1st

26 0 0
                                    


📷

"Charie hanggang kailan ka ba magkakaganyan? kung sana sinabihan mo na lang sila tatay na ayaw mo magtake ng law edi sana hindi ka na nahirapan,limang taon ka na nagsayang ng pera sa pagtupad ng propesyon na hindi mo naman talaga gusto"

napalingon siya sa ate charmaine niya,at napabuntong hininga,2 taon na rin siyang tengga dahil hindi niya alam kung tutuloy siya sa law school,napagsabihan na rin siya ng tatay niya at ngayon ay umalis siya para makapag isip-isip

"kung kasing tapang mo lang sana ako ate kaso hindi eh,ilang buwan na lang mag i-start na rin ang klase sa law school hindi ko alam kung tutuloy ako o ano,ako na lang inaasahan ni tatay"
sabi niya sabay tingin sa dalawang tao na mistulang nagtatalo sa ibaba,nakaupo siya sa sofa at nakapatong ang kanyang braso sa armchair ng sofa at sa gilid niya ay ang glasswall

"hay carlota,maiintindihan naman siguro yun nila tatay at teka nga----ano bang tinitingnan mo diyan at kinakausap mo nga ako pero kanina pa nandiyan ang atensyon mo"

lumapit ang ate niya sa kanya at tinignan kung anong tinitignan niya sa labas ng glass wall na yun,sa ngayon ay nasa studio siya ng ate niya,photographer na ito na siya ring pangarap nito, ilang pagtatalo pa ang naganap sa pagitan nito at ng kanilang ama para matupad nito ang pangarap nito

"ano bang pinanghawakan mo para maipaglaban lahat ng ito?" she suddenly uttered

binalot sila ng saglit na katahimikan, akala niya'y hindi na magsasalita ang ate niya pero...

"Simple lang,Hindi ko nakikita ang sarili ko na nakatayo sa korte at nakikipaglaban sa kalayaan ng ibang tao na hindi mo alam kung karapat dapat ba talaga sa hustisya" 

napalingon siya sa ate niya sa sinagot nito at doon ay napaisip siya pero agaran ding natapos ang pagmumuni muni niya ng biglang  marinig nila ang sigawan ng dalawang tao na pinapanood nila mula sa glass wall,si magie ang pinsan nila at ang asawa nito,nagtatalo,rinig hanggang doon sa kinaroroonan nila ang boses ng mga ito

"ano na naman bang problema mo at sinusungit sungitan mo ako ha! maggie kausapin mo nga ako"

"kausapin mo yung haliparot mong kliyente total mukhang tuwang tuwa ka naman sa paghimas niya diyan sa braso mo"

"ano ka ba naman magie,hindi mo napapansin na iniiwasan ko naman pero kailangan ko pa ring pakisamahan dahil kliyente ko yun,kailangan kong asikasuhin ang kaso niya"

"anong kaso? yung pangmomolestsa kuno ng leading man niya? ha! talaga bang kakasuhan niya yun eh mukha namang gustong gusto niyang ginaganun siya ng mga lalaki, kung makapulandit sayo!"

napailing na lang sila ng ate niya at sabay na natawa

"hindi talaga natatapos ang araw ng dalawang iyan nang hindi nag aaway"

natawa na lang siya at napailing bumalik siya sa pagtanaw sa labas at ipinag taka niya na wala na doon si magie at umalis na ang sasakyan ni xavier ang asawa ni magie, napalingon na lang silang mag ate sa pintuan ng studio nang bumukas yun at pumasok si magie kasama ang anak nitong si liliane agad niya itong dinaluhan ng tumakbo papunta sa kanya ang 6 na taong gulang na bata

"Tita charie! yey! nandito kayo! i miss you tita"

"i miss you too baby,how are you?"

"i'm fine tita"

Iiwan ko muna si liliane dito Charmaine,Charlotte papasok na ko sa opisina,nagleave si manang eh,ayos lang ba?"
napalingon siya sa kanang bahagi niya ng biglang magsalita si magie doon nakaupo na pala ito doon sa sofang kinauupuan niya

lumapit dito ang ate niya at kinausap ito,mugto ang mata nito galing sa pag iyak

"ano bang nangyari?" puno ng kuryosidad na  tanong niya

Capturing Engr. Lavigne's Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon