CHAPTER 5

92 11 2
                                    

"I mean, who doesn't get curious about the only people who gets to know things beyond this island because they're rarus are powerful enough? Gets?" Muling kinawaykaway ni Betty sa harap namin ang necktie ko.

Wow. At hindi ko man lang alam ang mga bagay na iyon habang kasama ko sila kanina.

"So?" Mataas ang tonong tanong niya. Nagtatanong ang mga mata. Tinaasan ko siya ng kilay. "Tell me details, Lu."

Napakibit ako ng balikat. Ano nga ba ang sasabihin ko? Na sobrang awkward ng mga pangyayari para sa akin kanina?

"My gosh, Lucy. You're just so clueless, aren't you?" Parang nasestress pang usal ni Betty. Napakamot nalang ako sa noo ko. Ano pa nga ba ang dapat kong malaman?

She once again leaned on the table. "Look, hindi lang ang pagiging matalino at pagiging magaling nila ang rason kung bakit students are fussing about them."

And as if on cue, bigla nalang bumukas ang pintuan ng cafeteria na ikinalingon namin doon. Agad na pumasok ang kanina pa naming pinag-uusapan na mga tao. Morgan, Rey, Andrew, Selene and Jin walked inside as if no one is staring at them like they're the only people on earth.

And once again, as if the universe conspired with Betty to convey what she was talking about, agad na napansin ko ang mga ngisi at ngiti ng mga estudyante sa cafeteria. Some were even giggling at the sight of them.

Oh.

"See?" Inilahad pa ni Betty ang kamay sa paligid. Napabuga ako ng hangin. "Okay. Nakikita ko na." Sabi ko nalang at kinuha na ang kubyertos sa mesa.

"So? Ano nga? How does it feel na makasama sila? Tell me." Halos matawa ako sa ipinapakita niyang enthusiasm. She's really eager to know more about them. So Blue of her to want so much information. Unfortunately, wala naman akong masasabing mga bagay na hindi nila alam. Mukhang mas may alam pa nga sila kaysa sa akin.

Ibinalik ko sa mesa ang kutsara. "Wala naman masyadong nangyari. Pero katulad nga ng sabi mo, nakikita kong matatalino sila." Pero nakaabang pa rin si Betty kahit na tapos na ako sa pagsasalita.

"Then? What about Morgan? Andrew? Rey? Selene? Jin?" She urged. I instinctively tapped my fingers on the table. Hindi ko talaga alam ano pa ang sasabihin ko.

She exhaled loudly. "Okay. Okay. But at least tell me na totoong mas maganda si Selene sa malapitan and that she's perfect. I mean, gosh! She looks like an angel. Tsaka kahit na they're all amazing daw, no doubt na si Selene ang pinili nila as representative sa Greys." She suddenly pursed her lips.

"Pero alam mo, mas maraming nagsasabi na Jin could have been a better leader. But he just doesn't want to take the title. Well." Nagkibit siya ng balikat at kinuha na ang kutsara sa mesa.

Kinuha ko nalang rin ang kutsara ko. "Yeah, magagaling talaga sila. And Selene seems to be a perfect student." Tumango tango si Betty at nagsimula nang kumain.

Napabaling ang mga mata ko sa pinag-uusapan namin. Si Selene lang ang nakikita kong nagsasalita habang nakaharap kay Jin. The latter was just eating beside her. Hindi ko mapigilang mapansin ang kislap sa mga mata ni Selene habang kinakausap siya. They must be really close.

"Hmm," nakuha ang atensyon ko ni Betty. Ngumunguya siyang nagsalita. "I heard din na Jin and Selene is kind of a thing. It was never confirmed daw, but it's pretty obvious." Ang tsokolateng mga mata ni Betty ay nakatingin rin pala sa kanila.

Turning again on my side, my eyes went back to them, pero halos mabitawan ko ang hawak na kubyertos. Jin's grey eyes are once again trained into me. Agad na umiwas ako ng tingin.

May kailangan ba siya sa akin? Why would he stare at me like that?

Iniangat ko ang mga mata kay Betty at napabuga ng malalim na hininga nang makita na nakapokus siya sa paghihigop sa sabaw na kinakain niya. I don't know what I would tell her if she caught Jin looking at me like that.

Brechmos Academy: School For The LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon