CHAPTER 19

132 10 22
                                    

"Mama! She saved me! That's her, Mama!"

Nawala ang atensyon ko sa halos mapang-uyam na mga mata ng presidente nang marinig ang sigaw na iyon galing sa pamilyar na boses ng isang bata.

"Look! She saved Alissa's kid, too! Isn't she the greatest?" Hindi alam ang gagawin na napabaling na naman ako kay Selene. Naguguluhan sa inaasal niya.

I don't think she's saying these things out of good will anymore. Lasing na ba siya?

"Selene." Kinuha ni Andrew ang braso niya, pero agad na pinalis ng huli ang hawak nito. "What? This is a celebration for Lucy. Look, here's baby Chelsea to say hi to her hero!" Turo niya sa tumatakbong bata habang kinakaladkad ang ina niyang buntis.

I then remembered the pregnant woman Selene was with before I lost consciousness. Siya pala ang anak ng presidente at ang batang hawak ko pala noon ay anak niya na siya ring apo ng presidente ng bansa.

Malayo layo pa sila sa amin pero panay na ang kaway sa akin ng bata. Hindi ko maiwasang mapangiti sa maaliwalas niyang mukha. But my smile is still somehow half-hearted. Dahil panay pa rin ang tawa at hiyaw ni Selene na pawang nawalan na ng pakialam kung ano ang asal niya sa harap ng mga tao sa bulwagan.

"Selene, you've had too much of this already." Kinuha na ni Andrew ang kupitang hawak ni Selene sa kamay. "No. Andrew—no!" Tutol nito at hinabol pa ang wine glass sa kamay ng huli.

Panay na ang bulungan ng mga taong nakapaligid sa amin dahil sa ginagawa niya. Selene was supposed to be the elegant princess in this place. The one who never loses her poise. Hindi ko maiwasang mahabag para sa kaniya. I know she's hurt. It's quite obvious, lalo na't nakita ko kung paano niya titigan si Jin at ang mga kamay naming magkalingkis.

Napapikit ako at nakagat ang labi. As much as I disliked her at some point because of what she was doing to me during trainings, ayaw ko namang makita siyang ganito.

Pwersahan kong kinuha ang kamay na hawak pa rin ni Jin. That made him look at me, pero hindi ko siya binalingan. Bumuga ako ng hangin.

"Go. Help her out." Mahina kong sabi. Ngunit hindi man lang siya gumalaw at tinitigan lang ako. I could feel his dark stare piercing in me. Disagreeing with what I was telling him to do.

"You see, I did not expect her to do that. Like at all! I expected somebody else to save me! Like how it always has been! You know that, Morgan, right?" Tatawa-tawang sabi ni Selene na halos sumuray na sa suot niyang heels. Hinawakan siya sa bewang ni Andrew at kinuha naman ni Rey ang baso na hawak niya kanina pa.

Morgan tsked in exasperation. Clearly not amused at Selene for dragging her name in her slurrings.

"I expected Jin to do that for me. Just like how he did before she came. I—" Napahinto siya nang mabilis na maabot siya ni Jin. Selene immediately held unto his arm as if her sanity depended on him. Her eyes losing all the amusement and humor, replaced by hurt and expectation. Naaawa akong napatingin sa kaniya.

"Jin--"

"Let's go. You're drunk," matiim ang boses na saad nito bago sila tuluyang umalis sa bulwagan. Nakita ko pa kung paanong ang tatawa-tawa niyang mukha kanina ay napalitan ng maluha-luhang mga mata. That reminded me of how I saw them the first time. They were in the locker hall and Selene was also teary-eyed, asking—pleading Jin to talk to her.

They've had problems even before I came in the picture.

Malalim akong bumuga ng hangin. As if that thought was a consolation for my heavy chest.

"Hi, I'm Alissa." Agad na pinaskil ko sa bibig ang maaliwas na ngiti dahil sa bati na iyon sa harap ko. Pinipilit na huwag patuloy na tingnan ang dalawa na siyang pinagtitinginan na rin ng mga tao sa loob ng hall. Halos sumandal na sa dibdib ni Jin si Selene habang naglalakad sila palabas.

Brechmos Academy: School For The LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon