CHAPTER THIRTHY-THREE:

30 3 0
                                    

It's been a week now since Papa and Seunghyun discussed the marriage.

"On behalf of Bayland Airways and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip, and we are looking forward to seeing you onboard again in the near future!"

Nang mag-boarding, napansin ni Ivy na tahimik ako kaya nilapitan niya ako. Tinago ko lang ang lahat ng pasa na nakuha ko galing kay Seunghyun. "Okay ka lang?" tanong niya sa 'kin. Hindi niya sinasadya nahawakan niya 'yong braso ko kaya napadaing ako sa sakit. Agad kong binawi sa kaniya 'yong braso ko at kita ko ang pagtataka niya.

"Maureen, mag uusap tayo," sabi niya sa 'kin.

Pagkatapos, lumabas lahat ng pasahero. Lumabas na rin kami. Masyadong hassle lahat ng biyahe ko ngayong araw kaya wala rin ako sa mood para makipag-usap sa kanila. Nang makalabas na kami, hinatak ako ni Ivy. "Last na lipad mo ngayon?" tanong niya sa 'kin.

"Oo," tipid na sagot ko sa kaniya.

"Sigurado ka ba na okay ka lang? Buong araw kang tahimik. Ano'ng nangyari?" Tiningnan ko lang siya at umiling lang. Hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya lahat ng gingawa sa 'kin ni Seunghyun kasi alam kong magagalit 'yon sa 'kin. Pagkalabas ko ng airport, nandoon si Seunghyun nag-aabang habang nakakunot ang noo. Nagpaalam na ako sa kanila na mauuna na ako. Buong biyahe akong tahimik. Ayaw kong makipagsumbatan sa kaniya ngayon dahil masakit ang ulo ko.

Maya-maya, huminto si Seunghyun sa pagda-drive sa isang madilim na area. His voice was full of frustration—it was as if he was going to explode. I had better calm him down than argue with him. It was my fault.

Kung ipinagtanggol ko lang siya, hindi niya sana mararamdaman iyon, 'di ba? F*ck this!

He kept punching the steering wheel, so the car horn made so much noise. Hinawakan ko ang kamay niya para tumigil siya kasusuntok, but he pushed mine away. "Stop this, Seunghyun! Tama na! Hindi natin maaayos ito kung—"

"You f*cking stop, Louisse Maureen." Napasabunot si Seunghyun sa ulo niya. "Alam mo? Minsan, iniisip ko kung si Cyril ang nasa sitwasyong ito, mas malakas ang loob mong ipagtanggol siya." Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. "Paano napasok si Cyril sa usapan when this is clearly about us?"

"Can't you f*cking see that kahit wala siya, kayang-kaya mo siyang ipagtanggol? Come on, tell me, ano'ng pinag-usapan n'yo? Nagkikita ba kayo sa likod ko? Is he f*cking laughing at me for being a loser?" He tormed a satanic smile. "Mas magiging masaya ka ba kung siya ang kasama mo ngayon?" Umusod ako palayo sa kaniya. He was impossible. How did the conversation become all about Cyril? Natawa ako nang mapakla.

"Bakit ka tumatawa? Kasi totoo? Mas gusto mo sa kaniya? Mas sasaya ka?" ulit niya. "No." Lumakas ang boses ko. "Just freaking stop!"

"Stop? Fuck! Answer me first, Maureen! Hinihintay mo pa rin siyang bumalik?"Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. Pinilit kong bumitiw dahil nasasaktan na ako, but he was too strong—parang napipilipit ang buto ko. "Seunghyun, tama na! Ano ba?" naiiyak na namang sambit ko. "Umuwi na lang tayo!" sigaw ko sa kaniya.

"Sagutin mo ako! F*ck sh*t! Sagot, Maureen! Mas sasaya ka ba sa kaniya? Masaya ka ba noong nakita mo siya ulit?" Dumiin pa ang pagkakahawak niya sa 'kin. My bones seemed to be on the verge of breaking. I tried to move my hand away, but he latched hold to the other.

"Seunghyun! You freaking let go of my hand! Nasasaktan ako!" sigaw ko sa kaniya."F*ck! Sagutin mo ang tanong ko! Totoo, ano?" He went on as if he hadn't heard me pleading. My lips began to shake. I despised myself for feeling useless at the time. I felt like a complete moron for allowing him to do that to me. "Tumigil ka na, please!" I begged. He was pulling at the last string of my patience.

Chasing My Dreams (Dream Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon