"Hey!" hiyaw ko.Napatigil ito sa paglalakad at ganoon din ako bago ako lumapit sa kanya.
"What?" malamig niyang tanong.
"What was that?" ulit ko.
Humakbang ito palapit sa akin dahilan para mapaatras ako ng bahagya. Pumintig ang puso ko sa kaba sa hindi malamang dahilan. Well, if you have this good looking-tall guy in front of you at kakaunti lang ang espasyo nyong dalawa eh hindi ka na dapat pang magtaka.
That explains it.
He leaned towards me at agad akong nag iwas ng tingin. Para akong tinutunaw ng tingin niya.
"I just saved your ass," mababaw ang boses niya na agad namang nakapag pabilis ng pintig ng puso ko.
Damn! Why am I so nervous?!
Pumikit ako at bumuntong hininga.
"Okay okay, fine," hinalughog ko ang bag ko para kunin ang payong.
"Here," abot ko sa kanya. Nakatingin lang siya doon sa kamay ko at tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano yan?" pagtatakang tanong nito.
"Uhh, payong?"
"Stupid," bulong niya.
Ako??? Who does he think he-
"Alam kong payong yan. Ang sinasabi ko, anong gagawin ko dyan?"
Siya yata ang stupid.
"Ewan ko, sayo to eh!" inis kong sinabi.
Blangko ang mukha niya nang bigla itong naglakad palayo.
Hobby ba niyang layasan ang kumakausap sa kanya?!
"Hey!" iritado kong sinigaw pero hindi pa rin siya tumitigil sa paglakad.
Tignan mo tong bastos-
"Keep it or throw it away. Your call." rinig kong sabi niya bago siya mawala sa paningin ko.
Ano ba to! Kabago bago napaka gaspang ng ugali.
"Suplado," bulong ko sa sarili ko.
"Huy! Sinong kausap mo dyan?" halos mapatalon ako sa gulat.
Si Mico.
"Ano ba!" hinampas ko ito ng bahagya sa braso. Tumawa naman siya.
"Ano ba kasing binubulong bulong mo dyan? Baka mapagkamalan kang may sayad!"
Pabiro ko itong inirapan. Sakto, sa kanya ko nalang ipabibigay tutal ka team naman niya.
Oo, tama!
"Mico, favor naman."
Random student's POV
"Oo eto na teka lang nagmamadali na!"
Kasalukuyan akong nasa gitna ng napakalakas na ulan habang bitbit tong itim na payong ni Maycee, yung kaibigan ko habang nakikipag usap sa kabilang linya.
Sino ba naman kasing siraulo ang mag iiwan ng payong sa bahay ng iba kahit na alam na maulan ngayong panahon.
"Eto na nga-"
Halos lumabas ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nang makakita ako ng lalaking napaka gwapo na tumatakbo sa direksyon ko. Tila nag slow mo ang buong paligid ko.
"Can I borrow this?" tumaas ang balahibo ko. Kahit ang boses niya, napaka gwapo.
Lord, eto na ba yon?
