CHAPTER 6

82 10 1
                                    

"Lucy."

Agad na yumukod at nginitian ko si Dok Cheska nang pumasok siya sa classroom. She also smiled at me and to the others as she put her bag on the table.

Napasulyap ako kay Morgan na nasa unahan ko. Her arms and legs are crossed infront of her. Her striking face still void of any emotions.

Sinupil siya agad ni Andrew dahil sa sinabi niya kanina. Saying that it wasn't the case all the time. Na ginagawa lang nila iyon 'pag wala ng pagpipilian pa.

Still, kumabog ng husto ang dibdib ko sa nalaman. At sa hindi malamang rason, biglang may kakaibang enerhiya na dumaloy sa mga kamay ko. I touched my palm and tried calming myself. Hindi ko mapigilan ang pagsisitaasan ng balahibo ko sa natuklasan.

Matapos no'n ay agad na nag-aya si Selene na umalis na ng cafeteria para sa susunod naming klase. Tumayo naman kami agad pero sumulyap muna ako kay Betty. She was already looking at me like how most students already are. I just waved at her once and she gave me a smile. Then we went off.

Ngayon ay nandito na kami sa classroom na inokupa rin namin kaninang umaga.

I looked at Jin's broad back. Pinili kong huwag umupo sa inupuan kong silya kanina. It was his, in the first place. Pero ganoon rin ang ginawa niya. Umupo siya sa ibang silya na ikinatingin ni Selene sa kaniya.

She looked at him for a while before glancing at me, sitting on the back. Hindi ko sinalubong ang tingin niya at nagkunwaring hindi ako naapektuhan sa atensyon na nakakuha sa kaniya. Sobra siyang observant na nakakadagdag lang sa nararamdaman kong tensyon sa paligid namin.

When she finally took her seat, doon naman pumasok si Dok Cheska.

Naalala ko bigla ang pinag-usapan namin sa cafeteria kanina. Selene told us that Doc Cheska is going to discuss the details of the upcoming mission. Napakagat ako ng labi at naramdaman ulit ang kakaibang kiliti sa kamay.

"Good afternoon, Greys." May maliit na ngiti na sabi ni Dok sa harap. She sighed a deep breath as if preparing for something huge.

"I know you already know you have a new mission just after 3 weeks of rest. Kaya dederitsuhin ko nalang kayo." The doc sighed. "Hindi ko rin alam if there's an easier way to make you understand without downplaying this but," Nilagay niya ang dalawang kamay sa mesa. Napahawak na naman ako sa palapulsuhan ko sa antisipasyon at kaba.

"Your mission is to enter an establishment in the main city to save 43 people inside." Nanlaki ang mga mata ko. 

Halos magmura si Andrew. Napahawak naman sa noo si Rey. "Main city? 43 people?" Halos hindi pa maituwid ni Andrew ang gustong itanong dahil sa bigla. Ang masisigla niyang mata ay namimilog at ang noo ay nakakunot.

Morgan suddenly spoke, nakataas ang dalawang kilay at mistulang hindi rin nasisiyahan sa narinig.

"Are you trying to kill us? You want just the six of us to enter a building in the main city? Just shoot us already nang matapos agad."

Mariing umiling iling si Dok Cheska. Muli siyang humigit ng hininga bago nagsalita. "Guys, I understand that you're still tired—"

Pinutol siya ni Morgan.

"Tired? I'm fed up! Bakit ba pinapagawa niyo sa amin 'to? Anong silbi ng mga trained guards dito at kaming mga estudyante niyo ang pinapagawa niyo ng mga bagay na 'yan? Gosh! We're basically just kids!" Halos sumisigaw na nitong paratang. I even saw her painted nails dig on her palms.

Napapikit si Doc Cheska saglit at napahawak sa noo. "Yes. Yes, I understand. Pero dapat niyo ring unawain na kayo lang ang makakagawa nito. We need to save those people who need us. At kahit gaano karami pa ang mga well-trained guards natin, they can't accomplish this mission without anyone dying."

Brechmos Academy: School For The LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon