Prologue

351 20 0
                                    

Love is a Game. Let's just Play




"Pre! Pre! May bago daw chick sa STEM-I!" napatingin ako sa kaibigan kong tumatakbo palapit sakin at niyugyog pa ang balikat ko habang may kagat-kagat na tinapay.

"Ahh talaga?" interesado kunyaring tanong ko.

"Oo nga! Kami mismo ni Paul nakakita! Di ba pre?" tanong ni Grim at kinuntsaba pa si Paul na naka-head phone sa isang gilid.

"Pre?" pag-tawag ni Grim kay Paul ng hindi ito sumagot.

Patuloy pa rin sa pagbabasa ang isa habang may suot na headphone. Lupet nya no? Kaya nyang mag-basa ng may music. Samantalang ako konting ingay lang nang-gagalaiti na dahil nawawala agad ang focus ko sa pag-aaral.

"Pre? Nasa earth ka pa ba?" nakakatangang tanong ni Grim habang nakatingin kay Paul at ikinakaway pa ang kamay.

Nag-angat ng isang masamang tingin si Paul kaya agad namang tumigil ang isa at ngumiti ng malaki.

"Oh?" bagot lang na tanong nito at inalis ba ang headphone nya para lang makinig sa sasabihin ng ungas na to. Bahagya akong natawa dahil sa biglaang pag-kaputla ni Grim.

"Di ba ang ganda nung nasa STEM-I? Ngayon ko lang nakita yun eh." sabi ni Grim at naupo na sa tabi ko ng maitanong nya yun. Hindi naman sumagot agad si Paul at nag-iwas lang ng tingin.

'Sino bang babae ang tinutukoy ng ungas na to para pati ako at si Paul ay guluhin?'

Tumingin ako kay Paul na tulala lang sa tabi ko habang nakatingin sa may bintana. Kumunot ang noo ko dahil sa nakikita. Kelan pa naging tulala amg lalaking to? Samantalang palagi tong naka-focus sa binabasa nya eh!

'Bakit pati si Paul apektado? Sino ba yun?'

Kilala ko si Paul. Imposibleng mag-kagusto to sa mga babae. Girl hater ang isang yan eh. Hindi daw sya magchi-cheat sa waifu nya'ng 2D girl.

"Yeah. She's pretty and hot." wala sa sariling sabi ni Paul at umayos na ng upo.

Napahawak ako sa bibig ko habang nakatingin sakanya. Tama ba ang narinig ko?! Namuri sya ng babae?!

"But Mai-san is the best girl and best waifu so i don't care about that girl." sabi nimya at tumingin sakin bago bumaling sa libro nya.

Lalo akong nagulat dahil sa sinabi nya. Never nyang kinumpara ang mga waifu nya sa mga babae! Oh my god! Ano na bang nangyayari sa mundo'ng to?!

"Pre seryoso, gano ba kaganda ang babaeng yun para ikumpara mo sakanya si Sakurajima-senpai?" gulat na tanong ko habang nakatingin sakanya. Hindi ko pwedeng tawaging Mai-san ang waifu nya dahil papatayin nya ko.

"She looks like an anime girl so i think comparing her to my waifu isn't bad." sambit nya at nag-palumbaba. Kumunot ang noo ko dahil dun.

Panong kahawig? Eh walang ilong ang mga anime di ba? Tapos ang mga mata naman nila eh malalaki at sobrang ku-cute.

'Naalala ko tuloy si Chitanda. Ang ganda-ganda nun eh.'

"Talaga? Mukang anime character?" tanong ko pa. Naging interesado tuloy ako. Hindi ako kagaya nyang weeb talaga ah. Sya kasi hindi na kailangan ng subtitle pag nanunuod ng anime eh. Kaya nya na kasing intindihin lalo pa't pinag-aaralan nya yun.

'Ganun sya ka-adik.'

"Oo pre! Muka talaga syang anime character! Kaso ang pinag-kaiba nga lang, mataray syang tignan." sagot ni Grim kaya muli akong napatingin sakanya.

Love Is A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon