CHAPTER TWENTY-NINE:

27 3 0
                                    

I woke up with a broad grin on my face. When I turned to my side, I saw the face of my fiancé, who was sleeping soundly. That's incredible. Napangiti ako lalo. Fiancé . . .

When his guard was down, Seunghyun appeared to be rather youthful. 'Yong wala siyang ibang iniisip at walang ibang taong iniisip. Ipinatong ko ang kamay sa gilid ng ulo ko. Well, okay lang namang pagnasahan ang future husband ko, right? You know, we didn't have sex yet. Old-fashioned man kung tingnan, pero mas na-e-excite kami sa unknown things na puwede pang mangyari sa 'ming dalawa. We always crave the future. He opened one eye sleepily, and when he noticed I was gazing at him, he grinned sabay hila sa katawan ko para yakapin ako. "I love you, babe," he whispered and showered me kisses on my right cheek. "How's the first night of being engaged?" I kept laughing.

"I love you, too, babe. I feel like I'm in cloud 9." Huminto siya sa paghalik sa 'kin at tumingin nang deretso sa mga mata ko. "Did you really say f*cking yes to me?" tanong niya ulit. "Parang panaginip lang ang lahat." I bit my lip. Seunghyun's soft side was showing. We got to talk about anything we wanted. Parang dati lang, nanliligaw pa siya sa 'kin. Parang dati lang, hindi ko pa alam kung sino ang pipiliin ko sa kanila ni Daehyun. But in that moment, I knew it was worth trying. "Yes, and I'll say yes to you again and again, Mr. Han," I informed him as I softly kissed him. Kinagat ni Seunghyun ang labi niya. It turned pink immediately.

"F*ck. Hindi bagay sa 'kin ang kinikilig, pero f*ck, I am. So this is how it feels like to wake up next to your soon-to-be wife, huh?""Ang galing mambola!" Hinampas ko ang dibdib niya nang mahina. "Kaya pala ayaw mo akong patulugin kagabi, ha"

"Kaya pala ang tagal-tagal mong umuwi, mayroon ka palang pinaplano," I said. "Hindi ako romantic na tao, pero sinubukan ko kagabi." Hinawakan niya ako sa baywang at inikot pataas sa kaniya. I was staring down at him as he caressed my cheek. His gaze was solemn. "Are you aware that I'm madly in love with you?" I drew a line across his furrowed brow. "Of course, I am aware of this. Kahit aso 'atang lumalambing sa 'kin, pinagseselosan mo na." He laughed loudly. "Kaso hindi ako pumapatol sa mga aso. Pero nasabi ko na ba sa 'yo kung gaano ka kaganda pag bagong gising? Kapag walang makeup?" Pinanggigilan ko ang pisngi niya. "Oo," sagot ko na kinikilig. "Araw-araw mong sinasabi."

"I could call you ugly, but it's usually the inverse. You're f*cking stunning, Maureen Alacantara. Thank you for providing me with more opportunities than I deserve." Sumeryoso ang mukha ko at dumagan sa dibdib niya. When I was in that posture, I let my ear listen to his heartbeat frantically. "You will always be forgiven by me. Whatever happens, I'll always believe in you," sagot ko.

***

Dalawang araw lang ang pahinga ko at may flight pa kami papuntang Australia. 6 hours din ang byahe papunta roon. "Good afternoon, Mau!" bati sa 'kin ni Ivy. Ako ang huling dumating sa service kasi nakasakay na kasi sila. Nakahiwalay ang piloto sa flight attendant—sa kabilang service si Shan at kami ni Ivy ang magkasama. "Gorl, VIP daw 'yong passenger natin," sabi ni Ivy sa akin. Tinanguan ko lang siya. Hanggang sa pila ng immigration ay kuwento lang nang kuwento si Ivy sa 'kin at nakikinig lang ako sa kaniya. Hila-hila ko ang maliit na bagahe habang naglalakad papasok ng eroplano. Narinig ko naman ang tawa ni Ivy 'tapos nakatingin sa 'kin."Ano namang tinatawa mo d'yan?" pagmamaldita ko sa kaniya. "Eh, kasi naman, girl, may makikita kang gwapo ngayon." Nakangiti siya nang nakakaloko. Hindi ko matandaan 'yong pangalan ng VIP na passenger namin. 'Di ko naman masyadong binasa ang details sa briefing kanina,

"Weh? Totoo?" interesadong tanong ko.

"Oo, ikaw mag-serve sa pagkain niya, ah," bugaw niya sa 'kin. Napairap na lang ako at hindi na lang ako nagsalita at pumasok na sa eroplano. Dumeretso na lang ako sa crew station para ilagay ang dala ko. Inayos ko 'yon at nag-retouch lang saglit.

"Mau! Bilis, halika na!" pagmamadali sa 'kin ni Ivy. No'ng pumasok na 'yong VIP passengers, all smiles ulit kami. Ivy and I guided them to their seats. Nang pagpasok ng huling passenger, nagulat ako sa nakita ko, pero naka-smile pa rin ako.

"Ladies and gentlemen, good Afternoon. Welcome onboard. This is Captain Shan Sirius Ybañez speaking"

Nang nagsimula nang umandar ang eroplano, ch-in-eck ko kung nakasara na ang lahat. Nang ise-serve ko na 'yong pagkain, itong si Ivy, pinagtutulakan ako kaya no choice na ako na ang magse-serve. Pagkatapos kong ilapag ang pagkain, hindi pa ako nakakaalis, nagsalita siya bigla,

"Nice to see you again."

Napatingin naman ako sa kaniya. Tinanggal niya 'yong shades na suot niya. Nanlamig ang kamay ko. I think I got suffocated for a bit. Bumigat ang paghinga ko at hindi mapakali. Ngumiti lang ako bago umalis. "Mau, bumalik ka na sa harapan." Siniko ako ni Ivy. Nanunuyo ang lalamunan ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa station namin. Kabadong-kabado ako. Nandito na siya.

Sh*t, he's here. Oh my, feeling ko, nanghihina ang tuhod ko.

"Thank you and enjoy your flight."

Buong biyahe, hindi ako makapag-focus. Nadi-distract ako. Minsan, gusto ko ring sabunutan si Ivy. Bakit hindi niya sinabi?! Bakit?! Hanggang sa makarating kami sa Australia, tahimik lang ako. Paglabas ng lahat ng pasahero, lumabas na rin kami. Tahimik lang ako buong biyahe.

"Are you okay? Kanina ka pa tahimik," tanong sa 'kin ni Ivy. "Bakit hindi mo sinabi?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa 'kin. "Surprise!" Natatawang sabi niya sa 'kin. Inirapan ko lang siya. Nag-ikot-ikot lang din kami saglit 'tapos bumalik na rin kami sa eroplano. Lahat yata ng flight ko ngayon, tahimik lang ako. Simula nang nakita ko siya, nanghihina ako dahil hindi ako ready na makita siya.

***

It's been 2 weeks simula nang nagkita kami sa plane ni Cyril. That time, I wasn't ready yet. I got shocked when I saw him. I'm here at the building. Pupuntahan ko lang 'yong fiancé ko dahil tapos naman na 'yong flight ko ngayong araw. Nanigas ang katawan ko nang bumukas ang pinto ng elevator. Hindi ko maigalaw ang paa ko para humakbang papasok. It was as if my sanity vanished for a nanosecond. I was trapped in his eyes, just like he was trapped into mine. I swallowed to wet the dryness in my throat. I still couldn't believe it was him. It had been six years already . . .

Six year since I last saw his freaking face. Six year since I broke up with him. Six year since I left him. Hindi ko naman masyadong nakita ang face niyang noong nasa plane. He hadn't changed at all—nag-mature lang nang kaunti ang mukha niya. There was a beard growing, and his hair was pushed back like a professional adult man that he had become.

"Going up? He chuckled nang maka-recover sa pagkikita namin. I just nodded and took a step forward. My heart was beating erratically, and I couldn't calm myself at all! Nakatingin lang ako sa baba, still unable to talk. Baka traydurin ako ng sarili kong boses. "How are you?" he asked after a long period of silence.

"Seunghyun told me to submit some documents here. Hindi ko alam na nandito ka pala." Awkward. What is awkward? It was seeing your ex-boyfriend inside an elevator. Worst of all, we were alone. Ito na yata ang pinaka-awkward elevator ride na nasakyan ko. Ugh!

"Oh, by the way, I'm okay." Sh*t. Why okay, Maureen? Puwede namang doing great, right?! Teka, bakit ba ako nako-concious sa sasabihin ko ngayon? It's just Cyril Justine, no other than Cyril Justine Midford.

"Naiwan mo 'yong gamit mo sa condo ko before. Sinubukan kong ibigay kay Shan, pero in-advise niyang mas okay kung ideretso ko sa 'yo. I don't know how to contact you. Gusto mo bang dalhin ko na lang kung saan ka nakatira? Shan said you're already back." Bakit ang daldal ng kaibigan ko? All this time, he was secretly telling stories about me to Cyril?!

"No, it's okay. As you can see, I gained weight already. For sure, hindi na kasya 'yong mga damit ko. It's okay, ibigay mo na lang kay Celine o sa mga kakilala mo. Puwede rin kay Danica." There was a slight venom in my voice when I said Celine. Who knows, baka sila pala ang nagkatuluyan ni Celine. Wala lang, gusto ko lang makita ang reaksiyon niya kapag narinig niyang sinabi ko ang pangalang yon. Saka hindi ko alam ang balita sa kanila. Shan rarely talked about them as he was busy fixing his own problem.

"Oo nga, mas bumagay sa 'yo. Mas nagkaroon ng korte ang katawan mo, love."

Chasing My Dreams (Dream Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon