinunasan ko pa 'yong mga luha na nasa gilid ng mga mata ko dahil sa katatawa. "Ang sakit sa tiyan ng sinabi mo."

"Nakakatawa ba 'yon?" kunot-noo niyang tanong. Sino ba namang hindi tatawa sa mga sinabi niya? Grabe ka talaga, Cyril. 'Di ako maka-get over sa sinabi niya.

"Malamng, oo! Ano ka ba, Cy. Grabe," napapailing na sabi ko sa kaniya. "Grabe ka, Cy. 'Di ko alam kung kailan last akong tumawa nang gan'to. Kaya thank you, Cy." Nang matapos na kami kumain, tiningnan ko wristwatch ko—gabi na pala, 'di ko napansin. "Tara na, gabi na." Sa pagtayo ko, bigla akong nahilo. "Okay ka lang?" tanong niya sa 'kin. Tumango lang ako sa kaniya. Kita ko ang pag-aalala niya sa 'kin. Kinuha ko 'yong bag ko saka bago umalis. Nasa parking lot na kami at siya na ang pinag-drive ko.

***

Lumipas ang ilang linggo, may pasok na naman. Buong araw, nakinig lang ako sa mga prof ko. Wala namang special na mga event at saka malapit na 'yong finals namin. Parang nakaraan lang, midterm lang 'tapos ngayon, finals na. Laging bilin ng prof namin na ipasa na 'yong ipasa kasi finals na.

Malapit na graduation nila Cy. I'm happy for him. Sana maka-graduate dahil alam ko sa sarili ko makaka-graduate naman siya; ang talino ni Cy, eh. Next month, second semester na. Kaya ko 'to—kaunti na lang. "Mabuti na lang, nakilala natin si Cy, 'no? Natutulungan niya tayo sa acads natin," sabi ni Ivy. Nginitian ko lang siya.

"Gorl, napakasuwerte ng magiging girlfriend ni Cy. Biruin mo ha, hindi lang siya matalino, masipag pa. Siguro, kaya niya naman pagsabayin 'yon, 'no? Sa tingin mo? Parang isang package na si Cyril. Grabe, gorl. Kung ikaw 'yon, may boyfriend ka na nang matalino, may boyfriend ka pang alam mong aalagaan ka kasi tingnan mo kung paano niya alagaan kapatid niya at mga kaibigan niya," sabi pa ni Ivy.

Kasama namin si Shan, nagkukwentuhan lang sila habang kami, nasa elevator. Heto ako, nakangiti at nai-imagine ko na once na maging kami ni Cyril. Hindi sa pagyayabang, alam ko kasing may gusto siya sa 'kin. Eh, may gusto din naman ako sa kaniya, pero nahihiya ako. Ewan ko ba, pabebe muna ako. Kung maging boyfriend ko man siya, alam kong nasa tamang tao na ako. 'Yong alam kong mamahalin ako at aalagaan ako nang buong-buo. Ngayon pa lang nga, nararamdaman ko na kahit hindi pa kami. Kaya gano'n din ang gagawin ko sa kaniya kung sakali. Hindi naman siguro masamang maging masaya, 'no? Siguro, panahon na para naman maranasan kong maging masaya naman.

Naghiwa-hiwalay na kaming tatlo. May kaniya-kaniya din kaming lakad dahil maaga naman natapos class namin. 'Tapos ako, dumeretso lang sa ground floor at as usual, naabutan ko si Cyril, may kausap na babae. May tinatanong ata kaya lumapit naman ako. Ngumiti ako papalapit sa kaniya.

Dalawang linggo na simula no'ng pinayagan ko siyang manligaw sa 'kin. Napakasaya ko tuwing kasama ko siya at ramdam na ramdam ko na mahal niya ako. Nakita ako ni Cyril kaya ngumiti siya sa akin at lumapit na ako sa kanila. He deserves my love. Pagkatapos nilang magusap ng babae, pumunta kami sa lounge at umupo. Nilabas ko 'yong latop ko saka naglagay ng earpods sa tainga ko at nag-soundtrip habang may ginagawa pa si Cyril sa mga requirement niya. Nakikinig ako ng kanta ni Alice Kristiansen na "Moon and Back."

Naalala ko 'yong behind of this song. Parang feel na feel ko na mas mahal niya ako kahit anuman ako. Ramdam na ramdam ko kagaya ng pinaparamdam ni Cyril sa 'kin ngayon. Pinaparamdam niya kung gaano ako kaimportante sa kaniya—halos pinapataba ata ako nito dahil panay pakain sa 'kin, eh.

Chasing My Dreams (Dream Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon