CHAPTER 4

95 9 3
                                    

Nakahawak sa gilid ng ulo, muli akong pumikit ng may isang maliit na imahe ang pumasok sa isip ko.

"Lulu. Come back, okay?"

"Hi, I'm Selene, the Greys' representative. Welcome to the group." Agad na napamulat ako ng mata sa malamyos na boses na nagsalita sa harap ko. And there, I saw those angelic features again.

Si Gorgeous sa locker hall.

Binigyan niya ako ng maliit na ngiti na alanganin kong tinugunan. Lumapit pa siya sa akin at inabot sa likod ng ulo ko ang isang grey na necktie. I just watched her when she started tying it on my neck.

Ang magaganda niyang mga mata ay pawang hindi ko nakitang nanubig sa hall kanina. Her wavy brown hair was still in place. She looks composed and elegant with the way she carries herself on the stage with me.

She stepped away and faced the crowd. Nakita ko ang muling pagsilay ng eleganteng ngiti sa mala anghel niyang mukha habang nakaharap sa ibang mga tao.

Hindi ako nakagalaw at napatingin lang sa mga taong pumapalakpak sa harap namin. Sa kabila ng nangyayari at nakikita, hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang mga boses na pumuno sa ulo ko.

Ano ba ang nangyayari sa akin? What are those images? Those voices? Bakit bigla bigla nalang silang sumusulpot sa isip ko?

"Nice to meet you, Lucy."

Biglang inilahad ng katabi ko ang manipis at maputi niyang kamay. I reluctantly took it and shook her hand. Hindi pa rin tumitigil sa pagkabog ang dibdib ko.

Hindi ko rin magawang maikalma ang sarili ko, lalo na at ramdam ko pa rin ang abong mga matang iyon na patuloy na nakamasid sa akin.

"Nice to meet you, Selene," I said in between heavy poundings of my chest. Umayos ako ng tayo at inayos ang sarili. I should just think about it later. For now, ito na muna.

"Let's go. I will introduce you to our members." Malamyos ang boses na sabi niya kaya mahina nalang akong tumango.

Giniya niya ako pababa sa entablado. Patungo sa nabibilang lang sa isang kamay na mga kagrupo niyang nakatingin sa amin. Patungo sa lalaking kanina pa nakatitig sa akin.

Sinalubong ko ang tingin niya. He towers over everyone in the group. May itim na itim siyang buhok at matangos na ilong. His chiseled jaw frames up his entire face that sharpens his feature. And his eyes, napaiwas muli ako ng tingin nang maramdaman na naman ang pagpintig sa ulo at dibdib.

What's with him? Bakit ganiyan siya kung makatingin?

"Once again, we welcome all of the new students to Brechmos Academy." Dumagundong muli sa buong kwarto ang boses na iyon ni Dok Jeremiah. Pinaupo muna ako ni Selene nang tuluyan kaming makalapit sa pwesto ng grupo.

Nakit kong na kay Dok Jeremiah na ang mikropono at wala na sa entablado ang presidente. Napahinga naman ako ng maluwag doon.

I don't think I'll be able to handle another eye contact with these grey eyed people.

"With the last recruit categorized, this ends the program for today. May you have a great stay in the island. Good day students." Pumalakpak kaming lahat matapos magsalita ni Dok. Students then started going out of the hall with new friends in tow.

Tumayo ako. Hindi ko maiwasang mapatingin sa dako nina Betty na siya rin palang nakatingin sa akin.

Ngingitian ko na sana siya pero nakitang hindi lang siya ang nakatingin sa dako namin. Pati halos lahat ng mga estudyante na kasama niya.

I finally smiled at Betty when she waved at me. Pawang katulad ng iba ay ganoon din ang tingin na ipinupukol niya sa amin. Sa mga kasama ko sa grupo. Namimilog ang mga mata at bibig. Pawang hindi makapaniwala at namamangha.

Brechmos Academy: School For The LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon