CHAPTER TWELVE:

34 2 0
                                    

Naglalakad ako papuntang lounge nang makita ko si Cyril kaya agad ko siyang nilapitan at umupo sa tapat niya. "Busy na busy, ah," sabi ko sa kaniya. Tiningnan ko lang siya habang nagkakabisado siya ng mga formula at hinayaan ko lang muna siya. Palihim kong pinagmamasdan si Cyril habang abala siya sa pagbabasa ng formula sa math.

Kahit ano'ng iwas ko, napapatingin pa rin ako sa kaniya. Nakasuot kasi siya ng reading glass kaya 'di ako sanay sa gano'n. Ang guwapo niya rin naman pala, ngayon ko lang napansin. Naisipan kong kunin 'yong handouts sa bag ko at nilabas ito, pero ang nailabas ko pala ay ang Wattpad book ko—'yong Possessive series.

"Nagbabasa ka niyan?" Ngumiti siyang nakakaloko kaya nanlaki 'yong mg mata ko.

"Ano— Hindi ko naman 'yan binabasa at saka wattpader— Sikat 'yan, ano ka ba," sabi ko sa kaniya. Umupo siya nang maayos at nag-crossarms siya ."Hindi mo naman kailangan mag-explain kung nagbabasa ka niyan," sabi niya sa 'kin habang nakangiti. Nang matapos na siya sa pagkakabisado, inayos niya na 'yong gamit niya. "May class ka ba ngayon? Kain tayo," pag-aaya niya sa 'kin. "Ikaw, tuwing nakikita mo 'ko, lagi mo na lang akong niyayaya kumain. Ikaw, ha," natatawang sabi ko sa kaniya.

"Bakasakaling tumaba ka," sabi niya sabay akbay sa 'kin. Ngumiti lang ako sa kaniya at sabay kami lumabas sa school.

Nang makarating kami sa resto, napasapo na lang ako sa noo. Ba't kasi kailangan pang kumain sa mamahaling pagkain, eh puwede naman d'yan-d'yan lang. Dami ngarte nitong lalaking 'to kahit kailan.

"Ano'ng nginunguso-nguso mo d'yan? 'Di bagay sa 'yo." Tumingin siya nang may nakakalokong ngiti. "Ba't kasi dito pa tayo kakain? Ang mahal dito," sabi ko sa kaniya. "'Di naman ikaw magbabayad. Inaangal mo d'yan," sagot niya sa akin. "Doon na lang tayo sa iba." Ayaw niya paawat kaya agad niya ako hinila papasok at siya na rin ang nag-order ng mga kakainin namin. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang ang dami niyang in-order na pagkain.

" Letse ka. Kaya mo ba 'yan ubusin, ha?" tanong ko sa kaniya.

"Kaya nga madami eh, kasi tayong dalawa kakain," pagdadahilan niya. Inirapan ko lang siya at nagsimula na kaminng kumain. Ilang minuto ang nakalipas, natapos na rin kaming kumain at nagbayad na rin naman siya ng mga inorder namin. Naglalakad na kami palabas ng mall nang biglang humarap si Cyril sa 'kin.

"Problema mo?" tanong ko sa kaniya.

"W-Wala." Nag-iwas naman ng tingin si Cyril at patuloy lang siyang naglalakad. Parang tanga naman 'to. Tumigil na naman siya sa paglalakad kaya nauntog ako sa likod niya nang bigla siyang humarap sa 'kin at tiningnan niya ako nang deretso sa 'king mga mata. "C-Cyril, lumayo k-ka nga," sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya at mas lalong lumapit sa akin. "W-why?" Tumingin ako sa malayo bago ibalik 'yong tingin sa kaniya.

***

"Magkuwento ka naman , Mau," pangungulit sa akin ni Ivy. Simula yata nang pagbalik namin sa room ay hindi na 'to tumigil sa pangungulit sa 'kin tungkol sa kung ano na raw ang status namin ni Cyril. Kahit ako, 'di ko nga alam, eh. Ewan ko ba, pero masaya ako pag kasama ko siya; feeling ko, napaka-comfortable ko na pag kasama ko siya.

Pati si Shan, kanina pa rin kulit nang kulit sa 'kin. "Wala nga," inis na sabi ko sa kanila habang inaayos ko ang gamit ko. Wala pa naman ang prof namin kaya naki-sit in si Shan dito sa room namin. Nang dumating na 'yong prof, umalis na si Shan at bumalik na sa room niya. Ako naman, nakikinig lang habang si Ivy, nakikipagdaldalan sa katabi niya. Kahit kailan, ang daldal niya. Nang matapos 'yong class namin, agad ko naman inayos 'yong mga gamit ko nang bigla akong kalabitin ni Ivy.

"OMG, gorl, si Cyril!" Kaya agad akong napalingon. At nang makita ko sa harapan ko Cyril, nakangiti sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ba't siya nandito sa room namin.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" bungad ko sa kaniya.

"Wala lang, bakit ba?" sagot niya sa akin.

Agad naman niyang kinuha ang bag ko kaya sinundan ko lang siya. "Ano na naman? Saan mo na naman ako dadalhin?" tanong ko sa kaniya habang nakasunod sa kaniya. 'Di man lang ako nilingon. Saan na naman kaya ako dadalhin . . . Tumigil siya sa paglalakad nang hilahin ang kamay ko at hinila ako.Nagpalit muna siya ng jersey niya. Nang makarating kami sa gymnasium, nakita ko na ang daming tao. Naka-PE uniform ako ngayon.

"Ano'ng meron, Cy? Ba't ang daming tao?" tanong ko sa kaniya.

"Nood ka game ko," nakangiting sabi niya sa akin. Tumango lang ako, pero hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Kaya pala ang daming nakatingin sa amin . . .Umupo na kami sa bleachers at nagsimula na ang game. Halos nakaka-score na ang kalaban. Nakatutok lang ako nang may tumabi sa upuan ko—si Shan pala at Ivy. "Kaya pala nawala. Supportive mo naman, bhie," pang-aasar ni Shan sa akin. Inirapan ko lang siya. "Cheer mo kasi," pangungulit ni Ivy sa akin. No choice ako kasi kanina pa nila ako kinukulit.

"Goo! Gooooo! Midford!" sigaw ko.

Napatingin ang mga tao sa akin. Nang makita ko si Cy, nakangiti siya sa akin. Sunod-sunod ang shoot niya. Tumakbo naman sila sa kabilang ring at naka-shoot na naman sila. 3 points lagi si Cy. Nang mag-break 'yong laro, inabutan ko siya ng inumin niya at saka pinunasan ko ang pawis niya. "Napaka-sweet naman," sabi niya nang may nakakalokong ngiti kaya hinampas ko siya."Baliw, bumalik ka na nga doon," sabi ko sa kaniya at bumalik na rin naman na siya sa laro niya. Ilang oras bago matapos 'yong laro kaya 'ayun, sila naman ang nanalo. Agad niya akong nilapitan kung saan ako nakaupo.

"Congrats!"

"Uy, congrats, Cy!"

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Ayos ba?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako sa kaniya at inabot 'yong towel. Pinunasan niya naman ang sarili niya. Pagkatapos n'on, lumabas na rin kami. "Una na kami, Mau, may gagawin pa kami," sabi ni Shan. Pagkatapos n'on, umalis na rin sila ni Ivy. Ako na lang ang naiwan. Hinintay ko si Cy matapos magbihis.

"Tara na?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako.

"Saan tayo punta?" tanong ko sa kaniya. "May celebration kami; isasama kita," tipid niyang sabi sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko sa kaniya kaya napatigil kami sa paglalakad. "Celebration n'yo 'yon. Kayo na lang, uuwi na ako," tipid na sabi ko sa kaniya. Umiling lang siya sa akin. Ang kulit talaga nito. Sumakay na kami sa sasakyan.

"Ba't kasi sasama mo pa ako?" inis na tanong ko sa kaniya. "Eh, bakit ba kasi? Gusto ko, eh," sagot niya sa akin. Kanina pa kami nag-aaway. Ba't kasi kailangan niya akong isama? Parang tanga naman kasi. Nang makarating kami sa event, ang daming tao pagkapasok namin. Maraming sumalubong sa 'min.

"Yow!" bungad nila sa amin. Nginitian ko lang sila. Nang makita nila ako, nagsilapitan sila sa akin.

"Uy, si Ms. Ambassadress!"

"Uy, Louisse!"

Nginitian ko lang sila. Maya-maya'y naramdaman ko 'yong kamay ni Cyril sa baywang ko kaya tiningnan ko siya. "Tanggalin mo kamay mo," bulong ko sa kaniya. Ngumiti lang siya at umiling kaya inirapan ko lang siya.

Habang kumakain kami, nagtanong sila, "Kayo na ba?"

"Girlfriend mo, Cy?" dagdag pa ng isa. Napatingin sila sa akin kasi si Cy, nakatingin lang sa akin. Ngumiti lang din si Cy.

"Ahm, hindi, ah," sagot ko sa kanila. Kita ko ang pagtataka sa mukha nila.

Nang maggagabi na, hinatid na rin ako ni Cy. 'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa biyahe. Pagkarating namin, nasa tapat na kami. Hahakbang na sana ako nang tawagin ako ni Cy kaya napalingon ako sa kaniya. At naglakad siya papalapit sa akin at niyakap ako. Nagulat naman ako sa ginawa niya.

"Ikaw 'yong magandang nangyari sa buhay ko, Mau, kaya sana mag-stay ka," bulong niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya.Pagkatapos niyang sabihin 'yon, umalis na rin siya at pumasok na ako sa unit ko. Inayos ko na ang mga gamit ko at habang nag-aayos ako ng gamit ko, nakareceive ako ng message galing kay Cyril.

Cj.midford: goodnight Mau, sweet dreams

Napangiti ako nang mabasa ko 'yong message niya. Ewan ko ba, pero iba ang pakiramdam ko pag kasama ko siya.

Chasing My Dreams (Dream Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon