"Hi, I'm Betty. Ikaw?" Naglalakad ako sa field ng academy nang may nagsalita. Agad na napatingin ako sa gilid.
There, I saw a short girl with black curly hair. Siya ang babaeng nakasama ko sa grupo kahapon. I remember, she's 1120.
Nakangiti niyang inilahad ang kamay sa akin kaya kinuha ko ito.
"Lucy. Nice to meet you, Betty." Saad ko and we shook hands.
"Okay lang ba na tayo nalang ang magsabay mag breakfast? Wala pa kasi akong kakilala dito, bukod sa inyong pamilyar ang mga mukha." Agad akong tumango.
"Sure. Ako rin naman. Ikaw palang rin ang kilala ko dito." Malaki ang mga ngiti na tumango tango siya. Kaya sabay na kaming naglakad patungo sa cafeteria para mag breakfast.
Matapos ang nangyari sa laboratory kahapon, nawalan ako ng malay. Huli kong nakita si Doc Cheska na tinatapik ang mukha ko para magising pero tuluyan akong nawalan ng ulirat.
"I'm sorry, Mama. I'm sorry." Ang paulit-ulit kong sinasabi bago ako nawalan ng malay.
Thinking about it now, hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon. Hindi ko maalala ang halos lahat ng nakita ko habang nasa loob ng tube kahapon.
Kaninang umaga ay nagising nalang ako sa tunog ng alarm sa loob ng kwarto. I took in the interior of the room and was slightly shocked. May nakikita kasi akong mga desinyo sa loob.
Maroon curtains, side tables and lamps on top of it. Mayroon ding malawak na mabalahibong puting-puting carpet sa gitna ng kwarto. Sa ibabaw nito ay isang maliit na glass table na may isang flower vase na walang laman. May malaki ring cabinet sa pinakadulo ng kwarto sa gilid ng isang pintuan. And I bet it's the bathroom door.
Napakunot ang noo ko nang makita ang isa pang higaan sa kabilang gilid. Katulad ng halos buong interior ng kwarto, it's a velvety maroon queen sized bed. The pillows on top of it is a clear implication na mayroon akong kasama dito sa kwarto. Pero wala siya dito ngayon. At sa ayos ng higaan, parang walang natulog dito sa nakaraang gabi.
Luminga linga pa ako sa buong kwarto kaya nakita ko sa bedside table ko na mayroong susi, envelope, damit at sapatos sa ibabaw nito. I took the envelope and saw a silver seal that has the letter B and A on it. The Brechmos Academy seal.
Agad na binuksan ko ito at nakita ang isang pormal na pagbati para sa pagiging estudyante ko sa eskwelahan. And it's not just that, the letter was also an invitation. An invitation for the upcoming gathering for the Annual Categorization Day.
At ito nga kami ngayon. Naglalakad patungong cafeteria. Dumaan pa ako sa locker area kanina para lang may magawa dahil kinakabahan na naman ako sa hindi malamang dahilan.
I took the time to find my locker while looking at the numbers on the key that I got from the table. Nang mabuksan ang pahabang locker, nilagay ko nalang doon ang isang notebook at ang envelope sa loob para may laman ito.
I was so nervous earlier about going out on my own. Mabuti nalang at kinausap ako ni Betty habang patungo ako dito sa cafeteria, dahil hindi ko talaga alam kung paano makisama sa iba.
"So, ano sa tingin mo ang magiging category mo?" Tanong ni Betty.
Isa pa ito sa hindi ko maintindihan. Since I passed out yesterday, hindi ako nakadalo sa orientation. Kaya wala akong ideya sa kung ano ang bagay na ito. Kung para saan ang okasyon na ito.
"Sa totoo lang ay wala akong ideya." Napadiretso ng tingin si Betty sa akin. I noticed how chocolate her brown eyes were.
"But it was in the orientation yesterday. Sabi nila, they are going to categorize us into different groups according to our rarus." This time, ako naman ang napatitig sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Brechmos Academy: School For The Lost
FantasyBrechmos Island was made to save the lost ones during a plague that caused their cities to die down. Created and established by the greatest chemists and scientists in their time, many lives were saved and healed from the sickness. But in exchange...