CHAPTER NINETEEN:

28 2 0
                                    

Maaga akong nagising dahil susunduin daw ako ni Cy ngayon. 8:00 a.m. kasi pasok ko ngayon, pero si Cy, mamayang 1 p.m. pa raw kaya maaga akong nag-aasikaso. Ilang minuto pa lang, dumating na si Cyril.

"Baby, I'm here!" sigaw niya mula sa sala.

Lumabas na ako ng kuwarto at nakita ko siyang nakangiti at agad akong niyakap. "Good morning, baby," bungad niya sa 'kin. Nakayakap lang siya sa 'kin. "Ang aga aga, Cyril, napaka-clingy," sabi ko sa kaniya. Agad niya naman akong sinimangutan at pinisil 'yong pisngi niya at hinalikan sa labi. "Let's go, mala-late na ako," sabi ko sa kaniya. Agad na kaming umalis sa unit ko at hinatid ako sa school. Pagkarating namin sa school, akala ko, aalis na siya

. "Love! Wait mo 'ko ah, sabay tayong uuwi mamaya," sabi niya at tumango lang ako sa kaniya. Pagkapasok ko, mabuti ay wala pa si prof. Nakita ko si Ivy ma nakikipag-usap na naman sa iba. Agad ko siyang hinampas.

"F*ck!" inis na sabi niya.

"Nakapag-review ka na?" tanong ko sa kaniya. "Hindi pa, pakopya na lang," sabi niya sa 'kin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Aba, abuso ka naman! Mag-review ka!" sabi ko sa kaniya bago ako umupo. Nang dumating na 'yong prof namin, nagsimula na 'yong quiz at si Ivy, kopya lang nang kopya kaya gusto ko nang sabunutan.Pagkatapos ng class namin, nauna nang lumabas si Ivy at hindi ko alam kung saan siya pupunta. Inayos ko lang ang gamit ko at lumabas ng room.

"What the heck!" sigaw ko dahil sa pagkagulat ko. Nasa pintuan kasi si Cy, naghihintay. Nagulat ako sa biglaang sulpot niya."Sorry, babe," sabi niya habang tumatawa.

Sabay na kaming pumunta sa lounge. "Kumusta class mo?" tanong ko sa kaniya. "Okay lang, wala namang special na nagyari. Sa 'yo ba?" tanong niya sa 'kin. "Okay lang din," tipid kong sagot sa kaniya. "Babe," tawag niya sa 'kin Napatingin naman ako sa kaniya."Bakit?" tanong ko sa kaniya. "Kain na tayo, nagugutom na ako. Mamaya na 'yang reports mo, tutulungan naman kita." Tumango lang ako sa kaniya bago iligpit 'yong mga gamit ko. Pagkarating namin sa resto, nag-order na siya.

"Love?" tawag ko sa kaniya.

"Bakit?" sagot niya sa 'kin."Hindi ba ako nakakaistorbo sa mga activity mo? Baka kasi may hindi ka nagagawa dahil sa pagsundo at hatid sa 'kin 'tapos tinutulungan mo pa ako sa activity ko. Dapat gawin mo din sa 'yo. Siguro, bawasan mo ang paghatid-sundo sa 'kin. Galing ka pa ng Manila 'tapos susunduin mo ako dito, 'tapos ihahatid mo pa ako pauwi na dapat nagpapahinga ka na 'di ba?" sabi ko sa kaniya.

"F*ck! Gagawin ko lahat para maging safe ka lang 'tapos gusto mong magpahinga ako?" sagot niya sa 'kin.

Kinikilig naman ako sa sagot niya, pero tingin ko, mas tama kasi 'yon. Nagkuwentuhan lang kami habang kumakain 'tapos biglang may dinukot si Cy sa bulsa niya."Love," sabi niya sa 'kin. Napatingin naman ako. "Masaya ako pag kasama ka, kaya puwede bang mag-stay ka lang?" sabi niya sa 'kin. Nginitian ko siya at tumango. "I wish for happiness is like forever, love," sabi ko sa kaniya. Pagkatapos naming kumain, bumalik na rin kami sa school

. Hinatid niya muna ako sa room ko bago siya pumunta sa room niya.After ng class namin, nag-aya si Cy mag-mall. Hindi ko alam kung ano na naman ang naisip niya kung bakit nag-ayang mag-mall. 'Tapos namili lang kami ng mga kailangan sa activity. Nasa unit ko kami gumagawa ng activity. Nagbabasa ako para sa readings namin 'tapos kanina pa nanggugulo si Cy.

"Ang ganda naman ng girlfriend ko." Tiningnan ko lang siya. "Sorry po, manahimik na," sabi niya 'tapos nag-peace sign pa siya."'Yan ba ang mapapangasawa ko?" sabi pa niya. "Nagbabasa ako. Mamaya mo na ako harutin, okay?" sabi ko sa kaniya. "Yes, master." Natawa naman ako sa sagot niya. At nanahimik din sa wakas. Pagkatapos naming gumawa ng mga activity namin, dito na natulog nang ilang gabi si Cy. Nakayakap lang ako sa kaniya.

"I love you . . ." bulong niya sa 'kin.

***

Lagi kaming sabay pumasok at umuwi. Nakikita kong madalas na pagod siya. Pinagpapahinga ko na siya, pero hinihintay niya pa ako at ihahatid. Hindi ko na lang siya pinipigilan, kasi hindi talaga siya magpapatalo. Nasa unit lang kami. Mag-Christmas Eve na, wala pa rin kaming balak.

"Babe, saan balak mo mag-Christmas Eve?" tanong ko sa kaniya. "Wala, wala naman lagi 'yong parents ko, nasa out of town sila, business," simpleng sagot niya sa 'kin. "Sa Korea ako magse-celebrate ng Christmas Eve—nandoon si Mama," sabi ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa 'kin. "Sama ka?" tanong ko sa kaniya. Agad-agad naman siyang lumapit sa 'kin.

"Talaga? Isasama mo ako?" Tumango ako sa kaniya 'tapos agad-agad naman siyang nagpa-book ng tickets namin. Hinampas ko nga. Hindi naman talaga siya excited pumuntang Korea. Agad ba namang nagpa-book ng flight. Napailing na lang ako sa kaniya. Excited masyado.

***

Nagpe-prepare ako ng mga damit na dadalhin doon kasi paniguradong malamig doon. "Siguro, enough naman itong dala kong damit?" tanong ko kay Cyril. "We will buy there, love, kung kulang 'yong dala mong damit doon." Inirapan ko lang siya.

Kinabukasan, flight na namin. Dahil maaga akong nagising, sa eroplano ako natulog. Mabilis din kami nakarating. Pagkalapag ng eroplano, inayos na namin ang mga bagahe namin. Si Cy ang nagdala ng maleta namin. Pagkalabas namin sa Incheon airport, sinalubong naman kami ni Mama.

"Nak!" salubong sa 'kin ni Mama. Agad niya naman akong niyakap. Napatingin siya kay Cy at kita kong kinabahan bigla si Cy. Natawa ako nang kaunti sa kaniya."Ma, si Cy, boyfriend ko. Cy, si Mama," pagpapakilala ko. Nagmano naman siya kay Mama at ngumiti naman sa kaniya si Mama. "Kailan pa kayo?" pagdadaldal ni Mama sa kaniya habang naglalakad. Aba, siya ba 'yong anak? Nasa likod lang ako habang sila ni Mama, nagkukuwentuhan. Grabe sila sa 'kin, ah.

"Matagal-tagal na rin po, tita," sagot niya kay Mama.

"Just call me Mama," sabi sa kaniya ni Mama at sumakay na kami sa van. Una akong pinapasok ni Cy—si Mama kasi 'yong nag-drive Pagkarating namin sa bahay ni Mama, simple lang. Nilapag namin 'yong gamit namin saglit."Dito na lang kayo," sabi ni Mama. Sumunod lang kami at inayos 'yong mga gamit namin.

"Ang bait ni Mama," sabi niya sa 'kin. Tumango lang ako dahil busy ako sa pagliligpit nang tawagin siya ni Mama, "Cy! Halika dito." Agad naman siyang tumayo.

Grabe ha, siya na yata ang anak ni Mama, eh

.Pagkalabas ko ng kuwarto, naghahain si Cy ng pagkain."Nak, sa labas na tayo mag-celebrate, maganda mag-celebrate." Tumango lang ako. Bisperas ng Pasko ngayon kaya gano'n. Pagkalabas namin, naghihintay lang kami. Ilang oras na lang, magpa-Pasko na. Naka-back hug sa 'kin si Cyril at hinalikan ako.

"I love you, love. Merry Christmas," sabi niya sa 'kin.

"Merry Christmas," sagot ko sa kaniya. Naramdaman kong may nilagay siya sa leeg ko—isang pendant ng heart.

"Para saan 'to?" tanong ko sa kaniya."Christmas gift ko," sagot niya sa 'kin. Agad ko siyang niyakap. Mahal na mahal ko talaga siya. Sana forever na lang na ganito—masaya kami at walang problema.

Chasing My Dreams (Dream Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon