Dani's POV"You are my dream you are my love-"
Napatigil ako sa pagkanta nang pumasok dito sa restroom yung gwapong transferee.
OH MY GOD!!!!!!!
Kinagat ko ang labi ko habang simpleng tumitingin sa kanya habang nag huhugas. Parang nanginginig sa kilig ang dalawang kamay ko.
Gusto ko siyang dambahin at halik halikan sa napaka gwapo niyang mukha! Ang ganda ng katawan, ang ganda ng tindig, ang bango, ang tangkad, so ibig sabihin malaki din ang...
"Emeghed," bulong ko sa sarili ko.
Para akong asong ulol na naglalaway! Bakit ba hindi ganito kagwapo ang mga estudyante sa campus na to?!
ANG GWAPO SOBRA!!!
Pag labas niya ng restroom, patago ko siyang sinundan hanggang sa may humila sa kanya ng malakas sa fire exit at malakas na itinulak sa pader.
What the fuck? don't fucking touch my baby!
Sumilip ako ng bahagya pero maliit lang ang puwang ng pintuan kaya siya lang ang nakikita ko.
"What the fuck are you doing here?" rinig kong sinabi ng kausap niya kay gwapong transferee.
Kumunot ang noo ko. Ha? fuck ka ren!
"Sinusundan mo ba ako?" dagdag niya pa. Tinanggal ni transferee yung pagkakahawak sa damit niya at maangas na nilapit ang mukha.
Sobrang hot niya lalo pag nagagalit! Ugh! Yung laway ko tumutulo!
"Think whatever you want," malamig niyang sinabi.
"So ano, coincidence lang na dito ka nag enroll at napunta sa team ko?"
Ano bang pinag uusapan nila? Nakakakaba naman at nakakakilig! Sobrang gwapo pa rin niya!
"Oo." simpleng sagot niya. Sarkastikong tumawa yung kausap niya.
"Really, Jace? 5 years and you still keep feeding me with your lame excuses. Wala kang pinagkaiba sa kanya."
Jace pala ang name niya. Baby Jace!
Mahigpit ang kamao nitey at umambang susuntukin ang chaka niyang kausap habang hawak ang damit nito pero mas pinili niyang pigilan.
Tama yan baby! Go at suntukin mo ang pasmadong bunganga ng taong yan!
Binuksan niya ang pinto at agad akong umaktong naglalakad. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa pool area.
Aish paano ako makakapasok?
"Nicole, paabot naman nito kay Sir August, okay lang ba?" rinig kong sabi ni Ms. Madriaga paglabas ng faculty.
Agad akong umepal at kinuha ang dala niyang mga papeles.
"Nako ma'am sakto doon din ako papunta. Ako na lang magdadala ha? Baka mapagod pa si Nicole. You're welcome ma'am!"
Louisiana's POV
Mahigpit ang kamao ko habang naglalakad at hinahanap si Chad. Hindi tumitigil ang tulo ng luha ko kaya naman para akong tangang umiiyak dito sa labas. Mabuti na lang at wala na masyadong estudyante kundi mapagkakamalan akong baliw dito.
Ilang minuto ng paghahanap kasabay ng malakas na kidlat ay natanaw ko siya. Agad niya akong nakita at ngumiti sa akin habang naglalakad palapit.
Para akong dinudurog ng mga ngiti niya.
"Hey, babe-"
Malakas ko itong sinampal at napahawak siya sa pisngi niya.
"What the-"
![](https://img.wattpad.com/cover/247345622-288-k327814.jpg)