"Be ready in five."
Nakatingin sa lapag na tumango ako kasabay ng mga kasama ko sa grupo nang sabihin iyon ni Jin. Walang emosyon na mabilis siyang lumakad palayo sa amin.
I watched my reflection on the car as people watched us as they passed by the academy's parking lot. Napabuga ako ng hangin nang mabilis na tumahip na naman sa kaba ang dibdib ko.
This is it. Ang araw ng rescue. Ang araw ng pinakauna kong misyon. At ang araw na makakalabas akong muli sa isla matapos kong mawalan ng memorya.
"Lucy."
Agad akong napatalikod nang marinig ang tawag na iyon. Sa likod ng maliit na kumpulan ng mga estudyanteng patungo sa cafeteria, nakatayo doon si Betty na panay ang kaway sa akin. I smiled and waved back at her.
"Dito." I mouthed and pointed at the back of the car na sasakyan namin patungo sa dalampasigan. Mabilis na tumango si Betty at tumakbo papalapit sa akin. Her dark curly hair and blue necktie swinging with the wind.
"Andrew," tawag pansin ko sa katabi na kausap sina Morgan at Rey. Pati ang dalawa ay napatingin sa akin.
"Punta muna ako doon saglit." And I pointed at Betty who was waiting for me. Sabay din halos na napatingin ang tatlo doon. But Rey and Morgan continued talking about a topic I couldn't follow earlier. Hinarap naman ako ng tuluyan ni Andrew.
"But we'll be off in less than five." May pag-aalinlangan sa boses niya. I pursed my lips. "Mabilis lang naman." Ungot ko pa. Andrew paused for a while, considering.
"Ask permission from Jin. You know him, baka iwan ka pa no'n dito pag hindi ka niya nakita." Malakas akong napabuntong hininga. He chuckled. "It's okay. You'll get used to him." Tinapik niya ako sa balikat habang nakangisi. Napailing nalang ako nang tumalikod siya at muling tumalon sa konbersasyon nilang tatlo.
I looked around. Abala ang mga kasama naming gwardya ng isla sa mga kagamitan naming dadalhin para sa misyon. I saw Selene standing besides the car door. Alone, standing gorgeously with her body suit that's attracting a lot of attention from other students passing by. Ngunit parang wala man lang sa kaniya iyon. Sanay na sanay na nakakakuha ng atensyon dahil sa itsura niya.
Muli akong bumaling sa ibang lugar at nang hindi makita si Jin, mabilis akong naglakad patungo sa hulihang parte ng van na sasakyan namin. I immediately smiled at Betty who was waiting for me.
"Wow. You look..."
"I hope not bad enough para ikahiya mo ako." Pagpapatuloy ko sa sinasabi niyang naputol. But she gave me a once over from head to toe again. Ang mga mata niya'y namimilog.
"What do you mean not bad enough na ikakahiya ko? You look great! Stunning! Like a heroine ready to fight off some monster villains!" She said, well, more like bellowed na ikinahagik-ik ko. She looks and sounds so excited that it's affecting my mood.
"Well, parang ganun nga ang gagawin namin. Fight off some villains." Pagsabay ko sa sinasabi niya. Tatango tango lang siya sa akin ngunit ang mga mata ay nakapaskil pa rin sa katawan ko as if memorizing every part of it.
"Wow, Lucy. I knew you were attractive but this just goes beyond my imagination." This time, I just impishly smiled at her. Not really expecting a compliment like this from her. Well, she's Betty. She can be very straight-forward.
"Well, moving on. I have a question." Pag-iiba niya bigla. Ngayon, nakatingin na nang diretso sa mga mata ko at hindi na sa suot ko.
"Sige, ano 'yun?" I asked.
"Do you know any Monica around here?" Nangunot ang noo ko at nag-isip. Bukod sa kaniya, sa kagrupo ko at iilang pamilyar na mukha sa akin dito sa academy, wala naman na talaga akong kilalang iba dito.
BINABASA MO ANG
Brechmos Academy: School For The Lost
FantasyBrechmos Island was made to save the lost ones during a plague that caused their cities to die down. Created and established by the greatest chemists and scientists in their time, many lives were saved and healed from the sickness. But in exchange...