Chapter One
'Loneliness'
'Yan ang palagi kong nararamdaman... Araw-araw, kahit saan ako magpunta, palaging nag-iisa. If only I could turn back time, baka sinundan ko nalang sina Mom at Dad. I badly need someone right now.
Kasalukuyan, nakaupo ako sa pinakahuli, sa tabi ng bintana ng aming classroom. Nanunood sa kanila na nagkakasiyahan; nagtatawanan, naghihiyawan, nagkukulitan.
Isinuot ko nalang ang headphones ko at binuklat ang librong palagi kong dala para hindi na matuon sa mga tao ang sarili ko. Kapag naririnig ko silang lahat, lalo ko lang nararamdaman na ako'y mag-isa at malungkot.
Books are my way to escape from this shit reality. Books can bring you to another world.
Pumasok na ang professor naming kaya nagsitahimik ang lahat. Nagreview lang naman kami dahil malapit na ang final exams.
Nandito ako sa cafeteria, and as usual, mag-isa. Umupo ako sa pwesto sa tabi ng bintana. Inilapag ko sa lamesa ang pagkaing in-order ko. Nagmadali akong kumain, pagkatapos ay umalis na agad ako sa cafeteria dahil nagsisimula nang dumami ang mga tao.
"Class, dismissed."
Isa-isa silang nagsilabasan, and as usual, ako ang huling lumabas. Pagkalabas ko, nakita ko ang mga kaklase kong maiingay. Sinuot ko nalang ang headphones ko at nagpatuloy sa paglalakad. Medyo malayo-layo ang dorm na tinutuluyan ko sa classroom, mga 10 minutes kung maglalakad.
Nakarating na ako sa dorm ko. Binuksan ko na ang pinto at sinalubong ako nang madilim na paligid. Ang mga estudyante sa University na ito ay may isa-isang silid kumbaga, isang silid sa isang estudyante. Pumasok na ako at binuksan ang switch ng ilaw.
Alas 7 na ng gabi, tapos na akong kumain ng hapunan. Niligpit ko na ang mga pinagkainan ko. Pagkatapos, ay nagmadali na ako para matapos ko na ang mga ginagawa kong research at papers na dapat tapusin dahil this week ang deadline ng mga ito.
Alas 10 na ng gabi nang matapos ako sa mga ginagawa ko. Naglinis na ako ng katawanat humiga na sa kama. 'Dito na nagtatapos ang araw na ito, Asterea Rain Lopez.'
__________________________________
BINABASA MO ANG
Till The Summer Ends
RandomShe met an unexpected man in an unexpected place and time... Sa maikling panahon na nagkasama sila, mas lumalim ang kanilang samahan. Parang panaginip lang ang lahat, pero ang mga panahon na 'yun ay unti-unti nang natatapos. They'll be back to real...