CHAPTER 13

91 12 18
                                    

Habang papalapit nang papalapit ang bangkang sinsasakyan namin sa lupang nakikita namin sa di-kalayuan, unti-unti ring nanlalaki ang mga mata ko at bumibilis ang tahip ng dibdib ko.

"That's Menori. The once beautiful and wealthy capital city of our country before the plague ruined everything."

Mahinang sabi ni Doc Cheska na nakatayo na ngayon sa gilid ko. Hindi ko magawang iiwas ang tingin ko doon. Hindi ko lubos maisip kung paanong ang malaking bayan na ito ay pawang isang  guho at pira-piraso nalang ng mga establisyemento kung titingnan.

Remains of once magnificent skyscrapers are all around the city. Pawang isang pitik nalang ay guguho na ito walang isang segundo ang lilipas. Wires dangle from posts that were torn down on the streets. Nakita ko pa ang pagpitik ng isang live wire sa may di-kalayuan.

Napatingin ako kay Doc Cheska. "May kuryente pa sa lugar na ito?" Naitanong ko. Mahina siyang tumango. "Yes. Some parts are still functional. May mga tao pang lumalaban sa buhay nila dito. And they need to do whatever they can to supply for their needs. But most of these are already manipulated by the group of  Warps. Sila na ang halos na nagpapatakbo ng lugar na ito."

Naibalik ko ang tingin sa papalapit na papalapit na sirang bayan and I still couldn't believe my eyes. People must be so scared of living in this place. Everyday must feel like a mental torture.

Tumigil ang barkong sinasakyan namin di-kalayuan sa pampang. Napatingin ako sa kanilang lahat nang magsimula na silang tumayo para sa pag-alis namin.

Nang tuluyang dalhin ng alon ang bangka namin patungo sa pangpang, agad na tumalon paibaba ang mga kasamahan ko. I checked my weapons before I stood up and followed them.

Nakalapat na kami sa lupa lahat at nagsimula na kaming maglakad patungo sa sasakyan na nakaparada ilang distansya lang mula sa dagat. There are five of them. Big white vans and some soldiers from the Brechmos Island stood beside it.

Napatingin din ako sa gilid. There are two other boats beside ours, too. Mukhang doon ang sinabi nila kung saan namin isasakay ang lahat ng mga makukuha naming rescued.

"Doctor Tan, the equipments are ready." Nakuha no'n ang atensyon ko. One soldier stood beside the Tan twins. Halos sabay naman silang tumango sa kaniya. Doc Jeremiah turned his attention to us.

"Get on the van and prepare." Mabilis kaming kumilos at agad na pumaloob sa sasakyan.

Once we got in on one of the vans, halos matigilan ako sa nakita. The van is much more spacious than what I expected. Nasa apat na monitors ang nasa loob at may dalawang lalaki ang nag-ooperate dito. I looked at the side and saw the bullet proof vests that we're about to suit up and more weapons laid aside.

"If you don't want to get in, then you can step aside."

Napatingin ako sa likod ko at nakita ang nakataas kilay na si Morgan habang nakatingin sa akin. Mabilis akong humakbang sa gilid at agad naman siyang pumasok. I slightly shook my head. I was too caught up with everything that I was seeing.

"Move along, Lu." Sabi ni Andrew at tinapik ang balikat ko. Tumango nalang ako at agad na sumunod sa kanila papasok.

All six of us started preparing. Sinuot ko ang isang bullet proof vest at nagpasok pa ng isang baril sa kabila kong gilid. I gripped on my hands at malalim na huminga.

This is the real thing now. I'm not going to shot nor pierce mere dummies anymore. Totoo na 'to. And I should keep in mind that they're enemies. Kailangan ko munang ibalikwas ang kahit na anong emosyon para maisagawa ng tama ang misyon na ito.

"Soldiers, waiting for command."

Agad na napahawak ako sa earpiece ko nang may boses na dumagundong doon. It was one of the guards inside the other van. Napatingin kaming lahat kay Doc Cheska na nakaupo katabi ni Doc Jeremiah sa harap ng nasa gitnang monitor.

Brechmos Academy: School For The LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon