CHAPTER SEVENTEEN:

34 2 0
                                    

"Undas break, saan kayo magbakasyon niyan?"

Nandito kami sa condo ni Shan at kompleto kaming apat dahil nga katatapos lang ng class namin. Nagsama-sama kami para mag-bonding bago kami magwatak-watak sa undas break. Iba-iba kasi pupuntahan nila. Tahimik lang ako at nakikinig sa usapan nila. "Porke magse-Cebu 'yong isa d'yan, nanahimik," pagpaparinig ni Ivy sa akin. Inirapan ko lang nang tingnan nila akong lahat na parang may ginawang masama. Ako lang 'ata may love life ngayon. Sabagay, mga ghoster naman sila.

"Yabang mo naman, girl. Cebu 'agad ang mag-jowa! Sana all." Sarap pakinggan na jowa ko na si Cy. Ewan ko, kinikilig ako. Wala eh, maganda ako."Pupunta akong Japan. Makiki-halloween ako kina Mom," sabi ni Ave.

"Sana all. Ako, d'yan lang sa tabi-tabi," sagot naman ni Ivy. "Same. Ako, pagtitirik ko ng kandila 'yong puso ko," sagot naman ni Shan.

Nagtawanan lang kami sa sagot ni Shan. Kahit kailan talaga 'to. Noong kinagabihan na, nag-movie marathon lang kami ng random genre movies. Nang matapos na 'yong movie, umuwi na rin kami, kaso si Ivy, nagpaiwan doon kasi siya na raw ang magliligpit. Si Shan kasi, busy sa ginagawa niya.

Dumeretso ako sa unit ni Cy. Pagpasok ko sa elevator, excited akong makita si Cy. I already had duplicate key kaya walang katok-katok na at pumasok na ako kaagad. Nakita ko si Cy na nagne-Netflix lang. Hindi na siya nagulat sa pag pasok ko.

"Baby." Naglakad ako papalapit sa kaniya at yumakap sa kaniya habang nakaupo siya sa sofa. Inakbayan niya naman ako at hinalikan ako sa noo. He was watching Travellers. Tumabi lang ako sa kaniya. Ang dami kong nakain kina Shan. At saka 1 a.m. na, hinintay niya pa ako bago matulog. Naghikab na ako kaya napatingin siya sa akin.

"Hey, sleepy, let's sleep," pag-aaya niya sa akin habang inalis 'yong buhok na nakaharang sa mukha ko. Tumango lang ako at pinatay niya na 'yong TV. Tumayo na rin ako at dumeretso na sa higaan. Nag-CR lang siya saglit. Pagkalabas niya, tumabi na agad sa 'kin at pinatay na 'yong ilaw. I automatically cuddled and sniffed to his chest.

"How's your day?" tanong niya sa 'kin.

"It was fun. Buong araw lang siguro nagbangayan si Ivy at Shan 'tapos kami, puro kain lang ang ginawa. Inis na inis si Shan pag romance pinapanood namin kaya nililipat niya. Nakakatawa 'tapos nagbabangayan sila ulit ni Ivy. 'Pag 'yong dalawang 'yon, nagkatuluyan, naku." I giggled. Tumango lang siya at nakikinig sa mga kuwento ko. Ewan ko ba, simula nang naging kami, ang daldal ko na. Hindi naman ako gan'to—nahawaan ako ng kadaldalan ni Cy. Infuencer talaga, eh.

Kinabukasan, ginising lang ako ni Cy para mag-breakfast. "Hindi naman ata kulang 'yong damit na dinala ko," sabi ko.

***

Pagkagaling namin sa airport, sinundo kami—naka-package kasi 'yong hotel na tutuluyan namin. Eh, private beach 'ata 'to, eh. Luxury ba naman kasi ang gusto ng hinayupak na lalaking 'to. Napakaarte talaga, jusme. Nagkakape lang naman 'tong katabi kong si Cy. Hapon na nang makarating kami. Ang dala kong damit: bikini 'tapos croptop at shorts. Namili pa kami ni Cy sa mall at doon natulog sa condo niya para deretso na sa aiport. "That's enough. Let's just buy there if may kulang," Cy said while squeezing my hand. "Even if it really costs you a lot," sagot ko sa kaniya.

"I just want to give you everything that you need," sagot naman niya sa akin. "Yep, but it's not your money—it's your parents', so don't just waste it. Kapag may trabaho ka na at may sarili ka ng pera, doon mo gastusin 'yong mga gusto mo, okay?" sabi ko sa kaniya.

"Okay," he replied, and he rolled his eyes.

Nang makarating kami sa hotel, luxury na luxury talaga. Ako na ang nag-asikaso roon sa booking sa counter. Nang okay na, umakyat na kami sa suite. Siya ang may bitbit ng maleta ko. "Oh my! Ang laki!" sabi ko sa kaniya 'tapos hinampas-hampas ko siya sa sobrang tuwa ko. Duh, worth it naman ang binayad ko, 'no. Ang ganda pa.

Nang nilapag niya 'yong gamit namin, nilibot ko 'yong buong suite sa may private balcony. Ang ganda ng view doon— private beach siya at kung titingnan mo, kaunti lang ang tao. Malaki 'yong CR—may shower at may bathtub at hindi na magkahiwalay. Katabi ng malaking bed ang sala set 'tapos may flat screen pa. Pagkatapos namin mag-ayos ng gamit, lumabas kami para maglibot-libot. Nang makarating kami sa may resturant sa hotel,ang daming turista. Ang ganda rin naman kasi dito.

"So tomorrow, maaga tayo gumising para makapag-picture tayo para maganda 'yong tubig 'tapos 'yong sunrise. Pagkatapos n'on, lunch tayo sa hotel and tulog tayo saglit. 'Tapos labas tayo sa gabi," pagkukuwento niya.

"Oo, okay 'yon," I replied while we were eating.

"And then kinabukasan, mag-sea activities tayo dahil mukhang masaya 'yon, and next day, jacuzzi tayo. Basta lahat activity, 'no?" I nodded while chewing my food. "Hindi mo naman ako pinapansin, eh!" reklamo niya sa 'kin.

"I'm paying attention!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Tomorrow, we're going to wake up early to take pictures, and then night out. The next day, sea sport activity, and next would be other activity. What's next?" I said. "Next day is our last day, so we can stay in the hotel and buy souvenirs, and last, relax," suggest niya. Tinanguan ko lang siya. Pagkatapos namin kumain, nag-ikot-ikot lang kami.

Hinawakan niya 'yong kamay ko habang naglalakad kami. Napangiti ako habang naglalakad kami—ngayon ko lang naramdaman ulit 'yong ganitong feeling. He was just wearing yellow polo na bukas 'yong buttones and beach shorts. Ako naman, naka-maong na shorts lang ako na plain croptop and sandals. We discoverd na marami palang shop dito kaya hindi muna kami bumili until the last day.

Kinabukasan, maaga kaming nagising. Nag-breakfast lang muna kami sa hotel at nagbihis na ako ng bikini na kulay black, one piece siya at may cross sa dibdib—kurbang-kurba 'yong katawan ko at kitang-kita 'yong pusod ko dahil may butas doon. Nagsuot ako ng shades at necklace para maganda ako sa picture.

"Okay naman suot ko, 'di ba?" Lumabas ako sa banyo at nandoon siya sa may salamin nag-aayos

. Lumingon siya sa 'kin at nakangiti lang siya. "Yes, you look sexy," he said. Nagpalagay ako ng sunblock at nilagyan niya naman 'yong likod ko 'tapos nilagyan niya pa ang mukha ko. Gano'n din ginawa ko sa mukha niya—sayang din naman kasi ang puti-puti niya, dinaig pa ata 'yong papel sa sobrang puti niya, eh. Nagdala siya ng tripod dahil kaya naman niya raw mag-picture.

Wala eh, mahilig siya mag-picture.

"Dapat masaya tayo, dali!" pagpupumilit niya sa 'kin. "Ano ba? Parang tanga naman," reklamo ko sa kaniya."Sige na, kunwari in love na in love ka sa 'kin." Nginisihan ko lang siya.

"Ang corny!" sabi ko sa kaniya. Pinilit niya pa ako mag-pose ng kung ano-ano."Ako naman picture-an mo!" sabi niya sa akin 'tapos inabot 'yong camera.

"You look so hot," sabi ko sa kaniya.

"Ako lang to, 'yong mahal mo," sabi niya nang may nakalolokong ngiti. "Kahit buwisit ka, ba't ang guwapo mo?" Turo ko sa camera dahil atat na atat na siya mag-swimming. 'Di man lang ako hinintay. Sumunod na lang ako. He went closer to me and held my waist. Yumakap naman ako sa kaniya habang inayos niya 'yong buhok ko, and then he kissed my forehead. Lunch time na at ilang minuto bago kami bumalik sa hotel room. Nagsuot lang ako ng simpleng tube na kulay black.

"Type ka n'on, oh," sabi ko sa kaniya.

"Paki ko doon," sagot niya sa akin. "'Ayun oh, 'yong maganda," sabi ko sabay lingon niya naman kaya agad ko siyang binatukan at hinampas. 'Tapos tawa siya nang tawa kaya halatang pinagti-trip-an ako. "Lumingon pa talaga. Pag talaga magada eh, 'no?" inis na sabi ko. "I wanted to see your reaction," he chuckled. Nagkasundo kami na pagkauwi namin gawin 'yong schoolwork namin para naman ma-enjoy namin 'yong bakasyon.

"I'll buy food outside so we can chill here." Nakakatamad na kasi lumabas. Nagising ako at gabi na sa labas. Nakabalik na si Cy at nakita kong may kausap siya sa phone. "Yup, I already did my part. Why Mark is not answering?" sabi niya. Si Joaquin 'ata kausap niya. Nang maramdaman niya ang presensya ko, yumakap ako sa kaniya. Niyakap niya ako pabalik gamit ang isa niyang kamay.

Pagkatapos namin kumain, nanood muna kami ng TV. Nagkuwentuhan lang kami ng kung ano-ano. He cupped my face and leaned to kiss my lips. Nagulat ako sa ginawa niya. He gave me a soft kiss. He stared at my eyes for a couple of minutes before kissing my forehead.

"I love you, my love," he whispered.

Chasing My Dreams (Dream Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon