SASHA
Hi, I'm Sasha Sandugo, ang only girl ng Sandugo Family.
Meron akong dalawang kuya, sina Shem Sandugo at Shyro Sandugo.
Parehas gwapo ang dalawa, ngunit cold si Shem at masayahin naman si Shyro. Well, wala akong pake basta ang mahalaga bunso nila ako.
Panganay si Shem kaya sobrang strict nito ugh kairita at sumunod naman si Shyro at ang bunso at prinsesa nila na si me yeah, prinsesa ako ng bahay.
Don't get me wrong ha? I'm not spoiled naman e.
So nandito ako sa kwarto at nagbabasa ng paboritong kong libro ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang napakapangit konh pinsan, si Juliana Sandugo.
Pinsan ko siya sa father side at yung papa niya is kapatid ni papa that's why same surname, gets mga shunga?
So ayun nga pumasok pinsan ko.
"KAKAIN NA MAHAL NA PRINSESA AT INCASE GUSTO MO PANG SUBUAN KA NAMIN AT DALHAN DITO NG PAGKAIN, TUMAYO KA NA AT BUMABA!"
Sigaw nito sa harap ko kaya binato ko sakanya ang libro ko at tumama naman yun sa mukha niya, serves you right for shouting inside my room biatch.
"Ouch?! What is that for Sasha Sandugo?!" Inis at maarte niyang wika habang pulang pula na nakatingin sakin tumayo naman ako at nilapitan siya saka pinulot ang libro ko at pinagpag.
"Aw, kawawa naman ang libro ko. Tumama sa makapal na MUKHA, ew" hindi ko siya pinansin at nilapag ang hawak na libro sa lamesa ko at naunang bumaba.
"Aba! Hoy Sasha baka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo? Ang kapal ng mukha mong batuhin ako ng madumi mong libro!" Sigaw ni Juliana habang mabilis na sumunod saakin sa baba.
Lumingon naman ako ng nakangiti.
"Fair enough, mas maganda ako sayo, and correction hindi madumi ang libro ko, pero nadumihan dahil tumama sa mukha mo"
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makaupo ako sa hapag kainan at naglagay ng ulam at kanin sa plato. May humila naman ng upuan sa harapan ko at yun ay walang iba kung hindi si Juliana.
Pulang pula ang mukha nito at tila umuusok ang ilong. Well, mataray kaming dalawa, pero kung magsasagutan kami, ako ang laging nananalo dahil mas magaling ako makipagsagutan at mas matalino ako. Maganda naman kami pareho pero isip bata si Julian pft kahit mas matanda siya sa'kin.
"Mukha ko? Madumi? Baka nakakalimutan mong ang gamit kong sabon ay ang pinakamahal na----"
"That doesn't change the fact na ang dumi dumi mo pa rin, just accept it. You'll always be ugly when you're here beside me" nakangisi kong wika at sinubo ang pagkain na nasa kutsara ko.
Akma naman siyang sasagot ng padabog na tumayo si kuya Shem at nakapamulsang tumingin saming dalawa.
"Shut up or you two will sleep outside tonight"
Ngumisi naman ako kasi panigurado kapag si Kuya Shem ang nagsalita kailangan ng manahimik. Which is pabor sakin ngayon kasi nga hindi siya makakasagot sa huling banat ko kaya naman masayang masaya akong kumain habang siya ay nakabusangot ang mukha.
Baka Sasha 'to, tanga.
—
"Sasha little sis, tara na grounded ka sa kotse mo sabi ni Kuya" agad namang nanlaki ang mata ko ng marinig ang sinabi ni Kuya Shyro at inis na pinuntahan si Kuya Shem.
"What the heck Shem? You can't do that, I'll drive on my own car!" I'm too angry to even call him kuya or to respect him. Alam na alam nila kung ano yung mga ayaw ko, at kasama na doon yung papabayaan nila ako sa paggamit sa car ko!
BINABASA MO ANG
TUDG: She's An Atrocious
Vampire"Siya? Tangina niyo, sinayang niyo ang oras nating lahat at malalaman kong hindi siya yung mythical vampire?!" "Master-" " 'Wag na 'wag niyo akong pigilan kung papatayin ko ang babaeng yan." Napatigil si Sasha ng sabihin iyon ni Zion sa mismong hara...